A Roller-Coaster Ride

36K 1K 22
                                    

Chapter Fifteen

"WE just learned from Tony that your parents already passed away, hija."

Kamuntik ng mapapitlag si Bernadette nang banayad siyang pisilin ni Anthony sa tagiliran upang tawagin ang kanyang pansin sa sinasabi ng ina nitong si Senyora Barbara. The title suits the elder woman, aristokrata ang hitsura nito at talaga namang napakaganda sa kabila ng edad.

"Ahm, y-yes, Ma'am. Mahigit limang taon na ho."

"Kung ganoon ay hindi na siguro natin kailangan ng mahabang preparasyon upang maihanda ang inyong kasal," susog naman ni Senyor Gerardo, ang ama ni Anthony. Hindi na ito mukhang mabangis na leon kaparis noong una niya itong makita four years ago.

Pero ano bang kasal ang sinasabi ng mga ito? Pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang ulo sa mga kaganapan sa paligid niya.

"Dad, there you go again. Bago ko lang ulit nakasama ang aking mag-ina. Bagaman alam kong priority niyong maisaayos ang pangalan ni Annie, hayaan niyo munang makasama ko nang matagal-tagal ang aking mag-ina. No pressure, okay? Tutal ay saan pa ba naman ang tuloy namin?"

"Siyanga naman, Gerardo. Mukhang nao-overwhelm tuloy si Bernadette," sang-ayon ni Senyora Barbara.

"Buweno, buweno. Kayo ang bahala. Ang akin lamang ay lumalaki ang aking apo. Ayaw kong lumikwad pa ang isang taon na ang taglay niyang apelyido ay sa kanyang ina--no offense, hija. Ayaw ko lamang mabansagan siyang bastarda."

"No offense taken, Sir."

Ang senaryong iyon ay nagaganap sa gitna ng isang masaganang hapunan. Nasa magkabilang kabisera ang mag-amang Anthony at Gerardo. Nasa kanan ng matandang Vallejo ang maybahay nito. Samantalang siya naman ay nasa kanan ni Anthony, katabi ang kanilang anak na si Annie. Kaharap din nila sa hapag ang tatlong kapatid na babae ni Anthony na pawang may mga asawa na. Pero dahil tila isang impromptu family meeting iyon, tanging ang mga ito lamang ang nakarating minus ang kani-kanilang pamilya.

Ngunit bago natapos ang hapunang iyon ay nag-anunsyo ng isang salu-salo si Senyora Barbara sa mismong tahanan ng mga ito, isang linggo mula sa gabing iyon. At ibig nitong kumpleto ang mga anak ganoon din ang buong pamilya ng mga ito.

Kaybilis ng mga pangyayari. Pakiwari ni Bernadette ay nakalulan siya sa humahaginit na bullet train. Kamakailan lamang nang aksidente silang magkita ni Anthony. Walang babala ay muli itong pumasok sa buhay niya. Pagkatapos ngayon ay ura-urada siyang ipakikilala sa pamilya nito bilang nobya?

Kaydaling magpatangay sa lahat ng iyon. Lalo kung ang iisipin niya ay ang magiging kinabukasan ng kanyang anak. Pero hindi kaya parang nauulit lamang ang nangyari sa kanila ni Anthony four years ago? Mistula itong buhawi na dumating sa buhay niya. Kaya naman nang maghiwalay sila daig pa niya ang dinaanan ng matinding delubyo.

Kapag muling naulit iyon ay hindi lang siya ang masasaktan, higit sa lahat ang kanilang anak.

Nang isa-isa ng magpaalam ang mga kapatid ni Anthony ay parang nakahinga nang maluwag si Bernadette. Bagaman hindi masyadong nagpa-participate sa usapan ang tatlong babae ay dama niyang tila lihim na pinag-aaralan ng mga ito ang kanyang pagkatao.

"Aasahan ko kayo sa bahay next week," wika ng ina ni Anthony nang ipingki nito ang pisngi sa kanya bilang pamamaalam.

"Y-yes, Ma'am," alanganin man ang kalooban niya ay napilitan na lamang siyang sumang-ayon.

Huling umalis ang mga magulang ni Anthony. Sa nakita niyang fondness ng mag-asawa kay Annie ay mukhang wiling-wili kaagad ang mga ito sa anak niya. At sa walang humpay na pagkaway ng bata sa papaalis na abuelo at abuela ay mukhang kaydali ring napalagay ng anak niya sa mga ito. Siguro ay dahil dama kaagad ng anak niya ang lukso ng dugo.

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon