Over The Top

33.4K 1K 5
                                    

Chapter Six

WALANG idea si Bernadette kung saan nanggaling si Anthony sa buong magdamag. Pinilit niyang hintayin ito hanggang sa hindi na rin niya napaglabanan ang nadaramang antok. Naalimpungatan siya nang pumasok ito sa kanyang silid dakong madaling-araw. Inayos lamang nito ang kanyang kumot at kinudlitan siya ng halik sa noo bago tahimik ding lumabas.

Nalanghap niya ang amoy ng alak sa hininga nito. Bagaman nang sipatin niya ito habang palabas sa kanyang silid ay tuwid pa naman itong maglakad.

Pagsapit ng umaga ay walang seremonyas siyang pumasok sa ginagamit nitong guest's room. Tulog na tulog pa ito at ni hindi naistorbo nang pagpasok niya. Gayong dati-rati ay hindi na niya ito nagigisnan sa kama. Dahil kadalasan alas-siyete impunto ay nakapagluto na ito ng almusal, napakain na ang mga alaga nilang Labrador at nakapaglinis na rin sa labas ng bahay. Ganoon ang kadalasang routine nito.

Naiiling na pinulot niya ang mga nagkalat nitong hinubad sa sahig. Kahit lalaki ay hanga siya rito dahil masinop ito sa gamit. Maliban sa umagang iyon.

Siguro ay nalasing talaga siya kagabi. Saan kaya siya nanggaling? saloob-loob ni Bernadette.

Akmang dadamputin niya ang isang kakarampot na bagay sa sahig nang bigla siyang matigilan. Unti-unting namilog ang kanyang mga mata. Pagkuwa'y dahan-dahan niyang nilingon ang nahihimbing pang si Anthony. Sa laking lalaki nito ay nagmukhang maliit ang kinahihigaan nitong kama.

Pakiwari niya ay nanuyong bigla ang lalamunan niya habang narahang naglalayag ang kanyang mga mata sa kabuuan nito. Broad shoulders, well-muscled back na may nag-iisang tattoo sa upper left shoulder. His lower torso was clearly outlined by the soft linen covering it. At ang kaalamang wala itong underwear ay nagpapainit sa kanyang mga pisngi. Does he always sleep in the nude?

Bago pa niya nasagot iyon ay marahan itong kumilos. At bago pa niya nabawi ang tingin ay bigla itong napabalikwas ng bangon, ikinagulat wari ang kanyang presensya sa loob ng silid. Sa sumunod na sandali ay dumausdos ang madulas na kumot na tanging tumatakip sa kahubdan nito!

"Holy shit!" kung anong bilis ng pagdausdos ng kumot ay siya ring bilis ng pagkuha nito ng unan at itinakip sa harapan. He was having a morning erection!

"I-I-I...w-was j-just--" kandautal na hindi matapos-tapos ni Bernadette ang sinasabi. In the first place ay wala naman talaga siyang maisip kung ano ang dapat niyang sabihin at naroroon siya sa silid nito!

Tarantang naibaba niya ang mga pinulot na damit at tulirong lumabas ng silid. Para siyang mabibingi sa malakas na dagundong ng kanyang dibdib. Mas malakas pa ang dagundong noon kaysa kagabing nagmuntik-muntikan na silang mabangga!

Yanig na yanig ang kanyang kabuuan. Sa edad niyang iyon ay inosente pa ang kanyang mga mata sa 'real thing'. At ganoon pala ang hitsura niyon! Parang hilong-talilong siyang pumasok ng kusina. May nginig pa ang kanyang mga kamay nang damputin ang unang bagay na kanyang nahawakan. Isinalang niya iyon sa stove at pinagbubuksan ang cup boards, hindi tiyak kung ano ang kukunin. Binuksan niya ang ref. Naglabas siya ng mga sariwang gulay at itlog. Isinunod ang keso at gatas at dalawang softdrinks in can.

"Inihahalo ba ang softdrinks sa paggawa ng salad?"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Anthony bago siya iginiya sa isang upuan at pinaupo. Hindi siya makatingin dito. Hihingi ba siya ng paumanhin o magkukunwaring balewala lamang ang lahat? Pero magagawa niya ba gayong parang nakatatak na sa utak niya ang hitsura ng kanyang nakita?

Nakapagpalit na ito ng kupasing maong at blue-gray shirt. Mukhang nakapaghilamos na rin ito. Bagaman nang pahapyaw niya itong tingnan ay nakita niyang magulo pa rin ang buhok na parang pinaraanan lamang ng mga daliri.

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon