Chapter 17

349 23 1
                                    

I'm in the office. You can come if you want.

Kakatapos pa lang ng klase ng mabasa ko ang message sa akin ni Zion. May usapan kasing sabay kaming kakain ngayon pero mukhang malabo yun lalo na at paparating ang foundation day lagi siyang busy.

Napag desisyunan ko na lang na pumunta sa kanya. Dalawang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita. Bumili na rin ako ng burger at drinks para sa kanya dahil for sure eh magpapalipas na naman ito ng gutom.

Nasa labas pa lang ako ng office nila ay nakikita ko nang busy ang iba niyang kasama sa pagsisimula ng mga banner at design.

"Si Zion?" tanong ko sa mga nasa labas.
"Pasok ka lang Cat nasa loob lang"

Pumasok na ako at kagaya sa labas ay medyo makalat din sa loob at kanya kanya sila ng mga ginagawa. Nilibot ko ang aking mata at nakita ko si Zion na nasa pinakadulong bahagi ng kwarto na may binabasa. Kasama niya si Ayesha.

Napalunok ako nang makita silang magkasama. Hanggang ngayon ay di pa rin ako kumportable kapag usapang Ayesha na.

Nakatuon sa papel ang atensyon nilang dalawa kaya marahil ay di pa rin ako nito napapansin. Kumilos ang kamay ni Ayesha at ipinatong ito sa balikat ni Zion at yumuko pa ng konti para ilapit ang mukha sa papel. Ngayon ay iilang dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila ni Zion.

Napabuntong hininga ako. Mukhang wala naman akong maitutulong dito kaya mas mabuti na umalis na lang ako. Pagtalikod ko ay siya namang pasok ng mga kaibigan ko.

"Catalina" malakas na bigkas ni Billy at niyakap ako.

Napabaling ako sa direksyon nila Zion at nakita kong nag angat siya ng tingin. Nakita niya ako at agad siyang tumayo. Iniwan niya si Ayesha at tinahak ang daan papunta sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Zion needs help kaya tumulong kami" sabi ni Gelo

"Nagbabalik loob na kami Cat" pabirong sabi ni Adrian.

"Cat" tawag ni Zion sa pangalan ko.

Nakatayo na siya sa likuran ko. Nilingon ko siya at pagkaharap ko sa kanya ay agad niya akong niyakap bago patakan ng halik sa aking noo. Saglit akong natigilan dahil sa ginawa niya.

Ito na ang palagi niyang ginagawa sa tuwing magkikita kami at sa tuwing maghihiwalay. Yayakapin niya ako at papatakan ng halik sa noo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa epektong dulot nito sa akin.

"Kanina ka pa ba?" tanong nito
"Kararating lang"
"Hiramin ko muna siya sa inyo" paalam nito sa mga kaibigan ko.

Sumang ayon naman ang mga kaibigan ko. Dinala ako ni Zion sa table kung saan niya iniwan si Ayesha. Nakatayo pa rin sa tabi ng lamesa si Athena habang pinagmamasdan kami

"Hi Cat" mahinghing bati nito. Nginitian ko lang naman siya bilang sagot.

Ipinaghila ako ni Zion nang upuan at itinabi sa kanya. Umupo ako doon at inilapag ang pagkaing dala.

"Kumain ka na?" tanong ko kay Zion.
"Bakit? Di ka pa ba kumakain?" Balik tanong niya sa akin nang tabihan niya ako.
"Binilhan kita baka kasi nagugutom ka" inilabas ko ang pagkaing binili para kay Zion.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon