That Guy Who Made Me A Girl

1 2 0
                                    

    Sabi nila ay wala raw perpektong bagay sa mundo. Kung meron man, syempre hindi ako 'yon... sigurado.

"Marie!" Napabuntong-hininga na lamang ako nang marinig si nanay.

Hindi maipinta ang mukha ko nang bumaba sa kusina upang daluhan ang nanay ko.

"Po?" Nakasimagot akong lumapit kay nanay nang makita siyang may kung anong hinahalo sa kaserola.

"Mamili ka ng gulay. Kanina pa kita tinatawag na babaita ka!"

Napairap nalang ako.

Sino ba kasi si Marie? Kanina pa 'yon tinatawag ni nanay pero hindi naman siya nilalapitan, kaya nag-volunteer na ako. Kawawa naman kasi ang nanay kong 'to.

"’Nay, Marco, okay? Hindi Marie!" reklamo ko dahil naiirita ako sa pangalan na 'yon. Sobrang feminine, hindi iyon bagay sa kakisigan ko.

"Iyon naman talaga ang pangalan mo—"

"’Nay, Marco ang pangalan ko."

Napaigik nalang ako ng bigla niya akong hampasin sa braso.

"Marie ang naka-rehistro sa birth certificate mo!"

Bakit kasi hindi p'wedeng papiliin ang baby ng pangalan na gusto nila?

"Kapag yumaman talaga ako, papalitan ko ang pangalan na 'yan, 'Nay. Makikita n'yo!"

"O siya, kailan kayo 'yon mangyayari?"

Masamang tingin ang isinukli ko sa ina kaya bigla siyang tumawa.

"Hindi na bale! Marie o Marco, pangalan naman 'yan ng tao. Pumunta ka nalang sa bayan at mamalengke." Napakamot nalang ako sa batok ko at wala nang nagawa kung hindi ang magdabog.

Kung ang ruler ay straight, pwes ako ay hindi.

Lesbian ako, o 'yung tinatawag nilang tomboy? Basta!

Sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang ma-attract sa opposite s*x. Bata pa lang ako, alam ko nang hindi normal ang nararamdaman ko. Nang mag-high school ako, marami akong naging kasintahan na puro babae, syempre.

Lesbian ako at wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao dahil ako ito. Ang pamilya ko nga ay tanggap ako, ano pa bang hihilingin ko?

     "Naks, ang tinik mo naman sa chiks, p're."

Napangisi ako. "Ano ka ba, 'tol. Ako lang 'to."

Boy cut ang style ng buhok ko, iyong gano'n sa buhok ni Dao Ming Si sa Meteor garden. Mas feel ko mabuhay nang ganito. Marami ang pinagkakamalan akong tunay na lalaki, wala e, malakas ang karisma ko. Mas g’wapo pa nga raw ako sa mga tunay na lalaki, natatawa nalang din ako kasi totoo naman 'yon.

     "Marco!" Napatingin ako sa girlfriend kong nakangiti sa akin habang papalapit. "Mag-date muna tayo."

Ngumisi ako bago siya walang alinlangan na akbayan. "Tara. Saan mo ba gusto?" Kinuha ko ang dala niyang bag at isinakbat iyon sa balikat ko.

"Doon nalang sa ihawan."

Maniwala man kayo o hindi, marami ang nagkakagustong babae sa akin. Hindi sa pagmamayabang, pero maraming babae na rin ang napaiyak ng ka-g’wapuhan ko. Daig ko pa nga raw ang mga lalaking kaklase ko, wala e, malakas lang talaga ang karisma ko.

    "Tito Marco!" Agad akong napalingon sa pamangkin ko nang marinig kong banggitin nito ang g'wapong pangalan ko.

"Bakit?"

"May naghahanap po sa'yo."

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Sino raw?"

Nagkibit-balikat lamang ito, tanda na hindi n'ya alam ang sagot sa tanong ko.

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now