Always A Runner Up

7 3 0
                                    

ALWAYS A RUNNER UP

Second lead- o iyong mas kilalang tauhan sa mga pelikula na siyang kontrabida sa pag-iibigan ng dalawang bida; sa Ingles, Antagonist.

"Hoy, Terrence Miguel Lacsamana!" Mabilis na nakuha ang atensyon ko ng isang babaeng hindi masyadong pinalad sa height, pero labis na bumawi sa hitsura.

Meet Hiraianne, a typical lady who's playing man. She's a boyish lady but so much attractive to guyses eyes'. Tons of men likes her, but she's not really aware of that.

However, despite the way she walks with angst; the way she talks aggressively without minding what other would think of her; the way she loves to cloth herself with a pair of simple jeans and t-shirts- like a normal girl- she's liking someone from the school.

"Kanina pa kita hinihintay. Gusto mong masapak?" I was pulled from my reverie when she hit my head playfully.

"Aray! Inaano ka ba?"

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko nang biglang ngumisi siya. "Tara sa kabilang building."

Okay, I knew it.

"Puro ka Herrence. Uuwi na ako!" Bago pa man ako makapaglakad paalis ay agad na niya akong napigilan sa pamamagitan ng pag-angkla niya sa braso ko.

"Tara na, arte nito. Parang ayaw masilayan si Kissa, ah."

Yes, she really thinks that I like the girl. Little didn't she knows that the girl I am secretly adoring is just beside me. The one playing cupid, trying to hit my heart with an arrow, thus, I will fall in love with the girl of her choice.

"Maganda ba 'ko? Bagay, 'di ba?"

I scanned her outfit from head to toe, and I unconsciously gawked at her like an idiot.

"Hoy! Pangit ba? Bilisan mo na!"

"H-Ha? O-Oo, huwag ka nang magpalit. Lalo ka lang pumapangit, e."

Kung isang nobela ang buhay niya, ang karakter na gagampanan ko ay tulad ng kay Matthew Hart ng Hell University; tulad ni Liam ng Polaris; ni Leon ng A Kidnapper's Mistake; at ni Art ng My Crosoft.

Kung isang pelikula ang buhay niya, paniguradong ako ang tatayong kontrabida- iyong kaagaw ng pangunahing tauhan sa babaeng mahal niya. Iyong walang tiyansang mapili kahit pa anong gawin niyang magandang bagay para sa kaniyang minamahal.

Even if the intention is pure and genuine. Although, the heart beats just for his love, he's still be the unchosen one.

Iyong karakter na walang pagkakataon upang mapatunayan ang sarili niya.

Ako lang naman 'yong pansamantalang pupunas sa luha niya kapag sinasaktan siya ng lalaking pinili niya; 'yung pansamantalang sandalan niya kapag kailangan niyang magpahinga; at ang pinakamalala sa lahat, ako iyong pangalawa lang sa palagi.

At sa tagal na nga ng sakit, hindi ko na rin kayang magtagal pa sa tabi niya.

"Lilipat na kami sa Canada. Mag-iingat ka, ha?" Malungkot na ngiti lang ang kaya kong ibigay sa kaniya habang unti-unting tumulo ang mga luha niya.

"Ang daya mo talagang letche ka! Sabi mo hindi ka aalis? Sabi mo hindi ka susunod sa daddy mo ro'n?" Gano'n lang at humikbi na siya na parang bata.

Nagpilit ako ng tawa nang sa gano'n ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya. "Wala, e. Sawa na 'ko sa pagmumukha mo. Gusto ko naman makakita ng magaganda."

Hinampas naman niya ang dibdib ko kaya natawa ako sa kabila ng sapilitang pamamaalam.

"Nananakit ka pa, aalis na nga 'yung tao."

"Babalik ka ba?" Aniya, hindi pinansin ang sinabi ko.

"Siguro kapag nagsawa na 'ko sa magaganda. Baka bumalik ako para makakita naman ng pangit."

Tinignan niya ako ng masama, ang ilong ay namumula. "Mas pangit ka nga. Asa ka pang may papatol sa'yo ro'n, sa pangit mong 'yan."

Humalakhak ako. "G'wapo kaya ako... sabi ni mommy!"

Lumayo ako, dahil inakala kong sa paraan na 'yon, tuluyan ko siyang makakalimutan. Ngunit nagkamali ako. Sa lahat ng mga nakilala ko sa sampong taon na malayo sa kaniya, ang tulad niya lang ang palaging hinahanap ko.

Walang eksaktong katangian, subalit sigurado akong isang Hiraiane ang hinihintay ko.

At tulad nga ng predictable na ending para sa isang second lead, ako ang best man sa kasal niya. Syempre, hindi natin afford maging groom, hindi naman ako pipiliin niyan kahit kailan.

"Congrats, buti maganda ka ngayong kasal mo... buti nalang." Puno ng pang-aasar ang boses ko habang natatawa.

"Mas mabuti sigurong burahin nalang kita sa mundo?" Lalo naman akong natawa dahil hindi pa rin siya nagbabago, asar na asar pa rin talaga sa'kin.

Kaya nga noon pa man, hindi na ako umasang mapipili. Dahil kita namang hindi ako magugustuhan ng 'sang 'to. Hindi naman lalaki ang tingin niya sa akin.

"Biro lang naman. Best wishes! Huwag mong masyadong awayin ang asawa mo. Dapat mag-ingat siya sa'yo."

"Sinasabi ko talaga sa'yo, Kietan. Mukhang sawa ka nang mabuhay, e. Baka nakakalimutan mong kasal ko ngayon?"

I smiled, ignoring the words she just uttered.

"Kudos, best friend ko! I wish you have the most wonderful life with him."

"Thanks, Kiet! Sana rin ay mahanap mo na siya." Lumapit siya nang kaunti bago bumulong. "Actually, I did like you back then, probably, because you're not difficult to love. So, for sure, you'll find her sooner."

I wasn't surprised upon hearing that. Narinig ko na kasi iyon noon minsan, ang pinagkaiba ay nasa matino siya ngayon habang lasing siya nang una niyang banggitin ang bagay na 'yon.

Ngumiti ako, hindi binigyang pansin ang pag-amin niya dahil wala naman ng saysay 'yon ngayon.

"I gotta go, then. Hahanapin ko na rin ang para sa'kin."

She waved her hand as she bid goodbye, yet, I just smiled before turning my back on her as I walked out of the door; as I walked out from their story, leaving the title that was served for me in their story- as a second lead slash antagonist.

I think it's about time for me to be the protagonist of my own story. Kapag nakilala ko na siya, paniguradong matututo rin akong sumulat ng sarili kong kuwento kung saan ako naman ang bida kasama ang taong pipiliin din akong makasama.

Ang tadhana ay isang palaisipan. Tulad ng buhay na puno ng sorpresa, hindi ito maaaring pakialaman.

Bakit nga ba tayo may nakikilala para lang pakawalan din naman kinalaunan?

Bakit nga ba sa'tin ipinararamdam ang labis na kasiyahan kung kapalit nito ay matinding pighati sa dulo ng daan?

At bakit nga ba natin kailangang masaktan?

Tiyak na para matutunan nating hindi lahat ng gusto natin ay kaya nating abutin; hindi lahat ng mahal natin ay kaya rin tayong mahalin.

Para sa unang babaeng minahal ko, patawad dahil hindi umaayon ang pagkakataon sa atin. Tila ba ang lahat ng pangyayari ay naglakbay ngunit huli ako palagi kung dumarating.

Palaging mayroong kaunting oras at distansya lang na pagitan. Hindi tayo nag-aabot nang tuluyan. Animo'y itinakda lang na abutin ko ang kamay mo, pero kahit kailan ay hindi ko ito tuluyang mahahawakan. Para bang nakilala lang kita para maintindihan ko kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal at sakripisyo. Tila ba sinadyang magkasalubong tayo sa daan ngunit hindi magkakabungguan.

Palaging mayroong bakante sa pagitan natin kung saan ay hindi para punan ko, kung hindi ng ibang tao.

Madaya man, lugi man dahil palagi nalang akong nasasaktan, salamat dahil naging malaking parte ka ng buhay ko. Kahit ganoon ang kinalabasan, wala akong pinagsisisihan.

3324

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now