"FUTURE wife!" gilalas na ulit ni Gerald at sinundan iyon ng malakas na tawa na umalingawngaw sa buong karagatan.
"Hindi ka lang pala nangha-harass ng mga estudyante, Llamas. Mapangarapin ka pang makasilo ng matabang isda. At si Cielo pa ang napili mo, ha?"
Lumipat ang mga mata ni Gael sa kanya, and with a mocking smile said, "Why don't you tell him, sweetheart? Sabihin mo sa kanyang hindi ko pinangarap na maging asawa ka. Lamang..." Ibinitin nito ang mga salita.
Pinakawalan ni Cielo ang hiningang pinipigil, and glared at him.
"Pero mukhang doon ang bagsak nating dalawa. Ang maging mag-asawa, 'di ba, sweetheart?" idinagdag nito.
"Ano ang ibig niyang sabihin, Cielo?"
She ignored Gerald, naniningkit ang mga matang tinitigan niya si Gael. "Iwan mo na kami, Gael. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko!"
"Ow?" tudyo nito. Ipinagaod pa nito palapit ang bangkang-de-motor at dumikit ang dulo niyon sa gilid ng speedboat. "Ano ang magagawa ng sampal mo sa lalaking nanggagalaiti sa iyo, sweetie?"
He surveyed her bikini-clad body with distaste. "Hinanap mo man ang ano mang balak ng taong iyan sa iyo, hindi pa rin ako komporme sa pamumuwersa ng babae." He tsked and gazed at Gerald insultingly.
Gerald's face had turned red. "Wala kangpakialam sa amin, Llamas! Kusang sumama sa akin si Cielo!"
"Oh, I'm sure. Pero mula sa malayo ay nakita kong nagpupumiglas siya, Gerald. At namumula pa iyang pisngi mo sa sampal niya. Ibig sabihin ay pumapalag. Huwag mong pilitin."
Gerald laughed. Isang malisyosong tingin ang ipinukol nito kay Cielo. "Wala kang alam, Llamas. Cielo wanted it rough. Mga bata pa kami'y sanay na ako sa gusto niya."
Napasinghap siya. "How dare you!"
Gerald grinned at her. Then his arms went over her shoulders, his fingers digged into her flesh to warn her. "Come on, honey. Alam naman ni Gael ang tungkol sa atin. Ano ba ang dapat ipagkaila?"
Gael's eyes narrowed into slits. Tumiim ang mga bagang nito at nilingon ang kasama. "Doon ka na muna sa isang bangka, Peping," utos nito. Ang inutusan ay agad na tumalon sa tubig at nilangoy ang papalapit na isang bangka.
Ibinalik ni Gael ang pansin sa kanya, totally ignoring Gerald. "Lumipat ka rito, Cielo, at ihahatid kita sa pier ninyo."
He spoke with that same quiet tone. But the expression on his face was just shy offrightening. Sa papalubog na araw, his eyes were like cold silver, cutting at her. The wind whipping at his hair, hinahawi iyon mula sa matigas na anggulo ng mukha nito.
Hindi na siya bata na matatakot dito tulad noong nasa locker room sila. Gayunman, ang pag-aatubili niya ay sandali lang. Kahit paano'y hindi rin siya nakatitiyak na hindi itutuloy ni Gerald ang binalak nitong gawin. Nitong nakalipas na mga araw ay nagiging mapamilit na ito.
Subalit mas gugustuhin na niyang sumama pauwi kay Gael kaysa magpaiwan sa laot kasama ni Gerald.
Ang pagsama niya kay Gerald dito sa laot ay isang malaking pagkakamaling kanina pa lang ay pinagdududahan na niya ang katinuan ng ginawa. Subalit nanaig ang pagnanais na ipakita sa ama na hindi siya sang-ayon sa gusto nito.
"Iuwi mo ang lantsa, Gerald," she told him.
"This is crazy, Cielo. Bakit ka sasama sa lalaking iyan? Nalimutan mo na ba ang ginawa niya sa iyo noong high school ka?"
"Gawa-gawa ko lang iyon, Gerald," aniya at nilingon ito sandali. "Walang katotohanan ang kumalat na balita, tulad din ng walang katotohanan ang ginawa ni Darlene."
BINABASA MO ANG
Sweetheart 16: My Wayward Wife
Romance"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you. All you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang...