NOT ALL CHEATERS ARE BOYS

4 3 0
                                    

People tends to accused men as 'cheaters', stereotyping, indeed.

Women who are independent are afraid to be dependent on a guy, because they already set on their mind that all men are equally jërk.

Where's the justice, then? How about those men who has a good heart and genuine care but only received a hard slap of pain?

How about me who just loved my girl with all my heart, more than myself?

     "P're, nakita ko 'yung girlfriend mo, may kasamang lalaki."

Nagpatuloy ako sa ginagawa, hindi alintana ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Marami akong naririnig tungkol sa kasintahan ko. Almost all the people around me knows what she's doing behind my back.

Alam ko 'yon, ilang beses ko nang nasaksihan. Pero wala akong ginawa.

Ano ba naman kasi ang magagawa ko kung ayaw na sa'kin ng babaeng mahal na mahal ko, hindi ba? Hindi naman ako para pigilan siya.

Dahil sa kabila ng ipinagkait niyang respeto sa akin ay ayos lang, basta huwag niya lang akong iiwan.

"Masamang nagpakalat ng fake news, p're." Pilit na ngumisi ako, hindi alintana ang unti-unting pagkadurog ng kung ano sa dibdib ko.

Umiling si Jasper bago bahagyang tinapik ang balikat ko. Tinignan niya ako gamit ang nahahabag niyang hitsura. "Bahala ka. Bakit ba kasi nagtitiis ka sa babaeng iyan? Ang dami namang naghahabol sa'yo, ah. Magaganda at mababait pa."

Hindi ako umimik, wala akong balak na sirain at saktan ang babaeng mahal ko. Hindi siya kayang palitan ng kahit na sinong babae sa mundong ito.

Para sa akin ay ayos lang kung mayroon siyang ibang sinisilungan, ang mahalaga ay sa akin pa rin siya umuuwi.

Alam kong mali, ngunit hindi ko kayang pakawalan siya— siguro ay hindi pa sa ngayon... o kaya ay hindi ako kailanman magkakaroon ng lakas ng loob upang gawin iyon.

Totoo nga ang kasabihan na nagiging bulag at walang muwang ang taong labis nang kinain ng pagmamahal. Palaging isinasara ang tainga upang hindi marinig ang mga salitang kailangan niya upang tuluyang magising na nakakalasong dulot ng labis na pagmamahal. Pilit na ipinipikit ang mga mata at nagkukunwaring walang maling nasaksihan kahit pa nangyari iyon mismo sa kaniyang harapan. Sad'yang tikom ang bibig upang hindi magreklamo sa kung ano man ang hindi kaaya-ayang nangyayari sa kaniyang paligid.

Ang sabi nga sa kanta ay "bakit kung sino pa ang siyang marunong magmahal, ay siyang madalas maiwan nang 'di alam ang dahilan?'

Marahil, sapagkat tayo ang siyang hindi kayang bumitaw sa lubid na sumasakal sa atin. Siguro ay dahil hindi natin kayang talikuran ang pagmamahal na pinanghahawakan natin... o kaya naman  ay nanghihinayang tayo sa oras na iginugol kasama ang mahal natin.

     Maga at mahapdi na ang sulok ng mga mata ko, ngunit nagawa kong lumuhod at mag-makaawa sa kasintahan ko sa hindi ko na mabilang kung ilang beses nang nangyari.

Ayos lang, sanay na ako.

"Huwag mo akong iiwan, mahal, please. Magbabago na ako. Aayusin ko ang sarili ko. Sabihin mo lang sa'kin at gagawin ko. Basta huwag ganito... p-pakiusap, s-sige na..."

Marahas siyang nagpupumiglas sa yakap ko ngunit hindi ko magawang bitawan siya sa kabila ng sakit na unti-unting lumulukob sa puso ko. Pakiramdam ko'y sa oras na bitawan ko siya ay ito na ang huling yakap na kaya kong ilimos sakaniya.

"Let me go, Khael!"

Marahas akong umiling, hindi alintana ang panghihina.

"N-No, walang... a-aalis. O-Okay lang kung lalapit ka sakaniya, basta sa akin ka pa rin uuwi, please? Please, please, parang awa mo na, hindi ko kaya... sige na, Belle..." Hagulgol ko. Sobrang sakit pa rin, akala ko ay kapag nasanay tayo sa sakit ay mababawasan iyon sa susunod na kikirot ang sugat, ngunit nagkamali ako.

Nasasanay lang tayo ngunit hindi nawawala ang hapdi, liban na lang kung tuluyan nang naghilom ang sugat.

Hawak ko ang mga kamay niya, takot na kung pakawalan ko siya ay bigla nalang siyang maglaho sa paningin ko habang buhay.

Wagas ang pag-iyak at pagmamakaawa ko, bagay na hindi ko inasahan noon na kaya ko pa lang gawin para lang sa pag-ibig.

Alam ko... alam kong para akong baliw sa ginagawa ko. Tangnajuice, nagmahal lang naman ako! Bakit kailangan kong maranasan 'to?!

"Khael, please. Just let me go. Hindi na kita mahal, wala nang dahilan para manatili ako."

Marahas kong sinalubong ang mga mata niya, nasaksihan ko ang pag-alpas ng ilang patak ng luha na hindi niya magawang punasan dahil mahigpit ang hawak ko sa mga kamay niya.

"May dahilan pa, mahal na mahal kita, hindi pa ba sapat 'yon, ha?" I cupped her face and gently caress her cheeks to wipe her tears away.

It hurts seeing her like this, but what hurts the most is that I know, I couldn't make her stay. I can't force her to be with me when she's too determined to go.

I closed my eyes as I touched her forehead with mine. I, then, gently kissed her on the forehead. "Gagawa ako ng isang dahilan para manatili ka, Belle. Sige na, pagbigyan mo naman muna ako..."

Dinig na dinig ko ang mahihinang hikbi niya. Nadudurog ang puso ko, batid kong ito na ang huli.

Dahil kahit anong pilit ang pag-abot ko sa mga kamay ni Belle ay mabilis niya iyong inilalayo. Kahit gaano ko kagustong hagkan siya ay pilit niya akong itinutulak palayo. At kahit gaano ko kagustong lumaban pa para sa aming dalawa ay tuluyan na siyang sumuko... tuluyan na niyang binitawan ang sagwan at handa na akong iwan sa pampang nang hindi man lang ako hinahayaang mag-sagwan para sa aming dalawa.

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon, dinarama ko ang unti-unting pagka-pino ng puso ko... hindi ko halos maramdaman na tumitibok pa ito.

"S-Sorry..."

I smiled between my uncontrollable tears. My heart is tightening against my chest and I couldn't breathe properly as series of numerous knives stabbed my heart, it bled.

Nang mahimasmasan ay tuluyan ko siyang pinakawalan.

"No, it's not your fault that your heart chose to beat for someone else who isn't me. The only thing you did wrong is not letting me fight for us, at least. I must blame you because you let yourself fall for him even though I am here... but I can't. Because albeit the betrayal, I still love you."

Pinunasan ko ang ilang takas na luha bago ngumiti. Masakit, ramdam ko ang panginginig ng labi at panlalambot ng mga tuhod ko, mayroon din akong nararamdaman na kung ano sa sikmura ko, nakakapanlambot ang sakit.

"I'm sorry if I messed up without my knowledge. I'm sorry for I lack of something you found in him... Just go, you can now love him freely."

Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagbuhos ng ulan. Tumingala ako at dinama ang marahas na pagtama ng mga patak ng ulan sa mukha ko, umaasang mahuhugasan ang sakit na kasalukuyang pumipiraso sa puso ko.

Bakit kailangang mayroong magtaksil sa isang relasyon? Bakit kailangang masaktan tayo kapag nagmamahal?

Bakit kailangang ang pagmamahal ay ipinagkakait sa mga taong marunong nito?

Marahil ay kailangan nating masaktan upang malaman nating marunong tayong magmahal. Siguro ay kailangan mayroong manakit upang maramdaman nating mayroon pala tayong pakiramdam.

Kailangan marahil nating lumuha at madurog upang maging mas matatag sa susunod.

If boys aren't the cheaters, then why do girls needs to be one just to ruin a relationship they've established? Bubuo lang ba tayo ng relasyon upang sirain lang ito sa huli? Pero bakit?

Maybe people must do stupid things to know the importance of what they've wasted, afterwards.

Because life is too ironic, we cannot appreciate someone's worth until we lost them.

And we should be stupid, at least, for us to recognize the things we need to value and appreciate. With that, we would be able to realize that wasting them would ruin us... and we'll be able to keep and appreciate them in the next time we'll have them and never let them slip away again.

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now