Language of Love

34.2K 1.1K 8
                                    

Chapter Thirteen

"I MISSED the taste of your lips..."

Parang sirang plaka na nagpapaikot-ikot sa isipan ni Bernadette ang mga katagang iyon pagpasok niya ng opisina. Kaya naman parang lutang ang utak niya habang nagta-trabaho. Bago sumapit ang kanyang lunch break ay nakatanggap siya ng tawag. Cellphone number ni Candy ang nakita niya bago niya sinagot ang tawag.

Napangiti siya. Marahil ay kinulit na naman ito ni Annie upang tawagan siya.

"Hello?"

"Kumain ka na ba?"

Napipilan siya at hindi kaagad nakapagsalita nang makilala ang tinig ng caller.

"A-Anthony?"

Isang buntong-hininga ang narinig niya sa kabilang linya bago ito nagsalita. "You're giving me a hard on by simply calling my name in a husky whisper."

Nag-init ang kanyang mga pisngi sa tinuran nito. May kilabot na nanulay sa kanyang mga gulugod pababa sa kanyang talampakan.

"A-ano ang kailangan mo, Anthony? Bakit ka tumawag?" sinikap niyang hamigin ang sarili. Its been so long at dama niya ang pag-iiba ng temperatura ng kanyang katawan.

"Kasama ko si Annie. Gusto ng anak ko na makasalo ka namin sa pananghalian."

Tiningnan niya ang oras sa suot na wristwatch.

"Puwede na akong umalis ng opisina."

"Well and good. Naririto kaming tatlo sa lobby."

"N-nasa baba na kayo?"

"Oo. Kanina pa nagliligalig ang anak mo. Ipinasyal ko sana para malibang, kaso nainip. Nang tanungin ko kung saan gustong mananghalian ang sagot sa akin ay gusto kang kasama para raw mas masaya."

Alam niyang likas na matalino at bibo ang anak niya. Pero hindi siya sigurado kung totoong sinabi nga ng bata ang lahat ng sinabi ni Anthony.

"Sige, palabas na ako ng office."

She retouched her make-up. Ipinaalala niya sa isang makulit na munting tinig na hindi niya ginagawa iyon para kay Anthony. It was a force of habit, plain and simple. Pinaraan niya ang isang palad sa likuran ng suot na pencit cut skirt, kulay itim iyon kaya hindi na marahil mahahalata kung medyo gusot. Ang kanyang pang-itaas ay three-fourth sleeve na puting blusa habang ang suot niyang sapatos ay itim din na stilettos.

Kumabog ang kanyang dibdib nang sumakay siya sa lift at pindutin ang ground floor button.

I'm acting like a foolish teenager again, naiinis niyang puna sa sarili. Dapat ay tapos na siya sa kabanatang iyon. Pero hayun at hindi niya maawat sa pagiging eratiko ang pintig ng kanyang puso dahil lang sa prospect na makikita niya ito.

Humugot siya ng malalim na paghinga eksaktong bumukas ang lift sa ground floor. Sumabay siya sa hugos ng mga kapwa empleyado sa gusaling iyon na lumabas para sa lunch break. Namataan niya kaagad ang kanyang mag-ama sa lobby, nakaupo ang mga ito sa waiting lounge. Ang yaya ay nasa isang single seat habang ang mag-ama ay magkatabing nag-uusap. Kaygandang pagmasdan ng mga ito sa malayo. Napaka-aliwalas ng bukas ng mukha ni Annie habang nagkukuwento kay Anthony. Kitang-kita rin na very attentive ang huli sa kung anong ikinukuwento rito ng anak.

Likas na snob ang kanyang anak. Pero dahil marahil sa dugong nag-uugnay rito at kay Anthony kung kaya't napalagay kaagad ang loob nito sa huli.

"Mommy!"

"Careful, sweetheart. Baka ka madapa," pahabol ni Anthony nang tumakbo pasalubong sa kanya si Annie.

"Hello, sweetie. You missed Mommy already?" yumuko siya at hinagkan sa noo ang anak.

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon