Chapter 21

1K 34 14
                                    

Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ko ang magkahawak kamay naming dalawa ni Zion.

"Anak" nakangiti ang Ninong at Ninang ni Zion nang salubungin kami.

May hawak ang mag asawa na plato na may lamang mga pagkain nang salubungin nila kami. Huminto kami sa kanilang harapan.

"These are my favorites" bungad ni Zion at kumuha ng isang stick ng quail eggs.

"Try eat" alok nito sa akin at inilapit sa aking bibig ang itlog na may balot na kulay orange.

Kinain ko ang isang buo at muntik ko na itong maluwa nang maramdaman kung gaano ito kainit.

"Ooohhh, hhaaaang iniiit" reklamo ko at pinaypayan ang aking bibig na akala mo naman ay maiibsan nito ang init na nararamdaman ko.

Nadinig ko ang pagtawa ni Zion kaya inis ko siyang tinignan. Kinuha niya ang isang bottled water at binuksan iyon bago ibigay sa akin.

Mabilis ko namang ininom ang tubig. Nagluha na ang aking mga mata dahil sa pagkapaso. Hindi naman mawala ang mga ngiting nasa labi ni Zion habang maingat niyang inangat ang kanyang kamay upang padapuin sa ilalim ng aking mga mata.

"Hinay hinay kasi" tumatawa nitong sabi habang malumanay na pinupunasan ang aking mata na may mga nangilid na luha.

"You should give me warning" inis kong sabi sa kanya.

"Okay, I will" sagot nito at hinalikan ang aking noo.

"Sige na Catalina tikaman mo pa ang ibang hilig ni Zion" sabi ng Ninang nito.

Hiniwa na nito ang ilang pagkaing nasa plato kagaya ng bananacue, calamares, pritong tokwa, at squidball.

Hindi ko na nga alam kung ano ang kakainin ko dahil lahat naman ng mga ito ay pasok sa panlasa ko. Hindi sila nakakasawang kainin.

"Do you like it?" tanong ni Zion habang nakaupo kami sa tapat ng open basketball court.

"Oo naman. Masarap lahat"

"Akala ko hindi papasa sa panlasa mo mukha kasing pang five star hotel ang mga pagkaing gusto mo"

"Ano ka ba! They taste better than the five star hotel foods" ngumiti si Zion nang marinig ang komento ko.

"Pogi, tara laro" tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

"Pass kasama ko si Cat" pagtanggi nito at itinuro ako.

"Sige na sumali ka na" pagpilit ko dito
"Ayoko. Gusto ko sa tabi mo"
"Dito lang naman ako hindi ako aalis"
"I just want to stay close to you. It feels good to be near you Cat" seryoso nitong sabi na nagbigay naman ng saya sa aking puso.

Hindi ko na siya pinilit pang sumali dahil mas gusto ko rin naman siyang nandito sa tabi ko kesa makitang naglalaro.

"Why do you like basketball?" di ko mapigilang itanong sa kanya habang nanunuod kami ng mga laro ng kaibigan niya.

"Hmmm, it's the reason we survive"

"Huh?" takang tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa mga naglalaro. Ang intense naman kasi ng laban.

"Basketball is the only anchor I had when everyone left us behind. Nang iniwan kami ni papa dahil sa babae ay nawalan naman ng gana si mama sa buhay. Iniwan niya din kami ni Kate. 12 years old pa lang ako nun at hindi ko alam kung paano na kami ni Kate" bakas ang lungkot sa tinig nito.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong malayo ang tingin niya pero mababanaag mo ang lungkot sa mga mata nito.

"Alam mo ba halos lahat na ata ng liga sinubukan kong salihan. Kung saan saan kami dumadayo, nakikipagpustahan para lang may maiuwi akong pera pangkain at pambili ni Kate ng gamot. Kinailangan ko ring huminto ng isang taon sa pag aaral para maghanap ng trabaho buti na lang nakaagapay pa rin sa amin sila Ninong at Ninang nung mga panahon na yun kaya may nagbabantay kay Kate kapag nasa trabaho o di kaya ay may laban kami" pagpapatuloy nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon