The Past, The Present

32.3K 885 18
                                    

Chapter Twenty

ANG kaharap ni Anthony ay malayo sa dating Eloisa na nakilala niya. How long has it been? Maganda na ito dati pa. Ngunit ngayon ay tila lalong na-enhanced ang kagandahan nito. At kung dati'y kapansin-pansing wala itong class, ngayon ay mukhang elegante na ito at larawan ng isang matagumpay na career woman.

Naisip niya, at least mukhang nagbunga dito ng maganda ang pagsusuko sa relasyon nila kapalit ng pera.

"You looked well," aniya upang basagin ang namamayaning katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"I can say the same about you. No wedding ring yet? Or are you one of those married men na kapag lumalabas ng bahay ay binata?"

"What do you think?"

"I don't know. I'm not a good judge of character."

"So was I."

"Touché."

"What do you want from me, Eloisa?"

"It's been a long time. Kalabisan ba kung hihilingin ko sa'yong makasalo kang kumain ng hapunan?"

"What is this all about, really? This isn't like you at all."

"And what was I like, exactly?"

Hindi niya tiyak kung ano ang laro ni Eloisa. He hates mind games.

"Lighten up a bit, will you? I'm not here to bite you, you know," ngumiti ito na tila may bakas ng panunukso.

He must admit, sa ganoong paraan nito napukaw ang interes niya. Palibhasa maganda, kaybilis niyang nahulog ang loob dito.

Tinawag niya ang waiter at hinayaan itong umorder.

"So, how have you been?" tanong ni Eloisa habang naghihintay sila ng kanilang order.

"Good," matipid na tugon ni Anthony. "How did you get my number, by the way?"

"Does it matter? I got my own sources."

Hindi na siya nagkomento. Nang dumating ang kanilang order ay tahimik silang kumain. They were half way through their dinner when his cellphone rang.

Napangiti siya nang rumehistro ang pangalan ni Annie.

"Excuse me. I need to take this call," pasintabi niya kay Eloisa.

"Sure. I don't mind."

Tumayo siya at lumabas sa side terrace ng restaurant.

"Hello, princess. Is your Mommy home, yet?"

"Not yet, Daddy. When will you be home?"

"In a while, princess. I'm in a meeting right now."

"Oh."

Hindi nalingid sa kanya ang disappointment sa tinig ng bata.

"I will wrap this up as soon as I can, okay? May gusto ka bang pasalubong?"

"Ayt cream."

"Right," natawa siya. "I'll see you soon, love. I love you."

"'Love you, too, Daddy."

Bumalik na siya sa loob ng restaurant matapos ang tawag. Nag-mental note siya na kailangan niyang makausap nang masinsinan si Bernadette. Ayaw niyang lumaki ang anak nila na parehong absentee ang mga magulang. They need to work something out na parehong kumbinyente sa kanila.

"One of your girlfriends?" pabirong tanong ni Eloisa nang muli niyang okupahin ang kanyang upuan.

"My daughter."

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon