CHAPTER 52

31 3 0
                                    

HAPPINESS

Yue's POV

So yun last day ko ngayon sa Hospital halos five days na rin kasi ako dito nakaka-boring na masyado, gaya ng una lagi pa rin nandito sa tabi ko ang mga kaibigan ko at sinamahan ako hanggang dulo.

Hanggang pag-uwi sa mansion ay nandun din sila maliban nga lang sa F4. Ayoko kasing magkagulo pa.

"Yue, sure ka bang hindi mo na kami kailangang isama?" tanong ni Dylan.

"Okay na ako Dylan, Thank you for everything  thank you din F3 see you na lang sa school bukas."

"Sige na isama mo na ang F4 sa mansion." biglang sabi ni mom.

Tumingin kaming lahat kay mom.

"M-mom?"

"Dylan, samahan mo na sila." sabi pa ng mommy ni Dylan.

"Really mom? Are you serious?" pagkagulat din nito.

"Ayaw mo? Sige umuwi na tayo." sabi ng dad niya.

"Thank you Mom and Dad." pagkatuwa ni Dylan at niyakap niya ang parents n'ya.

"We decided na, we will support you with that girl Yue siguro nga nagkamali kami ng Dad mo sa pagkontrol namin sa 'yo pero from now on hahayaan na naming maging masaya ka sa taong gusto mo." sabi ng mom ni Dylan.

"Thank you talaga mom and dad." pagkatuwa ni Dylan.

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako or totoo itong mga naririnig ko pero ang totoo sobrang saya ko.

Lumapit ako kay mom at niyakap sya.

"Mom thank you po and mom I really sorry  because I am really rude to you mom, please forgive me." sabi ko habang yakap si mom.

"This is not your fault, ako dapat mag-sorry sa iyo kasi hindi dapat kita kinontrol. Yue you know I am very proud to you." sabi ni mom.

Naluha ako at niyakap ulit sya ng mahigpit ganito siguro yung pakiramdam ng yakap ng isang ina.

"Don't cry na baby." my mom said

"Best couple ever." sabi ni Darren at ngumiti

At lumabas na kami sa room ko sa Hospital dahil nga discharged na ako.

At pumunta na kami sa mansion. Yes tama kayo, kasama ang parents ni Dylan.

"Good evening po Madam, Master, Miss." bati ng mga maids at saka ni Auntie Li at Mr.Chan.

"Yue, buti naman at umuwi ka na nag-alala kami sa iyo dito." sabi ni Auntie Li.

"Yes po Auntie andito na po ako, salamat po sa concern n'yo." sabi ko at ngumiti at niyakap si Auntie Li.

Dylan's POV

Hindi nga ako nagkamali sa pagpili kay Yue bukod sa panlabas niyang anyo na maganda ay marunong din s'yang gumalang at isa rin s'yang mapagmahal, kaya ipapangako ko na simula ngayon hindi na ako gagawa ng bagay na ikasisira pa namin ni Yue, sigurado na ako na si Yue na nga ang future wife ko.

Yue's POV

Masaya akong naging maayos din ang lahat wala ng hadlang sa aming dalawa ni Dylan, payag na rin ang mga magulang namin na maging masaya kami ni Dylan at magsama, lalo ko tuloy minahal si Dylan dahil sa tatag niya at hindi niya ako sinukuan ipapangako kong magiging masaya kami ni Dylan.

"Chef, pahanda po ng long table at magluto kayo ng para sa aming lahat." utos ni mom.

"Yes po madam." sabi ng personal chef namin at ng mga assistants n'ya at saka ginawa ang utos at yumuko.

"Just wait for dinner by the way may snacks naman d'yan kumuha lang kayo kung gusto nyo." sabi ni mom.

"Thanks."

"May I excuse I will change my clothes." sabi ni mom at pumunta na sa room nya.

"Okay mom, ako nalang po bahala dito."

--

Marami ang niluto ng personal chef namin para sa amin habang kumakain ay maingay kami dahil nagkukwentuhan kami. Gaya ng dati kami pa rin ang topic.

"You know what guys hindi ko pa rin makalimutan nung nakita nating nagki-kiss sila sa room no'n." sabi ni Caesar.

"Yes, you're right. HAHAHA" sabi nila Ye at Li jia

"Hindi ko kasi no'n ma-imagine na ang dalawang halos isumpa ang isa't-isa kapag nagkikita ay magki-kiss at sobrang close na ngayon." sabi ni Darren.

Tumingin kami ni Dylan at kanila.

"Bakit ba kami na lang lagi pinagtitripan n'yo?"

At yun na nga hanggang sa marami kaming napag-usapan.

"Kailan n'yo balak planuhin ang wedding n'yo?" biglang tanong ng dad ni Dylan.

Nagkatinginan kami ni Dylan.

"A-ano? wedding? Ang totoo po kasi n'yan Mr.Wang hindi pa po namin 'yan pinag-uusapan ni Dylan." pagkagulat ko kaya uminom nalang akong tubig.

"E, kailan ba kayo magkaka-baby excited na akong makita ang 3rd generation ng Shen family." sabi ni mom.

Nagulat ako kaya nadura ko yung tubig.

"Wait what? baby? Pero mom 3rd year college pa lang po ako, at saka wala pa sa isip ko 'yung gan'yan." sabi ko at tumingin kay Dylan.

Ngumiti sya sa akin.

"Yes po hindi pa po namin pinag-uusapan 'yun ni Yue." sabi ni Dylan.

"Kayo na ba?" tanong ng mommy ni Dylan.

"Ano kasi mom-"

"Hindi ko pa po sya sinasagot." sabi ko at lumihis ng tingin.

"Ah." tanging sambit nilang lahat at hindi ko gets kung bakit ganoon ang mga reaction nila, may sinabi ba akong mali?

Kaya nung matapos na kaming kumain ay umuwi na rin ang parents ni Dylan, doon nag-stay ang F4 at ang P4 at pati na rin si Ate Yi tian.

Andun sila sa guest room. And si Ate Zhuan at ate Yi tian ay magkasama sa room.

Papasok na sana si Dylan sa guest room ng pinigilan itong pumasok ni Connor.

"Anong problema mo?" tanong ni Dylan.

" 'Di bafuture wife mo si Yue? Kaya do'n ka na sa kanya matulog." sabi nito.

"Kaya nga naman!" sabi nila.

Kaya wala na ulit akong nagawa kung hindi ang patulugin sya sa room ko at the 2nd time.

Pero bago kami natulog ay nag-usap kami dun sa balcony ng room ko.

"Yue masaya akong nakilala kita."

"Ako rin Dylan, Dylan natutuwa din ako na kinaya mo na hintayin at mahalin ako sa napakahabang panahon."

"Kinaya ko yun dahil mahal kita, sana Yue sa mahabang panahon na iyun nakapag-isip ka na mahalin din ako."

Ngumiti ako.

"Alam mo Dylan? Ngayon ko lang ito sasabihin sa iyo sa tagal kong kilala at nakakasama ka saka ko naramdaman at naisip na suklian ang pagmamahal na pinaramdam mo sa akin. Dylan gusto kong ikaw na nga ang makasama ko sa habang buhay."

                                𝓜𝓼.𝓧𝔂🌕|𝚇𝚢

MY HATER IS MY LOVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon