CHAPTER EIGHT

4.4K 90 10
                                    


KUNG bomba ang sumabog sa harap niya'y baka hindi pa siya gaanong nabigla. Sanay siya sa kaliwa't kanang putukan at sabugan ng bomba. Sa war zone sa Middle East na siya halos nakatira sa nakalipas na pitong taong mahigit.

"I... I don't understand," he said, puzzled.

"Kanina lang ay tiniyak ninyo sa aking hindi na dapat lumampas pa sa pagkakaibigan ang turingan namin ni Stacie... Now—"

"I am not talking about Stacie, Gael. Si Cielo ang tinutukoy ko."

"Si Cielo!" That was another bomb Vince dropped. "I am sure you're joking, Sir." Hindi niya malaman kung ngingiti o magsasalubong ang mga kilay.

But the older man didn't even so much as blink. "Hindi ako nagbibiro, Gael. Pakasalan mo ang anak ko at burado lahat ang mga pagkakautang mo sa bangko ko at mapapasakamay mong muli ang mga titulo ng lupa ninyo, pati na rin ang deed of sale ng limang bangkang pangisda. Iyon ang magiging regalo ko sa inyong dalawa sa sandaling makasal kayo."

He was incredulous. "Why... why would you want to marry your daughter off?"

"Si Jason ay nasa estado na at kasalukuyang naninirahan sa Hong Kong. Stacie's got herself a job at the mill. At sa kasalukuyang ginagawa ni Cielo ay kinatatakutan kong isa sa mga araw na ito ay basta na lang mag-asawa ang anak ko sa kung sino na lang."

"Why worry? Sa naririnig ko'y hindi basta-bastaanak ng mga kung sino-sino ang sinasamahan ni Cielo," he said drily.

Mula nang mabalitaan niya ang pakipagtalusira nito sa kasintahang si Gerald ay nakadalawang palit na ng boyfriend si Cielo. And now, he heard that Cielo was dating her ex-fiancé. At usap-usapan na hindi pa naaayos ang legal na pakikipaghiwalay nito sa asawa.

He hated to think that Cielo's moral had really gone down to the drain by involving herself with a married man. Pero sapat ba ang mga pinaggagawa nito upang halos ipagtulakan ito ng ama sa kanya?

O baka mas may malalim na dahilan? Maaaring nagdadalang-tao ito. Sa naisip na iyon ay biglang may galit na umahon sa dibdib niya. Hindi niya matiyak kung saan galing. He tried to defuse his anger by taking a deep breath and exhaled the air slowly.

"Ang pagiging masalapi at nabibilang sa alta-sosyedad ay hindi garantiya na ang isa ay mabuting tao, hijo."

Gael had no answer to that.

"At kailangan kong mag-alala. Nakipagkita lang ako sa doktor ko kamakailan at napag-alaman kong may sakit ako sa puso. Inililihim ko iyan sapamilya ko. And I don't want to worry my family. But Cielo would be the death of me!"

Gael stared at the older man. He looked healthy. Nagdududa siya kung totoo ang sinasabi nito. Gayunma'y traidor ang sakit sa puso. Baka nga totoong may sakit ito.

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?" he countered.

"Cielo and I are not even friends, Mr. Saavedra. Na kung nagkataong hindi ako binigyan ng scholarship ng kapatid ninyo ay baka ni hindi kami magkakaroon man lang ng pagkakataong mag-usap noong araw."

"That can be remedied, Gael. Renew your acquaintance with my daughter, make friends with her. Napakadaling gawan ng paraan niyan. I'll invite you to have dinner with us. Besides, I remember she had a crush on you years back..."

"You are wrong—"

"I have always admired you, Gael," ani Vince na hindi siya pinatapos. "Kahit noong bata ka pa lang at kasa-kasama ng tatang mo. 'Sabi mo nga, hindi mo kailangang mangisdang kasama ni Elpidio. Pero ginawa mo pa rin."

Sweetheart 16: My Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon