Slipping Away

30.5K 969 35
                                    

Chapter Twenty Eight

"OKAY, okay. I'll see you in an hour."

Si Bernadette na kalalabas lamang mula sa banyo ay narinig ang kaputol na bahagi ng katatapos lang na pakikipag-usap ni Anthony sa cellphone.

"Aalis ka?" 

Tila nagulat pa ito nang malingunan siya.

"Uhm, yeah. May kakausapin lang akong importanteng tao."

"Sino?"

Napansin niyang tila umilap ang mga mata nito. "Some foreign investors."

"Foreign investors? I didn't know that--"

"I'll explain it to you some other time. Right now, I need to hurry or I'll miss them."

"It's Sunday," paalala niya rito.

"I know, honey. Just this once, okay? I promise I will make it up to you and Annie."

Bago pa ulit siya makapag-protesta ay tinungo na nito ang pinto at nagmamadali ng umalis na parang habol ng kung ano. Ni hindi na nito naalalang hagkan siya gayong madalas nitong gawin iyon bago umalis. Mga foreign investors ba talaga ang kakausapin nito o...si Eloisa?

Marahang nakuyom ni Bernadette ang kamay. Ang timping inis na hindi niya mailabas ay tahimik na bumukal sa kanyang mga mata.

Bukod sa gusto niyang ipaalala kay Anthony na araw nila iyon bilang pamilya, ire-remind niya rin sana ito sa pangakong binitiwan sa kanya. Na higit sa anupaman, silang mag-ina ang priority nito. O nakalimutan na ba nito ang lahat ng ipinangako sa kanya matapos na matuklasan ang lahat?

Mariin niyang pinahid ang luha sa magkabilang pisngi.

Enough, wika niya sa sarili.

Hindi na siya bata para magpatalo sa takot at magmukmok sa isang sulok. Kung sadyang nagbago na ang damdamin ni Anthony, hindi tamang magpatuloy pa sila sa ganoong sitwasyon. Huminga siya ng malalim at pinilit i-compose ang sarili nang marinig ang pagtawag ni Annie.

"Mommy, Mommy!"

"A-and'yan na, anak. Magbibihis lang si Mommy."

Sadyang naka-schedule silang lumabas para mamasyal. Kahit wala si Anthony ay kailangan nilang ituloy ang usapang pag-alis dahil kung hindi ay alam niyang madi-disappoint nang husto ang kanyang anak.

"Daddy can't come?" disappointed na tanong ni Annie nang malamang umalis ang ama.

"Sorry, sweetie. May importante lang na pinuntahan si Daddy. Pero promise niya sa akin, babawi na lang siya sa susunod."

"Okay," matamlay na tugon ng bata.

Minadali na ni Bernadette ang pagbibihis upang hindi ito mainip at baka lalo pang sumama ang loob. Ipinasya niyang kausapin na nang masinsinan si Anthony pag-uwi nito mamayang gabi. Kung siya lang ay makapagtitiis siya. Ngunit kung ganoong maaapektuhan na si Annie ay hindi na siya puwedeng manahimik. Dahil kung ganoon din lang ay mas mabuti pang bumalik na lang sila sa dati nilang bahay...at buhay. Nang hindi ito kasama.

"Mommy, why are you crying?"

"I...I'm not. Nasundot lang ng eyeliner pencil ang mata ni Mommy. Call your Yaya Candy, aalis na tayo."

Nang makalabas ang anak ay impit na pinawalan ni Bernadette ang mga luha. Pinagbigyan niya sandali ang sarili na umiyak upang papagluwagin ang paninikip ng dibdib. Iniiwasan man niyang i-entertain ang ganoong ideya, pero sadya yatang hindi sila nakalaan ni Anthony para sa isa't isa.

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon