My Own Constellation

1 2 0
                                    

Sa daang tao na nakakasalamuha mo sa isang araw— sa loob ng 24 oras, paano mo malalaman kung sino ang para sa'yo?

     Hindi ba sumagi sa isipan mo na siguro iyong may-ari ng pares ng magagandang mata na nakasalubong ng iyo sa loob ng tatlong segundo. Maari rin na iyong nakasalubong mo sa daan o nakasabay mo sa tawiran. P'wedeng iyong taong hindi mo napansin dahil sa paglabas mo sa convenience store ay siya namang pagpasok niya, o kaya naman ay iyong taong nakatingin sa'yo, ngunit hindi mo napansin dahil sa iba ka nakatingin.

     "Hoy, tulala ka riyan. Siguro iniisip mo na naman ako." Nangasim ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni Zalen.

Nakakasuka talaga ang kahanginan ng isang 'to!

"Kadiri ka, kilabutan ka nga!" Tumawa naman ang lalaki habang nagkunwari akong nasusuka.

"Grabe ka naman sa'kin, parang sobrang pangit ko naman para hindi maging crushable! Ang sama mo talaga sa'kin, Khree, ang sakit mo!" Siya naman itong umakto na nasasaktan habang nakahawak pa sa dibdib, kaya hinampas ko ang loko, hindi niya bagay, e. Lalo akong nasusuka sa drama niya.

Muli akong bumaling sa langit na kasalukuyang buhay na buhay dahil sa kulay nito na nagbibigay ng kapayapaan sa puso at isip ko.

"Oh, uminom ka muna. Baka napagod ka na sa pagtitig sa ulap niyan habang iniisip ang ka-guwapuhan ko."

Kita ko mula sa peripheral vision ang inabot niya sa akin na canned soft drink, bago ko naramdaman ang pag-upo niya sa tabi ko.

Kinuha ko naman ang iniaabot niya, bukas na iyon kaya iinumin ko nalang.

"At ang kapal din ng mukha mo."

Seryoso ang pagkakasabi ko noon kaya humagalpak siya ng tawa na tila ba mahuhulog na sa pagkakaupo niya.

"Grabe, binuo mo na naman ang araw ko!"

Hindi ko nalang siya pinansin at nanatili ang mga mata ko sa papalubog na araw na nagiging dahilan ng pagiging kahel ng langit.

Napakaganda talaga!

Tumigil na rin naman sa paghalakhak si Zalen na sira-ulo. Maya-maya ay narinig ko ang pagkaluskos ng plastic bago ko naramdaman ang kamay niyang hinawakan ang sa'kin upang iangat at ibukas ang palad ko.

"Oh, pambara. Sana mabulunan ka," aniya habang inilalagay ang mamon sa palad ko, bukas na rin iyon at isininop niya na ang tinanggal na lagayan no'n— tulad ng palagi niyang ginagawa.

Zalen, he's a high school friend. I never really had a friend since when I was a kid. Other kids never bothered me to play with them, some will just smile at me with pity in their eyes. I wondered what's with me why they doesn't want to play with me, until I realized that I was the problem.

I was bullied, and I never had someone to stand by me. I never had someone to help me stood back on my ground when my bullies attacked me. I never had someone who will ask me stupid things like "are you alright?" whenever I get anomalous silent. I was at the verge of giving up in life that moment, because someone never made me feel I was needed in this world... until Zalen came.

Florence— my bully— with her friends, lugged me to the school open ground just to humiliate me in front of many people. They even poured water on me as they mercilessly called me names.

I'm in the verge of accepting my ruthless fate that time, I was so ready to succumb. I told myself not to fight for her anymore. But then, someone came rushing towards me. Even if I couldn't see his face, I could feel his anger towards the girls. He was mad even if I don't know the reason behind it.

We don't know each other, but he lend me his arms to help me rise from my pitiful state. He dried my damped hair up using his extra shirt. He bought me a water and a piece of mamon to eat. He didn't hesitate to stand for me when I couldn't do it for myself. Zalen's really my knight.

Drops and Beats (Teardrops And Heartbeats) - One Shot Stories Where stories live. Discover now