Never Let Go

31.6K 1K 12
                                    

Chapter Twenty Five

PUMASOK si Bernadette sa private den ni Anthony upang gumamit ng printer. Nagkagulatan pa sila ng nadatnan niyang tao roon pagpasok niya. Si Agatha, ang nakababatang kapatid ni Anthony. Hindi siya aware na naroroon ito, wala man lang nagsabi sa kanya gayong nasa kuwarto lang naman siya at may tinatapos na trabaho.

"I just got here. May ipinapakuhang documents si Kuya na kailangan niya sa office," maikling paliwanag nito. Nahulaan marahil ang iniisip niya.

"O-oh. Ahm, can I offer you a drink before you leave?"

"No, thanks. Hindi rin naman ako magtatagal."

Medyo awkward siyang tumango. Sa tatlong kapatid na babae ni Anthony, ito ang medyo malamig ang pakikitungo sa kanya. Kasundo na niya at nakakakuwentuhan ang panganay na si Alyanna at bunsong si Alma maliban kay Agatha. Bale ito ang sumunod kay Anthony. Kung bakit parang may hindi nakikitang moog sa pagitan nila ay hindi niya maintindihan. O marahil ay sadyang ayaw lamang nito sa kanya para kay Anthony. May mga ganoon naman talagang instances. Masuwerte pa nga siya kung tutuusin dahil kahit hindi pa sila nakakasal ni Anthony ay mukhang hindi siya mahihirapang pakibagayan ang kanyang magiging mga in-laws. Maliban na lamang siguro kay Agatha.

She went about her business and tried not to be bothered so much by Agatha's presence. Dahil kasabihan nga: You can't please everyone.

"Personally, I have nothing against you," narinig na lamang niyang sabi nito.

Naghintay siya ng iba pang sasabihin nito.

"Wala akong karapatang mamili at pakialaman kung sino man ang gustong makasama ni Kuya Anthony. Puso niya 'yon, eh. Pagdating sa ganyang bagay, we respect each other's choice. It's just that my brother is the type of person na kapag nagmahal ay sobra-sobra. He almost died the day you left him."

"W-what are you saying? He's the one who left me."

"He came back for you, but you weren't there."

"When? Naghintay ako sa kanya. Umasa na isang araw ay babalik siya."

"He did. Pero may nagsabi sa kanyang hindi ka na roon nakatira...and that you're already marrying someone."

"T-that's a lie. I had to leave because...because," hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa sabay-sabay na dagsa ng emosyon. "Who told him?"

"Your best friend."

"M-Melissa?"

"I think I already said too much. I better go, my brother is waiting."

"Wait. What did you mean when you said he almost died the day I left him?"

"His car crashed while looking for you."

Biglang natutop ni Bernadette ang bibig sa pagkabigla.

"He only reconciled with Dad because of you. My brother was a proud man and he will never vow down to anyone, even to our own father. Pero nang araw na bumalik siya ay nanikluhod siya kay Dad at nangakong gagawin ang lahat para maging karapat-dapat na successor ng aming ama. Later on, nalaman na lang namin na ginawa niya ang lahat ng iyon para sa isang babae. Para sa'yo. Pero nang balikan ka niya ay wala ka na. Parang literal na nagunaw ang mundo ng kapatid ko. Araw-araw, pagkagaling sa opisina ay uubusin niya ang oras upang hanapin ka. At marahil, dahil na rin sa pinagsamang pagod at alkohol, na-aksidente siya habang pauwi mula sa paghahanap sa'yo."

Nanikip ang dibdib niya sa mga narinig mula kay Agatha.

"Hindi ko sinabi ang lahat ng ito para sisihin ka. Gusto ko lang maunawaan mo kung gaano ka kamahal ni Kuya. Na sana sa pagkakataong ito ay...hindi mo na siya iiwan."

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon