The Way Back Machine

34.3K 1.1K 13
                                    

Chapter Eleven

NARAMDAMAN ni Bernadette ang pagpatak ng mainit na likido sa kanyang mga mata.

"Mommy, why are you crying?"

Mabilis na pinalis ni Bernadette ang kanyang mga luha pagkatapos ng pagbabalik-tanaw.

"W-wala ito, baby. Masakit lang ang ulo ni Mommy."

"You want tam meditin, Mommy?"

Naiiyak-naluluhang kinabig niya sa dibdib ang anak.

Umiling siya. "No, sweetie. Mommy will be fine."

"I'll kit it away, don't worry. Magic kit."

Tumaas ang dalawang mumunting palad ni Annie sa kanyang mukha. Banayad iyong humagod sa magkabila niyang pisngi. Pagdaka'y pinupog nito ng maraming halik ang kanyang noo.

Pinigil niya sa muling pagbalong ang kanyang mga luha at mahigpit na niyapos ang anak.

"I can't...breath," protesta ni Annie.

Natatawang niluwagan niya ang pagkakayakap sa anak.

"'You okay now, Mommy?"

She smiled between tears. "Yes, sweetie. Mommy's okay. As long as you're with me, everything's going to be okay."

"I love you, Mommy."

"I love you, too, baby."

Sa kabila ng mga nangyari ay wala siyang pinagsisisihan sapagkat isang magandang bunga ang naging resulta ng kasawian niya sa kanyang unang pag-ibig.

After that night ay muli silang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ni Anthony. Isang pagtatalong tuluyang pumutol sa kanilang ugnayan. Nang matuklasan niyang nagdadalantao siya kay Annie ay hindi niya alam kung dapat niya iyong ipabatid dito. Una sa lahat ay naputol na lamang basta ang kanilang komunikasyon. Ikalawa, hindi siya sigurado kung paanong tatanggapin ni Anthony ang kanyang dinadala sakali at matunton man niya kung nasaan ito. Kaya sa huli ay ipinasya niyang balikatin na lamang na mag-isa ang kanyang kalagayan.

Now, after four years ay muli silang nagkita. He still had that same effect on her. Na para bang kahapon lamang sila huling nagkita. Kasabay ng pagbaha ng lahat ng sakit ay may naramdaman siyang takot. Takot na baka ang nag-iisang sentro ng kanyang buhay ay kunin sa kanya ni Anthony. Ikamamatay niya kapag nangyari iyon.

***

"NANGANGALUMATA ka. Don't tell me, namamahay ka sa sarili mong bahay?" pabiro at tila nananantiyang sabi ni Manolo.

Isang pilit na ngiti ang ibinigay rito ni Bernadette. Coding ang kotse niya. At karaniwan ng kapag ganoong araw ay sinusundo talaga siya nito upang ihatid sa kanyang opisina. External auditor siya sa isang auditing firm sa Ayala. Isang buwan pagkatapos niyang pumasa sa board exam ay pinalad siyang mapasok sa Bernabe and Co. May tatlong taon na siya ngayon sa kompanya.

Si Melissa sa kabilang banda, ay namamasukan sa sariling kompanya ng mga ito na ang nagma-manage ay si Manolo. Doon na rin sana siya hinihimok ng kaibigan na pumasok. Subalit tumanggi siya at tinutukan ang pagre-review habang siya'y nagdadalantao.

"I heard he's...back, " tila naninimbang na wika ni Manolo.

Malungkot siyang napangiti habang nanatiling nakatutok ang tingin sa daan. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. At hindi na rin nakapagtatakang batid na nito ang tungkol kay Anthony dahil sadyang close ito at ang nakababatang kapatid na si Melissa.

"Siya ba ang dahilan ng kakulangan mo ng tulog?"

"Yes and no."

Natawa ito sa sagot niya, pakahol.

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon