The Guy Inside The Cabinet

1 2 0
                                    

"Hoy, Clanarine! Papatayin talaga kita kapag nahuli kita!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hoy, Clanarine! Papatayin talaga kita kapag nahuli kita!"

Lalong bumilis ang pagtakbo ko hanggang sa hindi ko na napansin kung saan-saan na ba ako lumusot para lang tumakas sa kaibigan kong parang nag-aalburutong bulkan.

"Bilisan mo munang tumakbo para mahuli mo ako!" Natatawang aniko kahit pa nagbubutil na ang pawis sa noo ko kakatakas sa kaniya.

Napansin ko nalang na nasa luma at abandonadong building na pala ako nang mapatigil ako sa hagdanan.

Napahawak ako sa tuhod ko bilang suporta nang tumigil ako. Hingal na hingal ako habang naghahanap ng p'wedeng pagtaguan.

Grabe siya, nakakapagod, ah.

"Lagot ka talaga, Clana! Titirisin talaga kita!"

Sa lakas ng boses niya ay sigurado akong malapit na siya. Hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo para lang takasan siyang muli.

Patakbo akong umakyat sa hagdanan saka pumasok sa isa sa mga classroom. Sira na ang pinto nito habang nagkalat ang mga sirang upuan at mga putol na kahoy na napalilibutan ng makapal na alikabok.

Bahala na.

Napatingin ako sa isang cabinet at nakakapagtakang kung ikukumpara ito sa lahat ng mga gamit na nandito at mga sira na ay medyo maayos pa ang hitsura nito.

"Lumabas kana, Clana. Wala ka na rin namang tatagu— Hoy, lumabas kana riyan! May multo daw dito."

Mabilis akong pumasok sa cabinet na 'yon at pigil-hininga kahit pa nababahing na ako dahil sa alikabok na pumasok sa ilong ko.

Tinakpan ko ng palad ang bibig at ilong ko upang hindi matuloy sa pagbahing.

Alam kong tinatakot lang ako ng babae para mahuli niya ako; akala niya siguro mauuto niya ako— hindi kahit kailan.

Tahimik akong nagtago roon habang hawak ang knob ng cabinet upang hindi ito bumukas.

Malaki ang cabinet na 'yon, kasya nga yata ang apat na tao, kaya hindi ako nahirapan na isiksik ang sarili ko sa loob.

Ilang minuto lang ay hindi ko na narinig ang boses ni Lea kaya sa wakas ay nakahinga rin ako nang maayos.

"Akala mo mahuhul— ay, palaka!" Napatutop pa ako sa bibig dahil sa gulat nang mapansin na may isang tao rin pala ang nasa loob ng cabinet.

Madilim man pero ramdam ko ang titig nito sa akin.

"Hoy, ano ka ba‽ G-Grabe, ginulat mo 'ko!" Akmang hahampasin ko siya ngunit nagbago ang isip ko. Baka kasi bumawi.

Hindi ito nagsalita kaya naman itinulak ko ang pinto ng cabinet para bumukas ito at makilala kung sino ba 'yung taong 'to.

Unti-unti ay nasinagan ng liwanag ang mukha ng lalaki. Ni hindi man lang siya kumurap o nasilaw dahil sa biglang pagtama ng liwanag sa mukha niya.

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now