Chapter 7: Grudge

11 2 0
                                        

CHAPTER 7

——— Zander's POV ———

Hanggang saan ba ang galit sa puso ni Troi at hanggang ngayon hindi siya makalimot? Alam ko sa aking sarili na wala akong kasalanan, ngunit paano ko ito mapapatunayan?

"Sapagkat nilamon na kami ng galit at poot
na dala ng katotohanan!" -Troi

"Anong katotohanan ba kasi 'yan?!" -Zander

"Ang pag-agaw mo kay Yna!" sigaw ni Troi

2 TAON ANG NAKAKARAAN...
(2021)

Ngayon ay 2nd year college na ako, nagkaroon na ako ng kaibigan at sobrang lapit naming dalawa. Si Troi ay aking naging kaibigan.

"Biruin mo, dalawang taon na magmula ako'y
lumapit sa umiiyak na Troi"

"Talagang pinaalala mo pa sa akin"

"May mga bagay kasing hindi dapat
kinakalimutan. Tignan mo ngayon, sikat
ka na oh"

"Hindi naman gano. Siguro naging rason
sa pagkapanalo ni Dad bilang Mayor"

"Oo nga pala, okay na kayo?"

"Oo? Siguro? Medyo? Hindi ko sigurado
hindi naman na siya nagbago magmula noon"

"Alam mo ba, napaka swerte mo
kasi kahit ganoon ang iyong Ama,
kasama mo pa rin siya"

"Nasaan na ba ang tatay mo?"
tanong sa akin ni Troi

"Bata pa lamang ako nang ako'y
maulila sa aking mga magulang. Lumaki
ako na hindi sila nakasama ngunit hindi
naman nagkulang ang aking Lola"

Sa kadahilanang si Troi ang aking pinaka unang naging kaibigan, siya rin ang unang tao na sinabihan ko ng aking nakaraan.

Lumipas na ang ilang linggo at may ibang tao na rin kaming nakahalubilo at nakausap, ngunit si Greg ang pinaka naging malapit sa amin.

"Brad" ang naging tawagan naming tatlo tuwing kami'y magkakasama at nagkakausap-usap. Naging malapit kaming tatlo na kinainggitan nang nakararami.

Tandang tanda ko pa nung na b-bully si Greg ng kaklase naming si Fred. Si Fred ang kilalang bully sa university kaso tinanggalan siya nang trono ni Troi at Greg.

"Lumpo!" sigaw ni Fred

"Ano bang ginagawa ko sa'yo?" -Greg

"Matapang ka ngayon? Wala naman
'yung brad mo ngayon. Tignan natin sinong
magtatanggol sa'yo!"

Rinig namin ito mula sa labas, sabay kaming pumapasok si Troi dahil magkalapit lamang kami ng bahay.

Naririnig namin na nagsisigawan ang lahat.
"Inaaway ni Fred si Greg!" Nang marinig namin ito ay agad kaming tumakbo patungo sa aming silid-aralan.

"Gago ka!" sigaw ni Troi

"Nandito na pala ang brad mo na nuknukan
ng yabang. Akala mo naman kung sino,
hindi na lang tumulad kay Zander na hindi nakikisali sa gulo niyo"

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon