Chapter 7

377 22 7
                                    

"Saan ka na naman ba pupunta ha?!" inis na tanong ni Laina sa akin.

"Dyan lang kasama ko naman sila Billy" sagot ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

"Can't you just stay today ate? Lagi na lang kayong wala nila Kuya eh" napalingon ako sa kakambal ko nang mahimigan ang pagtatampo nito.

Nakayuko itong nakaupo sa aking kama habang nilalaro ang paa niya.

I know Laina. She is the sweetest and clingiest among of us. She loves to set up random movie nights and late night talks with us. Sa aming apat, siya rin ang pinaka studious kaya walang masyadong kaibigan. Si Jeah nga lang ang bukod tangi niyang pinakilala sa aming kaibigan niya.

I smiled as I sense na palihim na itong umiiyak. Maybe I am focusing too much on my friends kaya wala na akong oras sa kanya kaya naman naisipan kong lumabas ng kwarto.

Malakas kong kinatok ang kwarto ni Kuya Summer.

"Go away Catalina" sigaw nito mula sa loob pero yun din ang naging hudyat ko para pumasok sa kanyang silid.

Nakatakip ng unan ang kanyang tenga. Umupo ako sa tabi niya at niyugyog siya ng malakas.

"Catalina, si Frost ang guluhin mo please lang" pagmamakaawa nito.

"Laina is crying" napabalikwas ito ng bangon dahil sa sinabi ko.

"And why?" tanong nito

"Wala na daw tayong oras sa kanya. So maybe we can have our bonding today kuya?" yaya ko dito

Kuya Summer smiled at me and pinched my cheek.

"I guess I need my twins today too. I'll be out in 15" sabi nito at masayang tumakbo papasok ng banyo.

Lumabas naman ako para guluhin si Kuya Frost. Bukas ang pinto nito kaya dire diretso na akong pumasok.

"What do you need?" kakalabas lang nito ng kwarto at bagong ligo. Dumiretso agad siya sa study table niya at nagbuklat ng aklat.

"Laina is crying" nilingon ako nito at nakakunot ang noo na tila naghihintay ng kasunod kong sasabihin.

"We don't have time for her. She missed us"

"Okay, let's go out then" tumayo ito at ginulo ang buhok ko. Inis kong hinampas ang braso niya.

"Let's meet downstairs in 15 minutes" sigaw ko dito dahil pumasok na ito sa walk in closet niya.

Nakangiti akong lumabas ng kwarto ni Kuya Frost at natanaw ko si Laina na humihikbi habang pababa ng hagdan.

"Bunso" tumingala ito para lingunin ako.

"Aalis ka na?" malungkot na tanong nito.

"Go get dressed. We're going out with Kuya Summer and Kuya Frost" nagliwanag ang mukha ni Laina nang marinig ang sinabi ko.

Ang malungkot niyang mga mata ay agad napalitan ng magandang ngiti. Excited itong tumakbo papunta sa akin.

"Really Catalina?" di makapaniwala nitong tanong.

"Yeah, we're going to bond cause we miss our sweetest little sister too" mahigpit akong niyakap ni Laina bago ito tumakbo sa kwarto niya para magbihis.

At dahil nakabihis na nga ako ay dumiretso na ako sa sala para doon maghintay. I saw my Mom and Dad sitting beside each other.

Nakaakbay si Dad kay Mom habang nagbabasa ng magazine.

"Ew, it's too early in the morning to see this scene" sabay na nag angat ng tingin ang magulang ko.

"Look who's here" sabi ni Mommy at binuka ang dalawang kamay. I immediately ran to her arms and hugged her so tight.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon