NANG hapong iyon ay maagang pumalaot ang mga mangingisda at sumama si Gael. Naiwan siyang walang ginagawa. Minabuti niyang magtungo sa tagilirang-bahay at naupo sa duyan. May ilang sandali na siyang nakahilig doon nang mapuna niya ang mga halamang naglipana sa buong paligid.
Noon lang niya uli napag-ukulan ng pansin iyon magmula nang una siyang dumating sa bahay na iyon. Tumayo siya at isa-isang inusisa ang mga halaman.
Some were common plants and flowers. But she saw some exotic ferns and air plants. Mga uring itinuturing na damo rito subalit sa Maynila ay mamahalin kung maiku-culture. Ang bahaging likuran ng bahay ay magubat na. Ang dulong bahagi niyon ay hindi na kalayuan sa baybayin.
Kung sa bagay ay si Tiyang Carmen lang ang naiiwan sa bahay. Ano pa ba ang dahilan at kailangang hawanin ang bahaging iyon ng bahay bukod pa sa hindi na nito kakayanin iyon.
Tumayo siya mula sa duyan at nilinga ang malawak na solar sa likuran na hindi na nababakuran at tuloy-tuloy na sa malawak na lupain. May mga matatandang punong namumunga sa paligid. Lihim niyang ipinagpasalamat na walang hilera ng punong-niyog sa bahaging iyon. May ilang paso siyang nakita na nakatambak sa ilalim ng matandang puno ng calachuchi. May mga tuyong-tuyong lupa subalit wala na ang mga halamang nakatanim.
Sa lumot na nakikita niya sa mga paso at sa mga damong kumapit na sa mga ito ay natitiyak niyang naroon na iyon buhay pa ang mamang ni Gael at napabayaan na lang. Kinuha niya ang mga iyon at hinawanan ng mga damo at binunot ang mga tuyot na tangkay.
Ilang sandali pa'y lubha na siyang naging abala at hindi na niya namamalayang lumulubog na ang araw.
KINABUKASAN ng umaga'y nagulat pa si Gael nang datnan siyang gising na.
"Ang aga mong nagising?" Ibinaba nito ang malaking salmon sa lababo.
Tipid siyang ngumiti. Looking at him, nagtayuan ang mumunting balahibo niya sa katawan. Iisang gabi pa lang niya itong nakasama sa buong magdamag at hindi na niya nakuhang makatulog nang maayos kagabi nang pumalaot ito.
Why, she'd missed him already!
"Ayokong maunahan ni Tiyang Carmen. Nakaka-hiya kung siya pa ang magluluto ng aalmusalin natin."
Amused na umangat ang mga kilay nito. Nilapitan siya at nilingkis ang mga braso sa baywang niya at inangat siya mula sa sahig. Then he nuzzled her throat.
"You smelled of fish!" She pretended disgust.
"You happened to have married a fisherman, Mrs. Llamas. Ipinaaalala ko sa iyo kung nakakalimutan mo." He sucked a soft flesh on her neck and she shrieked.
He looked at her with a mixture of amusement and desire. "You can wake the dead, sweetheart. Don't you know that I love it when you scream your climax. I feel like I'm Superman."
She blushed. "Put me down, Gael!" natatawang sabi niya at pilit itinutulak ang mga balikat nito. "Nakahanda na ang kape. Nagluto rin ako ng pancake..."
"Pancake, eh?"
"Oh, I've perfected my pancake even in high school. You won't be disappointed." Puno ng pagmamalaki ang tinig niya.
"I'd rather eat you," he said, hunger in his eyes. "Kung alam ko lang na mangyayari sa atin ito, disin sana'y pinagbakasyon ko si Tiyang sa mga kaibigan niya sa kabilang bayan..."
Nanunuksong umangat ang mga kilay niya. "Her presence's stopping you?"
"In more ways than one. Oh, god. I want to make love to you right now. Here on table top, sa counter, sa hagdan, at kahit sa banyo dito sa ibaba!"
BINABASA MO ANG
Sweetheart 16: My Wayward Wife
Romance"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you. All you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang...