Chapter 10

381 22 4
                                    

Tumatagaktak ang pawis ko dahil sa init na nararamdaman. Pakiramdam ko ang lagkit ko na ulit kahit na kakapalit ko pa lang ng damit.

"Cat" tumayo ako at sinalubong ng yakap si Kuya Frost.

"I feel like I will collapse at any moment kuya" pag iinarte ko dito.

"Don't worry I'll catch you if that happen" natatawa nitong sabi at sinuklay ang buhok na basa na rin ng pawis.

"Magpunas ka nga! Mukha kang kawawa" sabi ni Kuya Summer na kakarating lang at pinunasan ang noo ko.

Ang laki ng ngiting ibinigay ko sa dalawa kong kapatid na lalaki. Kahit na mga maton at siga sila sa mata ng iba, pagdating naman sa amin ni Laina ay wala silang kasing sweet. They don't even care kahit na may iba pang nakatingin sa amin. Their top priority is to always make us feel safe, happy, and love.

"The food is ready" anunsiyo ni Ayesha sa microphone.

Mabilis akong bumitaw kay Kuya Frost sa pagkakayakap at naunang pumila. Maraming masasarap na pagkain ang nakahain sa mahabang lamesa. Mukhang nagpa catering ang school para sa mga participants ng program ngayong araw.

Sinigurado kong makukuha ko ang lahat ng gusto ko. Fries, spaghetti, melon, chicken, salad, at kung ano ano pa.

Pagkatapos kumuha ng pagkain ay naghanap na ako ng mauupuan. Dalawang mahabang lamesa ang inihanda para sa amin. Nakita ko na sila Kuya Frost at Kuya Summer na nakaupo kasama ang mga kaibigan nila. Mukhang hinihintay na matapos ang pila. Tamad talagang makipagsiksikan habang si Laina naman ay nasa grupo ng mga SSC at nag aayos ng mga ginamit na materyales ngayong araw.

Inilibot ko ang aking mata at nakitang sa dulo ng mahabang mesa ang maraming bakante at dahil sa ayaw kong may istorbo ay sa pinakadulo na ako naupo dingding na nga ang katabi ko pero mas okay na to ang hirap kayang kumain na may kasanggaan ng siko sa magkabilang gilid.

Napapikit ako nang malasahan ko ang manamis namis na sauce ng spaghetti. Sinamahan ko na rin ng fries na malutong at mainit pa dahil kakaluto pa lang. Kumagat na rin ako sa chicken leg na nakahain sa plato ko. I smiled as I tasted all my favorite food inside my mouth. Grabe iba talaga ang epekto sa akin ng comfort food lalo na pagod ako ngayong araw.

Sunod sunod ang subo ko sa spaghetti dahil dito ay di sinasadyang mabilaukan ako. Napaubo ako ng ilang ulit para ibsan ang pagkakabara ng pagkain sa lalamunan ko. Hinampas ko rin ang aking dibdib para makahinga ng konti. Agad na nag ikot ang mata ko para maghanap ng tubig o kahit juice man lang pero ito pa ata ang nakalimutan kong kuhanin.

Umuubo pa ako at patayo na sana para kumuha ng tubig ng may aquaflask na lumitaw sa harapan ko. Dali dali ko yung kinuha at mula doon ay tuloy tuloy na uminom. Hindi ko na tinignan kung sino man ang nag abot nito sa akin. Ang mahalaga ay makainom ako.

Nasa pag inom ang buo kong atensyon ng maramdaman ko ang marahang paghaplos sa likuran ko para tulungan akong ibsan ang pagkakasamid at ilang sandali pa ay naramdaman ko ang malapad nitong palad na sinikop ang mahaba kong buhok na nakalugay.

"Dahan dahan kasi" isang malalim na tinig ang narinig ko mula sa aking likuran na naging dahilan ng sunod sunod na pagtibok ng puso ko.

Magaan ang kamay nitong sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri at marahan itong sinisikop upang ipusod. Kahit hindi ako lumingon ay kilalang kilala ko ang boses na narinig ko. Kilala ko ang init na dala ng bawat haplos ng kanyang malalaking kamay sa aking buhok.

"Take it easy. Hindi ka mauubusan" paalala nito nang matapos na itali ang buhok ko.

Nag aalangan akong tumingala at agad na nahuli ni Zion ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit mabilis din akong nag iwas sa tingin nito. Tila bagang may kuryente akong nararamdaman na gumagapang sa katawan ko.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon