Simula

1.5K 28 6
                                    

Inaayos ko ang suot kong uniform nang makitang papasok na ang aming commanding officer.

Sabay sabay kaming humilera ng mga kasama ko at sumaludo dito. Pito kaming ipinadala para sa isang special mission. Tatlong babae at apat na lalaki.

"Today is the arrival of the people that are assigned for us to protect. I already sent the names and their informations sa inyo make sure na pinag aralan niyo sila ng mabuti." Napalunok ako nang marinig ang sinabi ng aming commanding officer dahil hindi ko pa nagawang buksan ang file na pinasa niya.

"Mahahalaga ang mga taong ito so make sure na walang makakalusot sa inyo. We have received some intelligence reports that there are some movements from syndicates to abduct these people. Pinag aaralan na ito ng ating team, the only thing I want right now ay to keep them safe and to keep them at ease habang nandito sila sa bansa natin. Are we clear?" dumagundong ang boses ng aming commanding officer sa loob ng aming office.

"Sir, yes sir!" sabay sabay namin sagot.

"Now, go to the lobby. Five minutes and they will be here" palabas na ako ng pintuan nang tawagin ako nito.

"Salvador, stay" sabi nito kaya natigilan ako. My colleagues looked at me at kita sa mga mata nila ang pang iinsulto. I raised my eyebrows at them nang dumaan sila sa akin.

"Focus on the job. Naiintindihan mo ba? This is a special mission and I don't want you to mess up. This will be good for your record" bilin nito sa akin.

"Yes, sir. Makakaasa po kayo"

"Good. Now go and make me proud" tinapik nito ang balikat ko bago ako pakawalan.

Napabuntong hininga ako nang tuluyan akong makalabas sa kwartong iyon. Pumipintig ang puso ko hindi dahil sa kaba para sa misyong ito kundi sa pressure ng mga taong nakatingin sa akin.

Babae ako, isa sa dahilan kung bakit madalas wala silang kumpiyansa sa mga ginagawa ko. Like hello, we are in 2023 hindi na uso ang patriarchal mentality sa bansa natin. Pangalawa, bago lang ako sa field na ito, but it doesn't mean na hindi ko kayang mag excel sa propesyon na pinasok ko. This is my passion and in all tasks that had been given to me ay tinatapos ko with flying colors. Nagpakadalubhasa ako sa pag t'training ko nang ilang taon kaya confident ako sa mga task na ibinibigay sa akin. Panghuli, my brothers and cousins are known to be the best in this field. Haaaaaayyyy.

Villafuerte and Salvador, ilang taon na nga bang ang pamilya namin ang may hawak ng mga matataas na posisyon sa organisasyong ito. Karamihan sa mga kasamahan ko ang tingin ay I used my connections para makasali sa mga special missions and important tasks na wala namang katotohanan. I never used my surnames just to get where I am today. Whatever I am right now, pinaghirapan ko yun. I earn my spot. Hindi ko kasalanan na nasa lahi namin ang pagiging sundalo.

Taas noo akong naglakad patungo sa mga kasama ko.

"Who recommended you this time? Your brothers or your cousins?" tanong ni Aguilar sa akin.

I smirked at him and directly looked into his eyes.

"Your question is full of insecurity. Kalalaki mong tao eh para kang babae kung kumuda" rumehistro ang pagkainis sa mukha nito.

"Insecure sayo? We all know kung bakit ka nandito. Connections and influence" dagdag ni Santos.

"Yun naman pala eh anong iniiyak niyo dyan? Hindi ko kasalanan kung nasa lahi naming maging magaling sa field na to at hindi ko kasalanan that I achieved more than you kahit ilang taon pa lang ako sa serbisyo ko. Mas pinagtutuunan ko kasi ng pansin ang assignments ko rather than pag initan ang mga kasamahan ko" pagtataray ko sa mga ito.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon