CHAPTER SIX

4.3K 86 5
                                    


ANG NASA kabilang linya ay ang manager ng bangko sa Trinidad. Gustong tumayo ni Stacie at lumabas na subalit kinakabahan siyang alam niya ang dahilan ng pagtawag ng manager ng bangko sa Trinidad. Napag-uusapan nila ni Gael ang nalalapit na foreclosure ng mga ari-arian nito.

At hindi siya nagkamali habang nakikinig sa pakikipag-usap ng ama. Si Moana ay tahimik na nakikinig at paminsan-minsan ay nagsasalubong ang mga kilay. Ilang sandali pa'y muling ibinaba ni Vince ang receiver.

"Kaninong propiedad ang maiilit nang bangko, honey?"

Vince sigh was troubled. "Kay Elpidio. At ngayon ay nasa mga balikat ni Gael nailipat ang pagkakautang."

Napaungol si Moana. "Can you not do something about it?"

"Matagal nang dapat nailit ng bangko ang mga ari-arian ni Elpidio kung hindi ko ginagawan ng paraan, Moana. At dahil na rin sa pakiusap ni Janet. Tutubusin ni Janet ang mga ari-ariang naisanla ni Elpidio kung natitiyak niyang tatanggapin ni Gael. But Janet knew Gael would never claim the properties back."

"That young man has always been proud. Kung naibang tao ang pinag-ukulan ni Janet ng ganoong pagtingin ay malamang na namroblema ang kapatid mo."

Hindi sinagot ni Vince iyon at sa halip ay muling dinampot ang telepono at nag-dial. Ilang sandali pa'y nasa linya na ang kausap.

"Good morning, Ben. May ipapatrabaho ako sa iyo. May gusto akong malaman tungkol sa naging buhay ng taong ito sa nakalipas na pitong taon... Gael Llamas. That's his name."

"Bakit mo pinaiimbestigahan si Gael, honey?" kunot ang noong napalapit sa mesa si Moana.

Si Stacie man ay napalingon sa ama. "B-bakit inaalam ninyo ang tungkol kay Gael, Daddy?"

"It's personal, Stace," sagot ni Vince na tinakpan ang mouthpiece.

"But there's no need for you to hire a PI. Alam ko ang mga nangyari sa buhay ni Gael sa nakalipas na walong taon, Daddy," wika niya sa may-katiyakang tinig.

Parehong natuon sa kanya ang mga mata ng mga magulang. Ibinaba ni Vince ang telepono matapos itong umusal ng "I'll call you back."

"Ano ang ibig mong sabihin, Stacie? Paano mo nalaman ang tungkol kay Gael sa nakalipas na mga taong wala siya sa Trinidad?" tanong ni Moana at sinulyapan ang asawa.

Hindi agad siya sumagot. Nakita niya ang palitan ng tingin ng mga magulang.

"I am listening, Stace," Vince said, an edge in his tone.

"W-we... we've been seeing each other sinceGael came back, Daddy... Mommy..."

Napasinghap si Moana. "Kung ganoo'y totoo ang nakakarating sa aking balitang malimit kayong dalawa ni Gael na kumakain sa isang restaurant sa Trinidad!" Moana's eyes widened and her expression became worried.

"At isiping hindi ko man lang pinagtuunan ng pansin iyon nang sabihin sa akin dahil baka hindi sinasadya ang pagkikita ninyo! O 'di kaya'y nagkakataong magkasabay lang kayong lumabas sa restaurant."

"Define 'seeing each other,' Stacie."

Stacie knew her father too much that she didn't fail to notice there was something in his tone that bothered her.

"Like friends do." When she saw her father's brow raise in querry, she added hastily. "Magkaibigan kami ni Gael, Daddy. Natural lang na nagkikita kami paminsan-minsan..."

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang. Ni hindi nabawasan ang pagguhit ng kakaibang ligalig sa mukha ni Moana. She groaned silently. Hindi niya gustong binibigyan ng alalahanin ang ina.

Sweetheart 16: My Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon