The Ball Of Sunshine

2 2 0
                                    

Kahit minsan ba’y sumagi sa isipan mong may mas malungkot pa kumpara sa buwan?

Did you ever thought who's lonelier than the moon?

It's the Sun. Let me tell you why.

   I have this classmate named Solene. She's like the sun— more likely a sunshine.

She smiles brightly everyday. She laughs so loud inside the classroom to the point that her laugher's echoing in the room.

Sol’s a type of classmate that's amiable. She always wear her beautiful smile, she also has the most meritorious advice about life and problems.

I always wonder why she's like that— as if she really knows the situation when she seems not.

She looks so bubbly that anyone would think that she doesn't have any problem to tell.

  But one day, she didn't attended the class. And for someone who always got the award for best in attendance, it's quite bizarre.

Sol is always coming to school the earliest, she's never late, never absent, full proof.

But this day’s different.

Our Solene didn't go to school... and something feels not right— everybody could feel that.

There's this negative energy that making us sluggish, and anyone could tell that we knows the reason.

Just like the day in the absence of sun, everything feels dull and lifeless.

  "Hoy, nasaan si Solene? Hindi naman 'yon uma-absent, ah?"

Ilang segundo lang ay napuno na ng bulungan ang loob ng classroom dahil doon.

Nakakapagtaka. Si Sol na pumapasok kahit may sakit ay absent ngayong araw.

"Nakakatamad, 'no? Walang maingay ngayon," walang-ganang ani Kiang na nakaupo sa tabi ko, bago siya tinatamad na sumubsob sa bag niya na nakapatong sa mesa.

Si Sol na palaging nakangiti at malakas kung tumawa, iyong kaklase kong never pang na-late at um-absent, ay hindi pumasok ngayong araw. Weird nga talaga.

   Kasalukuyan kaming naga-attendance nang mapatigil ang teacher. "Solene Veraga— teka, absent ba si Sol?" Nakakunot ang noong ani Mrs. Reyes habang inililibot ang mga mata sa buong silid-aralan.

"Yes, ma'am. Nakakapagtaka nga, e. Ngayon lang po siya um-absent." Si president ang sumagot.

Nangunot ang noo ng ginang. "Wala pa siyang absent dahil kahit nilalagnat ang batang 'yon ay pumapasok pa rin. May nangyari ba?"

May nangyari nga bang hindi maganda, Sol?

"Wala naman po siguro, ma'am. Baka po may sakit at hindi niya na talaga kayang pumasok," saad naman ng katabi niya sa upuan na si Hyannis.

Tumango lang naman ang guro bago nagpatuloy.

Natapos ang klase na animo'y isang taon ang itinagal dahil sa ang lahat ay nab-boring daw sapagkat wala si Sol. Kaya't nagkasundo ang lahat na dalawin ang kaklase sa bahay nila.

    Habang naglalakad palapit sa gate ng bahay nila Sol ay may mabigat akong nararamdaman. Sa katunayan ay tahimik ang lahat, animo'y puno ng pag-aalala at hindi mawaring pakiramdam na hindi lang ako ang nakakaramdam.

   "Solene, nariyan ka ba sa loob? Kami 'to!" Pangunguna ni Aaron habang ang ilan ay kumakatok sa bakal na gate na may kalumaan na dahil kupas na ang asul nitong pintura at nangangalawang na rin.

"Sol, baka gusto mo kaming papasukin? Ayos ka lang ba?"

"May sakit ka ba, Sol? Bakit hindi ka pumasok?"

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now