ALAM niyang nagpaiwan si Cielo Saavedra at tahimik na nakaupo lang sa huling hilera ng mga upuan. He grimaced inwardly, hating himself for liking her still. And to think she isn't even his type! Pero mamamatay na muna siya bago niya maipahiwatig man lang dito o kahit kanino ang paghanga niya.
My god, the girl was a slut. A very rich, very young slut. Sa nakalipas na halos apat na buwan niya sa SIC para sa OJT niya ay sinawaan na siya ng bilang sa mga naging boyfriend nito. And boys followed her everywhere like crazy. Bawat isa'y umaasang mapapabilang sa mga kabataang lalaking pinag-uukulan nito ng pansin.
He wondered what would she be three or four years from now. He shook his head mentally. Hindi niya gustong isipin. Hindi niya maintindihan ang magkalayong ugali ng magkapatid. Sana'y si Stacie na lang ang pinag- ukulan niya ng paghanga na kung tutuusin ay wala naman halos ipinagkaiba ang dalawa sa pisikal na anyo kung ganda ang pag-uusapan.
Not that he didn't admire Stacie. But it was a different kind of admiration. It was more of a brotherly affection, he thought so.
And he could easily tell who was who. Kahit ano pang pagpapanggap ang gawin ng magkapatid. Tulad na lang ngayon. Perhaps because no matter how Stacie dressed herself up to impersonate her sister, Stacie's shy smile gave her away. At nang pumasok si Cielo sa klase ay tila may kumislap na bombilya sa ngiting itinuon nito sa mga kaibigang nasa kabilang bahagi ng row.
The Saavedras represented everything he hated in this town. Subalit hindi niya maitatangging kung hindi dahil kay Janet Saavedra ay hindi siya makatutuntong man lang sa loob ng bakuran ng eksklusibong paaralang panlalaki sa Trinidad na ang karamihan sa mga nag-aaral ay mga anak ng maykaya sa mga nakapaligid na bayan.
His mother died when Gael was barely four years old. He could hardly remember her. Dahil laging maysakit si Marisol at mas malimit na nasa General Hospital. At hindi siya pinahihintulutan ng ama at ng Tiyang Carmen niya na magtagal sa silid ng ina.
Dahil sa pagkakasakit ni Marisol ay nasanla ang kapirasong lupain nila sa bangkong pag-aari ng mga Saavedra. Sanlang tuluyan nang naipagbili sa kalaunan para lang matustusan ang mga gamot ng ina na sa kalaunan ay namatay rin. Dahilan din iyon upang maantala nang dalawang taon ang pag-aaral niya.
Janet Saavedra offered to shoulder his schooling when his mother died. Subalit mariing tumanggi ang tatang niya.
"Patay na si Marisol, Janet," natatandaanniyang wika ng tatang niya. "Sana'y natapos na rin ng kamatayan ng asawa ko ang ugnayan mo sa pamilya ko."
Subalit nang tumuntong siya sa mataas na paaralan, sa pagkamangha niya, tinanggap ng tatang niya ang scholarship mula sa Janet Saavedra Foundation. Natitiyak niyang iyon ay dahil sa pamimilit ng nakababatang kapatid nitong si Tiyang Carmen.
Isa na naman iyon sa tulong ni Janet Saavedra sa pamilya niya. Kahit wala na ang ina ay nanatiling kaibigan ng pamilya niya si Ms. Janet. Ang nakapagtataka ay hindi bumababa mula sa itaas ang tatang niya sa tuwing naroroon sa bahay nila si Ms. Janet.
He could understand his father. First, Ms. Janet was a constant reminder of his dead wife. Second, kahit paano ay kailangang isalba ng tatang niya ang kaunting pride.
Ang namayapa niyang ina at si Janet Saavedra ay magkaibigang matalik mula pa noong mga bata ang mga ito. Hanggang sa mamatay ang mamang niya ay naroon si Janet at nakikiramay.
Ang magkapatid na Vince at Janet ay parehong galing sa hirap. Nagkataong pinalad na makatanggap ng scholarship si Vince Saavedraat pinagkatiwalaan ng namayapang si Henry Lang, ang ama ni Moana Marie.
Subalit hindi maitatangging matalino at mahusay sa negosyo si Vince. Napalago nito nang ilang doble ang dati nang maunlad na negosyo ng mga Lang, making the Lang-Saavedras one of the richest families on this side of the planet.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 16: My Wayward Wife
Romance"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you. All you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang...