Surrender to Me

34.1K 965 29
                                    

Chapter Twenty One

GUSTO ng mailang ni Bernadette sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Anthony. Pagkatapos ng mainit nilang pagtatalik ay lumabas ito ng silid at ikinuha siya ng pagkain. Manaka-naka ay sinusubuan pa siya nito sa pagkain hanggang sa siya ay mabusog. Busog daw ito kaya siya na lang ang pinakain para raw makabawi siya ng lakas. Bagay na kaagad niyang ikinapamula.

Pagkakain ay binuhat siya nito at muling inihiga sa kama. Akala niya ay kung ano ang gagawin nito sa kanya. Tititigan lang pala siya.

"S-stop that."

"Stop what?" pagmamaang-maangan nito habang may pilyong ngiti sa mga labi.

"Stop staring at me."

"Make me."

Kumuha siya ng unan at itinakip iyon sa mukha ni Anthony. Tinanggal lang nito iyon at muli na naman siyang tinitigan.

"Ugh," pumihit siya upang talikuran ito ngunit kaagad siya nitong napigilan. "Anthony, isa."

"Gusto mo pa ng isa? Magpahinga ka muna."

Tinampal niya ito sa dibdib. Tumawa lang ito.

Oh, how she missed that crisp and hearty laughter of his.

"Now you're the one staring."

"What happened to us, Tony?" wala sa loob na naisatinig niya ang nilalaman ng kanyang isipan.

Tumaas ang isang kamay nito sa kanyang mukha at banayad na hinaplos ang kanyang pisngi.

"Can we just bury the past and start a new life, you, me and Annie? Inaamin ko, nasa akin ang malaking pagkakamali sa nangyari sa atin noon. From here, we'll take it slow. And this time, I promise you, Bernie, I won't let go. Ever."

Nag-init ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata at pagdaka'y tumulo ang kanyang mga luha. Kaagad iyong pinalis ni Anthony.

"Promise?" she asked.

"Promise."

Nang banayad siyang kabigin ni Anthony ay buong pagpapaubaya siyang nagpakulong sa mga bisig nito.

"I love you...so much," mahinang anas nito na may bahagyang katal sa tinig.

Napangiti siya sa pagitan ng pag-iyak. "I do, too. So much, noon at ngayon. Walang nagbago."

Naramdaman niya ang paghigpit ng mga braso ni Anthony. Kahit halos kapusin na ng paghinga ay hindi siya nagreklamo.

"Hon?" mayamaya ay untag nito.

"Hmn?"

"I have something to tell you."

Natigilan siya. Pagkatapos ay isang alaala ang biglang nakanti sa kanyang memorya.

Marahan siyang inilayo ni Anthony. Muling tumaas ang kamay nito sa kanyang mukha habang masuyong nakatingin sa kanya.

"From now on, I want to be completely honest with you. No secrets, okay? At sana ay magtiwala ka sa akin. Maipapangako mo ba 'yon?"

May pagdududa man sa isang sulok ng isipan ay isang tango ang ibinigay ni Bernadette kay Anthony. Sa kabila ng mga agam-agam ay mas matimbang sa kanya ang pagnanais na mabuong muli ang kanilang relasyon. Hindi lamang alang-alang sa kanilang anak, kundi alang-alang na rin sa damdamin niya. Mahal na mahal niya si Anthony. At muli ay makikipagsapalaran siya sa damdamin niya para rito.

"Eloisa called me last night."

Patlang. 

"You probably don't remember her since I--"

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon