Chapter 5

381 21 3
                                    

"Pinasa kay Jake, Jake tres" malakas na tilian at palakpakan ang narinig ko nang makalabas kami mula sa eskinitang pinasukan namin.

Maraming tao ngayon ang nasa open court at mukhang may nagaganap na laro. Siksikan ang daang tinatahahak namin pabalik sa motor ko kaya naman dumikit pa ako lalo kay Zion at inihawak ang kaliwa kong kamay sa kanyang braso habang hawak niya ang palapulsuhan ng kanan kong kamay.

Tinignan ako nito marahil nagtaka sa ikinilos ko.

"Ayaw kong maligaw ulit" mahina kong paliwanag dito pero nginitian lang ako nito bago hawiin ang mga binata at dalaga na nakaharang sa dinaraanan namin.

"Pogi, tambay ka muna dito" maarteng sabi ng ilang dalagang nadadaanan namin.

Tumigil si Zion sa paglalakad ang akala ko ay sasagutin niya ang mga yumayaya sa kanyang babae pero hinarap lang ako nito.

"Don't tell me you leave your helmet here?" bungad nito sa akin pagkaharap.

Tumagos ang tingin ko sa motor kong nakaparada sa kanyang likuran.

"Ohhh nooo" bumitaw ako mula sa pagkakahawak ko sa kanya at binawi ko ang palapulsuhan kong hawak niya.

Nilapitan ko ang motor ko at doon ko napagtanto na nawawala ang helmet ko.

"Iniwan ko lang dito yun eh" sabi ko at luminga linga sa paligid.

"You shouldn't have done that. This is a different place Salvador" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin.

"Kay Kuya Frost yun. Pagagalitan ako Zion. You know how much he loves his motorcyle" kinagat ko ang ibaba kong labi at napakamot sa ulo nang maisip na mukhang ninakaw ang helmet ko.

"Stay here. I'll get my helmet" sabi nito at akmang aalis na pero hinawakan ko ang dulo ng damit niya.

"Sama ako" mabilis kong sabi.

"Huwag na matatagalan lang tayo"

"Eehhh please" pamimilit ko dito.

"Come" sabi niya at muling hinawakan ang palapulsuhan ko.

Diretso itong naglakad sa isang tindahan kung saan may mag asawang nakatayo at nakikinuod sa nagaganap na basketball. Lumipat sa amin ang tingin ng mag asawa. Mahinang hinampas ng babae ang braso ng asawa niya at may ibinulong dito bago sabay na dumiretso ng tayo. Malawak ang ngiting naka rehistro sa labi ng mga ito habang hinihintay kaming makalapit sa kanila.

"Nong, iwan ko muna to dito. Kunin ko lang helmet ko" panghahabilin sa akin ni Zion sa mag-asawa.

"Girlfriend mo nak?" tanong ng ninang ni Zion

"Hindi po" sabay na sagot namin ni Zion. Ininguso naman ng ninong nito ang kamay niyang nakahawak pa din sa palapulsuhan ko.

Mabilis na binitawan ni Zion ang kamay ko dahil sa ikinilos nang ninong niya.

"Kayo talaga" naiilang na sabi nito bago ako tignan.

"Dito ka lang mabilis lang ako" hindi na nito hinintay ang sagot ko at mabilis akong tinalikuran.

"Anong pangalan mo ineng?" nilingon ko ang ninang ni Zion.

"Catalina ho. Magandang gabi po" bati ko sa mga ito.

"Ang ganda mo namang bata. Mayaman ka siguro ano? Kitang kita kasi sa kutis mo" puri nito sa akin na ikinailang ko.

"Nanliligaw ba sayo ang inaanak ko?" binigyan ako ng mapanuksong ngiti ng ninong ni Zion

"Naku, hindi po. Ka schoolmate ko lang po siya" paliwanag ko sa mga ito.

"Mahina talaga yang inaanak mo eh" sabi ng ninang nito.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon