DO BROKEN SOULS COULD REASSEMBLE EACH OTHER?

8 5 0
                                    

What will happen if two broken souls find each other at the side of the road? Will they notice the debris and the portion of their heart that has been shattered and scattered around? So as the cuts and scars on each other's skin?

Would they try to pick and reassemble those fragments that was broken by time and was left behind?

Then, what will happen if they were to make an attempt?

Napaisip ako sa nabasa. Ano nga ba ang mga puwedeng mangyari?

Siguro ay kung susubukan nilang ayusin ang isa't isa ay maaring magdulot lang iyon ng mas malalim na sugat kumpara sa nauna.

Tama, dahil paanong bubuoin ng isang hapak na kaluluwa ang isa pa? Parang ang imposible yata.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago tumingin sa labas.

Nasa loob ako ng isang coffee shop— my happy place, my sanctuary— kasalukuyang nakaupo sa tabi ng glass wall at nag-aalmusal dahil tinamad na akong maghanda ng almusal para sa sarili.

Sino ba ang hindi tatamarin kung broken-hearted ka nga naman?

Mula sa labas ay tanaw ko ang ilang mga tao na nagmamadali dahil baka mahuli sa kani-kanilang klase o trabaho. Pero heto ako, nakatunganga at walang balak na pumasok sa trabaho.

Naroon din ang abalang mga sasakyan na halos magkumahog sa pagbubusina dahil sa traffic.

Kumusta na kaya siya?

Naiisip niya rin kaya ako?

Kumain na ba siya?

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Malungkot din ba siya tulad k-

Napasabunot nalang ako sa sarili.

Nakakainis naman, oh!

Bakit puro nalang siya?

Paano naman ako?

Bakit ang hirap mag-move on?

Kaya ko ba talaga 'to?

Bago pa ako tuluyang mabaliw ay lumabas na ako sa coffee shop.

Siguro ay sa bahay nalang ako mage-emo, magpapakalasing nalang ulit para sandali siyang makalimutan, kahit papaano.

Tama, ganiyan nga dapat, Franco. Kung magmumukha ka lang naman na baliw ay sarilinin mo na!

KASALUKUYAN akong nakatayo sa dulo ng pedestrian lane nang kusa nalang napalingon sa babaeng umiiyak sa tabi ko.

Malakas ang hagulgol nito habang nakatakip ang mga palad sa mukha, kaya kahit sino ay mapapatingin sa kaniya.

Lord, bakit naman ang daming broken-hearted ngayon? Araw ba namin 'to?

Nanlaki ang mga mata ko nang tuloy-tuloy na tumawid sa kalsada ang babae, kahit pa naka-pula ang ilaw ng pedestrian light at maraming mabibilis na sasakyan ang dumaraan.

Teka, magpapakamatay ba siya?!

"Hoy, Ale, sandali!" Mabilis ko siyang sinundan dahil bakas ang takot sa mukha ng mga nakasaksi sa ginawa niya, ngunit halatang walang gustong mangealam.

Anak naman ng tokwa!

Galit na busina ng sari-saring mga sasakyan na naabala ang namayani sa paligid, pero hindi iyon alintana ng babae.

Ako man ay kinakabahan na sa bawat hakbang kong hindi sigurado, ngunit hindi ko ba malaman kung bakit ko ba siya sinusundan.

Para saan? Ililigtas ko ba siya? Pero bakit ba kailangan ko pang mangealam?

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now