INIHILIG niya ang ulo sa headrest. Hindi siya dapat nabigla dahil tiniyak sa kanya ni Vince na magpapakasal sila ni Cielo. But he also knew Cielo to be stubborn and strong-willed. Sinabi nito sa kanyang hindi ito pakakasal sa kanya. Kung ano man ang dahilan ng biglang pagsang-ayon nito'y natitiyak niyang kagagawan ng amanito.
"Gael, are you still there?" tanong ni Cielo nang humaba ang katahimikan sa pagitan nila sa himig na tila nagpa-panic.
"Hindi ako naniniwalang ganyan ka kadesperadong maiparating sa akin ang pagsang-ayon mong pakasal sa akin at hindi mo mahintay na makauwi rito. What gives, Cielo?" he asked calmly bagaman nagsisimula nang humalukay ang tiyan niya sa kaba.
"Nandito ako sa Dusit Hotel, Gael. Hindi ako makapag-check out dahil wala akong pambayad."
He stilled for a moment. His frown deepened as he took a deep breath. Sinisikap ipasok sa isip ang huling sinasabi nito. "Puyat ako, Cielo. Sa dalawang magkasunod na araw ay tatatlong oras pa lang ang itinulog ko kaya medyo scatter-brained ako ngayon at hindi kita gaanong maintindihan. Pakilinaw mo ang sinasabi mo."
Mula sa salaming partisyon ng opisina niya ay natanaw niyang gumagawa na ng kape si Solly. Itinaas niya ang mga binti sa mesa habang pinakikinggan ang sinasabi ni Cielo kasabay ng paghihilot ng isang kamay niya sa sintido.
Habang nagsasalita ito'y gumuguhit sa isipanniya ang anyo nito. Beautiful, proud, stubborn, and spoiled. Sa kabila ng kinasuungan ay nasa tinig pa rin nito ang pagmamalaki.
At nang sabihin nitong magpapakasal ito sa kanya'y tila ba napakalaking utang-na-loob na dapat niyang tanawin iyon.
Sa isang banda ay totoo naman.
At ngayong sumasang-ayon na itong pakasal sa kanya, ngayon pa lang ay nagsisimula na siyang mag-isip kung sa papaanong paraan niya ito susupilin. Gusto rin niyang pagdudahan ang katalinuhan sa naging pasya niya na sang-ayunan si Vince sa alok nito.
All in all, halos sampung milyon ang ibinabalik ni Vince Saavedra. At sabi nga nito, saan mang anggulo tingnan ay panalo siya sa iniaalok nito. Per se, yes. But he felt like a heel selling his freedom.
Pero hindi lang ang kalayaan niya ang dapat ikonsidera. It was his inheritance that would be given back to him. At kahit ang apat na ektaryang kapehan na maraming taon nang naiwala'y muling maibabalik. And there was his old aunt.
Tumingala siya sa kisame kasabay ng muling paghugot ng hininga. "Stay in your hotel and I'llbe there first hour in the morning..." aniya nang matapos itong magkuwento. Iminuwestra ng bibig niya ang pasasalamat nang ibaba ni Solly ang kape niya sa mesa.
"Why not now?" she cried desperately.
Gael closed his eyes tightly. Kung siya ang masusunod ay liliparin niya ang Makati mula Trinidad. But that would make him a fool. Ano ba ang kaibahan niya kay Vince Saavedra kapag ganoon? What was it about this woman that seemed to get under his skin?
He snapped his eyes open. "May inaasahan akong kliyente na darating, Cielo. Hindi ko maaaring kanselahin iyon dahil lang pumayag kang pakasal sa akin. Kailangan ko ang trabahong ipapasok ng kliyenteng ito para sa pagsisimula natin." Dinampot niya ang tasa ng kape at humigop.
"Oh, god!" she groaned. "Hurry up, Gael. I don't like not having money!"
"There's always a first time, sweetheart," he said drily though there was a little compassion in his voice he hadn't been able to hide. "And welcome to my world." Akma na niyang puputulin ang linya nang muli itong magsalita.
"Let's marry here, Gael. Bukas, pagdating mo."
"What?" Ang akma niyang paghigop muli ng kape ay napigil sa ere. Ibinalik niya ang tasa sa platito.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 16: My Wayward Wife
Romance"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you. All you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang...