Sweetest Sin

48.8K 1.1K 7
                                    

Chapter Two

Four years ealier...

WALANG nagawa si Bernadette kundi ang sumunod sa nagmamadaling hakbang ng kaibigang si Melissa. Hila-hila siya nito sa kamay habang nakikipagsiksikan sa kapal ng mga taong nag-aabang sa main event ng motocross. Dumiretso sila sa kinaroroonan ng mga naghahandang riders.

"Kuya!"

Lumingon ang lalaking tinawag ni Melissa. Si Manolo, ang nakatatanda nitong kapatid. Na nang makita si Bernadette ay kayluwang ng naging ngiti.

"Akala ko hindi na kayo darating," wika ng lalaki na kaylagkit ng tinging ipinukol kay Bernadette.

Naiilang siyang ngumiti sa lalaki bago ipinaling sa ibang direksyon ang tingin. Bagay na nais niyang pagsisihan nang mapuna ang mga matang nakatutok sa kanya. Naisip niyang marahil ay napagkamalan siyang nobya ni Manolo.

"Nangako akong dadalhin ang lucky charm mo, di ba? Kaya heto na kami," pilyang sabi ni Melissa na mabilis niyang ikinapamula.

Dati ay subtle lamang ang pagrereto ni Melissa sa kapatid. Pero lately ay napapansin ni Bernadette na nagiging lantaran na ito.

"Good luck, Manolo," aniya sa lalaki. Na kung hindi sa pasimpleng pagsiko ng matalik na kaibigan ay hindi niya pa maaalalang sabihin.

"Susungkitin ko ang grand prize para sa'yo," puno ng kumpiyansang sabi nito.

"Really, Manolo? Pupusta akong hindi mo kaya."

Mula sa mukha ni Manolo ay lumipad ang tingin ni Bernadette sa lalaking nagsalita. He was nicely built, matangkad, sunog sa araw ang balat, matangos ang ilong, manipis ang mga labi at may mga matang naliligid ng pinong eyelashes. Medyo kuwadraduhin ang hugis ng mukha nito at may bahagyang ukab sa baba na tila nakadagdag lamang sa taglay nitong animalistic appeal.

"How about a bet?" muli'y sabi ng lalaki na bahagyang kumiling ang ulo sa direksyon niya.

Ramdam niya ang biglang pagpitlag ng puso. Strange, ngunit noon lamang nangyari iyon na naapektuhan siya ng presensya ng isang lalaki.

"You're on. Magkano ang pusta mo?" sagot ni Manolo na hindi nalingid kay Bernadette ang pagdidilim ng mukha.

Tinangka itong awatin ni Melissa na huwag ng patulan ang lalaki subalit parang walang narinig si Manolo.

"Magkano ba ang halaga ng lucky charm mo?"

Nang ma-realized niyang sa kanya nakatuon ang pansin ng lalaki ay napahumindig siya.

"You son of a...!"

"Enough," mabilis na humarang si Melissa nang akmang susugurin ni Manolo ang lalaki. May hawak pa naman itong wrench. "I'm sorry, Mister. Pero naparito lang kami para bigyan ng moral support ang kapatid ko at hindi para makipagpustahan sa'yo."

"Call me Anthony. Anthony Vallejo," naglahad ng kamay ang lalaki ngunit walang sinuman sa magkapatid ang tumanggap sa pakikipagkamay nito. Muli iyong binawi ng lalaki at parang walang anumang ipinamulsa. "How about a hundred grand, Manolo, kapag nakuha mo ang grand prize? Ngunit kapag ako ang nanalo ay girlfriend mo ang kapalit."

"Hindi niya ako girlfriend," hindi na napaglabanan ni Bernadette ang lumalagong inis sa lalaki. Kung literal na makapaglalabas ng apoy ang kanyang mga mata marahil ay kaagad na itong natupok sa sobrang inis niya. "Pero kung ako si Manolo, hindi ko tatanggapin ang isandaang libong pisong pusta mo. I will have your head in a silver platter instead upang hindi na pamarisan ng iba ang kayabangan mo."

Umaalon ang dibdib na mabilis siyang tumalikod. Napakayabang na lalaki!

"Kung ganoon ay pumapayag ka?"

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon