Chapter 1

488 19 0
                                    

Hinihingal ako habang tumatakbo. Wala na akong pakialam sa mga nababangga ko sa daanan kahit pa nagagalit ang mga ito. Kailangan kong marating ang likod ng gymnasium kung nasaan ang mga kakambal ko sa sandaling ito.

"Catalina, stooooppp" sigaw ni Laina na ngayon ay hinahabol din ako ngunit wala na akong oras para huminto pa.

Dama ko na ang pawis na dumudulas mula sa noo ko papunta sa aking pisngi gayundin sa aking likuran na dumudulas patungo sa aking beywang.

Habol ko ang aking hininga nang marating ko ang likurang bahagi ng gymnasium. Natanaw ko si Kuya Summer at Kuya Frost na pinapaligiran ng limang lalaki.

Ibinagsak ko ang dala kong bagpack at tinignan ang mga ito nang magsimula silang sugurin ng mga kaaway.

Napangiti ako nang makita kung paano nakailag ang mga kapatid ko. Don't get me wrong hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kakambal ko kaya ako nandito. Alam kong kaya nilang pabagsakin ang mga kalaban nila lalo na at nag training ang mga ito ng iba't ibang klase ng martial arts.

Nakadama ako ng excitement nang makita na mukhang mainit ang magiging laban dahil mukhang marunong din ang mga kaaway nila. Napangiti ako at nabuhayan ng dugo.

Iba talaga ang nabibigay sa aking hype ng mga ganitong eksena. Hindi naman sa palaaway ako pero anong magagawa ko kung palagi akong nakakasali sa mga away at hindi ko naman itatanggi na iba ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing nagagamit ko ang mga nalalaman ko sa martial arts.

Alam mo yun, iba ang hype kapag nakakaiwas ako sa mga suntok. Iba yung adrenaline kapag nakikita kong marami ang kalaban. Iba ang saya lalo na kapag natapos ang laban at panalo ako. Iba ang saya na makitang kaya kong ipagtanggol ang sarili at mga mahal ko sa buhay.

Naglakad ako patungo sa mga kakambal ko na ngayon ay busy sa pag iwas at pagsuntok sa mga sumusugod sa kanila.

Malapit na ako nang may humila sa braso ko para iharap ako ngunit mabilis akong nakaiwas dahil alam kong isang suntok ang lilipad sa akin. Itinabig ko ang kamaong sasalubong sana sa akin. Mabilis namang nakabawi ang lalaking nasa harapan ko at itinaas ang paa para sana sipain ako ngunit nabasa ko din ang galaw niya kaya mabilis ko ding nahuli ang binti niya.

"Easy" mayabang kong sabi sa kanya.

Nakita ko ang pagbaling ng mga kakambal ko sa akin at dahil dun ay hindi nailagan ni Kuya Frost ang paparating na suntok sa kanya. Dumapo ang kamao ng kalaban sa kanyang mukha.

I smirked nang makita ang pagdugo ng gilid ng kanyang labi. Napansin ko ang pag iiba ng mukha ni Kuya Summer dahil sa nangyari. Sabay na naikuyom ng mga kapatid ko ang kanilang mga kamao.

You don't wanna see a mad Salvador!

Ibinagsak ko ang hawak na binti ng lalaki.

Showtime baby!!!

Pagkabitaw sa binti ay ako naman ang nagpalipad ng sipa na tumama sa dibdib ng lalaki dahilan para matumba ito. Pagkatapos makita ang ginawa ko ay naging hudyat iyon sa mga kapatid ko para ituloy na ang laban.

Nilapitan ko ang lalaking nakahiga ngayon sa semento. Hinigit ko ang tshirt na suot nito sa kwelyo at itinaas ko ang aking kamao para suntukin ito sa mukha ngunit naiwan ang kamao ko sa ere nang may malakas na pito kaming narinig.

"Prrrrrrrttttt" sabay sabay kaming napalingon kung saan nanggaling ang tunog.

Nakatingin sa amin ang SSC President at sa likod nito ay si Laina mukhang ito ang nagsumbong dito kaya kami nahanap.

"Istorbo" inis kong sabi bago pabagsak na binitawan ang kwelyo ng lalaking hawak ko.

Inis akong tumayo at lumapit agad si Laina sa akin.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon