CHAPTER SEVENTEEN

4.8K 101 35
                                    


NANG umaga ring iyon ay umuwi sa mansiyon si Cielo upang kuhanin ang pickup niya. Naroon ang mga magulang at kasalukuyang nag-aalmusal. Natitiyak niyang si Stacie ay nasa mill na dahil wala na ang kotse nito sa garahe. Nang makita siya ni Moana ay napatayo ito at sinalubong siya ng yakap.

"Hi, Dad." Isang ngiti ang ibinigay niya sa ama na nag-angat ng mukha mula sa binabasang peryodiko at may pagsang-ayong tinanguan siya.

"We were just talking about you, hija. Bakit hindi mo ipinaalam sa amin ang pagpapakasal ninyo ni Gael kahapon?" may-hinampong sabi ni Moana at hinila siya patungo sa dati niyang puwesto sa hapag-kainan. Tinawag nito ang katulong at nagpalagay ng isang pinggan para sa kanya.

"At biglang-bigla ang desisyon mo!" patuloy nito habang nilalagyan siya ng kape sa tasa. "Three days ago you were just screaming at your father that you won't marry Gael."

Dahan-dahan ang ginawa niyang paghigop sa mabango at masarap na kape. "Daddy's not giving me any choice." Sinulyapan niya ang ama na nagpatuloy sa pagbabasa ng peryodiko. "Napapahiya ako."

"You could have at least a proper wedding, hija," patuloy sa pagrereklamo si Moana. "Sa simbahan... at imbitado ang mga kaibigan at mga kakilala natin. Kailangang makasal kayong muli!"

Mabigat ang buntong-hiningang pinakawalan niya. "Iyan mismo ang dahilan kung bakitginusto ko nang makasal kami ni Gael sa huwes kahapon, Mommy. Under the circumstances, it is too hypocritical to announce our vows to the public."

"Hayaan mo na ang mga bata sa desisyon nila, hon. Matatanda na ang mga iyan," ani Vince na ibinaba ang peryodiko sa bakanteng silya at inabot ang mug ng kape at humigop. "So. Bakit ka narito sa unang araw ng pagiging may asawa mo? Natitiyak kong hindi mo kasama ang asawa mo dahil kausap ko lang siya wala pang isang oras ang nakalipas. Nasa opisina niya si Gael."

"Kukunin ko ang sasakyan ko, Daddy," sagot niya at muling hinigop ang kape. "At gusto ko ring hingin ang pahintulot ninyong dalhin ko sa bahay ni Gael si Letty."

Bahagyang kumunot ang noo ni Vince. "Pumayag ba si Gael na magdala ka roon ng katulong?"

"Bakit kailangang hingin ko ang pagpayag niya, Dad? Kung hindi ko madadala roon si Letty ay ako lahat ang gagawa ng mga ginagawa ng mga katulong natin dito, Daddy. In fact, Gael woke me up at six thirty this morning to cook breakfast! At wala akong balak maging alila!"

"Vince, may katwiran ang anak mo. Hindi mo inaasahang ang anak mo ang gagawa ng lahat ng gawaing-bahay? Ano ang alam ng anak mo sa pagluluto ng almusal?"

Isang nagbababalang sulyap ang ipinukol ni Vince sa asawa. "Hindi isang alila ang gampanan ang tungkulin bilang asawa, Cielo," anito. "You can take one of the maids with you, yes. Pero kailangang ipaalam mo sa asawa mo ang ano mang desisyon mo at kung ano man ang sasabihin niya ay dapat handa kang igalang iyon, sukal man sa loob mo."

She gritted her teeth. Pero wala siyang balak makipag-argumento sa ama sa araw na iyon.

Tumango siya. Then she ate her breakfast in silence. Nakapangangalahati na siya sa pagkain nang muling mag-angat ng mukha sa ama.

"Isa nga pala sa dahilan kung kaya ako narito ay gusto kong malaman kung magagamit ko nang muli ang ATM card ko, Daddy."

Tumango si Vince. "Magagamit mong muli ang ATM card mo, Cielo. Pero ang perang nasa account mo ay hindi na tulad ng dati. May iniwan akong half a million, regalo ko sa iyo sa kasal mo."

"Half a million!" she exclaimed. Muntik na niyang maibagsak ang tinidor sa pinggan niya.

"Ano ang mabibili ko sa halagang iyon, Daddy? Ang isang pares pa lang ng sapatos ko at katernong bag ay mahigit nang singkuwenta mil ang halaga!"

Sweetheart 16: My Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon