CHAPTER 3
——— Zander's POV ———
4th year college na ako at dito ako nagsimula ng kolehiyo. Sa Colegio de San Juan. Malawak, maganda at maraming estudyante.
Kilala na talaga ang bully na sina Troi at Greg sa aming paaralan dahil sa tuwing may gulo, asahan nang kasama sila.
Matatapos na ang araw ngunit hindi pa rin naibabalik ang gintong polseras na pagmamay-ari ng misteryosong babae.
"Kahit kailan talaga 'yung mga
bullies. Hindi marunong sumunod sa
napag-usapan" -Zander
Maglalakad na sana ako palabas ng gate nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Pamilyar ang boses ngunit hindi ko maalala kung sino.
Hinanap ko kung saan ito nagmula, ngunit nang ito'y sundan ko sa hallway, bigla na lang ako nawalan ng malay. Ilang saglit lamang ay nagkaroon na ako ng malay dahil may sumasapak sa akin.
"Gising, Lampa!" -Troi
How am i even surprised. It's the bullies. Bakit nga ba sinundan ko pa.
"Maangas ka 'diba? Ano ba akala mo kakayanin mo kaming dalawa? -Greg
"Ano bang kailangan niyo? wala na
ba kayong alam kundi ang tumapak
ng mga tao?" -Zander
Bigla akong sinapak ni Troi.
"Hindi ka namin inaapakan, kita mong sinasapak kita!" -Troi
I am poweless. Nakagapos ako at talagang desidido sila na patayin ako.
"Akala ko nung una bullies lang kayo,
Hindi ko inakalang mga kidnapper
pati mamamatay tao kayo!" -Zander
"Gago ka pala! Wala sa plano namin ang
patayin ka, pero kung 'yun ang gusto mo,
gagawin namin!" -Troi
"Noon pa man marumi na ang kamay
ng mga Agua. Manang-mana ka sa tatay
mo naturingang mayor, wala namang
silbe" -Zander
Gusto kong takasan ang mundong mayroon ako, palagi ko na lang nakakaharap ang mga bullies sa school.
"Papasabugin ko 'yang bunganga mo,
Baka nalilimutan mong magsasara na ang campus. Tignan natin kung kakayanin
mo mag-isa dito!" -Greg
"Hindi mo ako matatakot!" -Zander
"Hindi ba ito ang hinahanap mo?" -Troi
Pinakita sa akin ang gintong polseras.
"Ibalik mo sa akin 'yan!" sigaw ko
"Ibabalik ko kung buhay ka pa matapos ang gabing 'to" -Troi
"Ang sama-sama ng ugali niyo! Pambihira,
mga masasamang tao!" -Zander
They laughed. The bullies left. They locked the door. Alam kong nasa basement ako ngayon at tiyak na walang makakarinig sa akin, marahil magsasara na rin ang campus.
"Tulong! Tulong!" sigaw ko
Kailangan kong lumaban. Ang gintong polseras ang magbibigay sa akin ng daan upang makapunta sa lugar na nais kong puntahan.
BINABASA MO ANG
Underneath
Adventure[ONGOING] A story about a guy searching for the long lost treasure his ancestors been hiding for centuries. Will he find the treasure he's been searching for?
