HER APPOINTMENT with the San Bartolome's mayor was a success. May ipapatayo itong beach resort at nagustuhan nito ang landscaping niya pati na rin ang proposed location ng mga cottage niya. It was her biggest and most expensive project yet. Ipagpapaliban na sana niya ang pagpapatingin pero minabutinggawin na iyon sa araw na iyon.
Hindi nagkamali si Tiyang Carmen dahil kinumpirma ng doktor ang hinala nito. She was four weeks pregnant. When she and Gael first made love, sa mismong araw na muntik na siyang mapahamak sa mga kamay ni Gerald, she must be fertile.
From the doctor's clinic she was driving to Gael's office. Sabado at walang pasok pero inaantok pa siya kanina nang maramdamang bumangon si Gael.
Her arm reached for him, feeling his warmth.
Her hand moved down to the apex of his thighs.
"Hmm... madilim pa sa labas."
Gael groaned. Pinigil ang kamay niya. "Don't do that, sweetheart. Kailangang abutan ko ang pagbababa ng mga isda sa aplaya." Then he planted a soft kiss on her lips.
With eyes she could hardly open, she tried to capture his lips. Gael chuckled. She moaned and she reached for his pillow and burrowed her face on its softness and inhaled Gael's scent. And loving it.
"Sso-rry..." wika niya mula sa pagkakasubsob sa unan nito. "I... can't make coffee. I'm so... sleepy..."
Again that lazy chuckle she was getting used to. "Go back to sleep." He planted a soft kiss on her ear. "Ako na ang bahala sa ibaba. Mula sa aplaya ay tutuloy ako sa opisina—"
"Hmm... it's Saturday..."
"Magpapa-accounting ako, Ciel. Tuloy na rin sa auditing. I have to be there today with Solly and..."
Lumalayo ang tinig nito at hindi na niya naririnig ang iba pang sinasabi. Marahil ay palabas na ito patungo sa banyo. Inilagay niya sa inaantok niyang diwa na kapag nagkapera sila ay uunahin niyang magpalagay ng banyo sa silid nila.
And then there was the African daisy on his pillow when she woke up. Gael was so sweet and loving. Ano pa ba ang maaari niyang hilingin? She thought of her parents and grinned. Ano kaya ang sasabihin ng mga ito sa sandaling malamang magkakaapo na ang mga ito. Vince and Moana would be thrilled. Naunahan pa niya si Jason.
Nang maisip ang mga magulang ay saka niya natantong isang buwan na halos mula nang huli silang magkita. Ipinasya niyang yayain si Gael na magtungo sa San Ignacio pagkagaling ng opisina nito upang dalawin ang mga magulang at nang maibalita na rin niya na magkakaapo na ang mga ito.
Her heart was overflowing with happiness. Lahat iyon ay utang niya sa ama. Ipinangako niya sa sariling kung ano man ang lihim ng pagkatao niya'y ibabaon na niya sa limot. Perhaps she would even try showing her aunt Janet some affections. Hindi marahil ganoon kadaling magsimula. Pero titiyakin niyang gagawin niya iyon.
Gael wasn't expecting her. Hindi niya itinawag na magpapatingin siya pagkatapos ng appointment niya sa kabilang bayan. Dalawang sorpresa ang ibibigay niya rito. Biglang nagpreno ang isip niya.
Natitiyak niyang ikatutuwa ni Gael ang panibago at pinakamalaking project na nakuha niya. Pero ikatutuwa rin ba nito ang pagdadalang-tao niya? Hindi siya nakatitiyak kung gusto nitong magkaanak sila sa napakaagang panahon ng pagsasama nila.
I must think positively, she thought.
She pulled her pickup to the building's parking space. She killed the engine and went out of her vehicle when she noticed a familiar car parked next to Gael's truck.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 16: My Wayward Wife
Romance"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you. All you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang...