When You Loved Me

32.7K 897 9
                                    

Chapter Eighteen

"THE answer is definitely no," matigas na sabi ni Anthony nang sabihin ni Bernadette na balak niyang magpaiksi ng buhok kaparis ng dati.

Napadaan kasi sila sa isang salon. Nang tanungin siya ni Anthony kung nais niyang magpa-hair treatment ang sabi niya rito ay gusto niyang magpagupit dahil nahihirapan na siyang i-manage ang kanyang buhok.

"I don't remember asking for your permission," nakakunot ang noong supla niya rito.

"In case you forgot, let me remind you, honey. You are mine, you belong to me. Every fiber of your being is mine."

Hindi kaagad siya nakapagsalita sa intensidad ng sagot nito. At bagaman napaka-aroganteng pakinggan ay kakatwang nagdulot iyon sa kanya ng kilig. She didn't say anything, gayunma'y ipinasya niyang huwag na ngang magpagupit.

"Besides, mas maganda ka kapag mahaba ang buhok mo," mahinang dugtong nito.

Uminit ang mga pisngi niya. Nang abutin nito ang kamay niya ay hindi niya nagawang iwaksi iyon. Hawak siya nito sa kanan habang buhat-buhat si Annie. Papasok na sila ng department store. Una silang pumasok sa clothing section na para sa bata. Every six months siya kung mamili ng gamit para kay Annie. Kadalasan na ay budget na budget lamang siya kung gumasta, kung ano lamang iyong importante. Ngunit si Anthony ay walang pangingimi. Lahat ng magustuhan nitong babagay sa anak ay inilalagay nito sa kanilang shopping cart. Wala itong pakialam sa presyo.

Hindi niya tuloy maiwasang magtaka kung ano na ang ikinabubuhay nito? Naglalaro pa rin kaya ito sa casino kaparis noong magkasama sila? Inaabot pa rin kaya ito ng umaga sa labas ng bahay kasama ng mga kaibigan nito? And does he still race?

Pero ang mga katanungang iyon ay nanatili lamang sa isip niya habang sila'y namimili.

"Try this on."

Nang tingnan ni Bernadette ang bagay na iniaabot sa kanya ni Anthony ay nakita niya ang isang napakagandang wrap around dress. Ang tela niyon ay parang madulas na scarf.

"If memory serves, I owe you a new skirt," bulong nito, na ang mainit na hininga ay pumaypay sa tagiliran ng leeg niya.

Ramdam niyang nagtayuan ang mga pinong balahibo sa kanyang batok kasabay ang pamumula.

"H-hindi mo ako kailangang ibili ng kahit na ano. Napakarami kong damit. Si Annie na lang."

"I insist. O, gusto mo bang samahan kita sa fitting room?"

Naniningkit ang mga matang hinablot niya mula rito ang damit at halos magmartsa patungo sa fitting area.

"Aroganteng numero uno," bubulong-bulong na sabi niya nang itulak ang pinto ng fitting room.

Nag-alis siya ng sariling saplot atsaka isinukat ang damit. Saglit niyang binistahan ang repleksyon sa salaming nakadikit sa loob ng fitting room. Napangiti siya, bukod sa bagay sa kanya ang bestida ay parang napakaginhawa niyon sa katawan. Malambot at presko ang tela.

"Let me see," ani Anthony mula sa labas ng fitting room.

Binuksan niya ang pinto.

"Beautiful," mainit siya nitong sinuyod ng tingin. "We'll take it. Here, isukat mo pa ang mga ito."

Napaawang ang mga labi niya. Nangingiti naman ang saleslady na katabi ni Anthony na siyang umaasiste sa kanila.

"Go on."

Tikom ang mga labing sumunod na lamang siya. Sa huli ay halos magkasindami ng damit silang mag-ina na pinamili ni Anthony. Hindi pa roon kabilang ang ilang pares ng mga pamaa. Hindi halos magkandaugaga ang driver at ang kasama nilang si Candy sa pagbitbit ng mga pinamili nila.

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon