CIELO gasped at the sudden flash of memory. Ang mga mata niya'y dumako sa bahagi ng baybayin. Mula sa pagitan ng mga puno ng niyog ay natanaw niya ang dagat. Manaka-nakang alaala ang biglang kumislap sa isip niya.
Nasa bangka na si Stacie dahil mas una itong inalalayan ni Gael at mabilis itong nakapanhiksa pamamagitan ng katig kaysa sa kanya. Nakatayo pa siya sa tuyong buhangin nang ipasya niyang lumakad patungo sa tubig na hanggang kalahati ng binti niya kipkip ang Barbie doll niya.
"I'm... scared, Gael..." Inuuga na ng mga alon ang binti niya pero sinikap niyang tumayo nang matatag.
"Bakit ka lumusong?" ani Gael na binitiwan si Stacie sa loob ng bangka upang balikan siya.
Subalit naunahan ito ng isang malaking alon na humampas sa kanya. Natumba siya at lumubog sa tubig.
"Cielo!" ang magkasabay na sigaw nina Gael at Stacie.
Ang sunod niyang namalayan ay karga na siya ni Gael. "Nakainom ka ba ng tubig?" he asked, a worried frown on his face as she coughed.
"A little. It's... maalat."
Sa kabila ng lahat, Gael gave a bark of laughter. "Maalat talaga ang dagat." Then he stopped laughing. "Mapapagalitan ako ng daddy at mommy mo."
She smiled at him. Her arms on his neck. "I won't tell."
"Malalaman nila. Basa ka na."
"I'll tell them I took a swim. I know how to swim, Gael. We have a very, very big swimming pool..."
"Basa na rin ang doll mo." Niyuko nito ang manyikang inaalon-alon sa paanan nila. Dinampot nito iyon.
"You can have her. She's my favorite and I am giving her to you."
"Lalaki ako at hindi ako naglalaro ng manyika."
Her eyes met his as she took a gasp of breath. Sa nakikita niya sa mga mata nito'y ipinahihiwatig na pareho nilang naaalala ang eksenang iyon.
Paanong hindi man lang sumagi sa isip niya iyon sa nakalipas na maraming taon? "H-hindi ko na naalala ang... pangyayaring iyon."
"You were just a baby. And I am a poor boy. Out of your league. Must be the reason," he said coldly. "Besides, iyon ang una at huling pagkakataong isinama ka ng mga magulang mo rito."
Hinawakan siya ni Gael sa likod ng braso at kulang na lang ay kaladkarin patungo sa may balkon. "Tiyang, ang asawa ko po, si Cielo." Then he looked at her with a false smile on his lips. "Ang tiyahin ko, sweetheart..."
"K-kumusta po kayo?"
Pinahiran muna ng matandang babae ang kamay sa apron nito bago inilahad sa kanya. "Mabuti naman, hija. Sana'y magustuhan mo rito sa amin."
Sa huling sinabi ng tiyahin ni Gael ay muntik nang umikot ang mga mata niya kung hindi niya naramdaman ang paghigpit ng tila bakal na mga daliri ni Gael sa braso niya bilang babala.
"S-sana nga po," pagak niyang sabi."Nakaluto na ako, Gael," wika ni Tiyang Carmen. "Alas-singko pasado pa lang pero gusto mo bang maghain ako nang maaga?"
"Tamang-tama ho dahil hindi pa ho kami nana-nanghalian."
"Mga batang ito... Siya, pumasok na kayo at iinitin ko lang ang halaan at malagyan na ng dahon ng sili. Masarap higupin iyon nang mainit." Tumalikod ito at nagpaunang pumasok sa kabahayan.
"H-halaan?"
"Uri ng shell," Gael said. "Huwag kang mag-alala, hindi kita gugutumin sa unang araw mo sa bahay ko. Nagpaluto ako ng inihaw na pork-chop kay Tiyang Carmen. Siguro naman ay alam mo kung ano ang pork-chop?"
BINABASA MO ANG
Sweetheart 16: My Wayward Wife
Romance"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you. All you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang...