Rebound

6 2 0
                                    

He's my first love

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

He's my first love. And I'm telling you, I don't consider him one just because he's the first guy I had a crush with, but because he's the first person who made me feel like I'm in cloud nine— by the mere glimpse from him or that eyes that sent shivers down my core which making me tingle like nuts when mines made a contact with them.

So, for someone who's one real smitten, I always consider to date him when he'll ask me to. But this time, I just can't bring myself to be happy when he's actually asking me out.

Because the truth is, he's just making me a rebound, and I hate myself for still loving him as deep as the ocean. When unfortunately, I can't swim.

My love for him drowns me into the ocean bed as if I won't be able to move my feet to swim out of the bottom of it.

"Sige na, please. Mag-reply ka lang ng sweet."

Patuloy ko siyang inignora at naglakad lang na parang hindi siya nakikita.

"Jassi... please, please" nagpatuloy lang siya sa pagsunod sa'kin sa kabila ng tahimik kong pagtataboy sa kaniya.

Kung normal na sitwasyon lang 'to, siguradong kinikilig na ako— siguradong hulog na hulog na naman ako.

"Ayaw ko nga kasi! Marami akong ginagawa."

"Saglit lang naman 'yon."

Marahas akong lumingon sa kaniya. "Saglit lang? Para ano? Para pagselosin siya hanggang sa bumalik na siya sa'yo?"

Doon ay natahimik siya saka dahan-dahang tumungo.

"Dahil ba alam mong gustong-gusto kita, akala mo hahayaan kong magmukha ako lalong tanga?! Gano'n ba ang tingin mo sa'kin?" Marahas akong bumuntong-hininga. "Wow, ah! Ang sakit mo naman talaga!"

"Last na talaga 'to, promise."

At s'yempre, ako yata ang nakakuha sa rank 1 ng pagiging tanga.

‘Crush naman talaga natin ang isa't isa. Payag na 'kong makipag-date sa'yo.’ Aaminin kong may kaunting kilig, ngunit mas matimbang ang sakit nang i-send ko ang message na 'yon.

At tulad ng inaasahan, agad niyang in-screenshot ang conversation namin at saka inilagay sa kaniyang Facebook story na may caption na, "Finally!!"

Nice, Jas. Ikaw na talaga ang pinakatanga sa lahat.

"Jas, thank you, ha? Kami na ulit."

Letche. Inaasahan ko naman na talaga 'to, pero lalong nanliliit ang tingin ko sa sarili ko.

Pang-rebound lang ba talaga ako?

Inïs ako sa kaniya, pero galit na galit ako sa sarili ko.

"Jas, bibili ka ba? P'wedeng pasabay ng drinks ni Fei?" Napatingin ako sa inaabot niya sa'kin na 500 pesos. Tinitigan ko lang 'yon na parang tanga. Animo'y nauntog ako ng sobrang lakas kaya namanhid ang buong katawan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now