Chapter 12

432 24 7
                                    

Ilang minuto akong umiyak sa bisig ni Zion. Hindi ko na inisip kung anong iisipin niya sa akin after nito. Bahala na.

Ako ang kusang humiwalay sa pagkakayakap ni Zion. Nakayuko kong pinunasan ang mga luha ko.

"Feeling good?" tanong nito at pilit na hinuhuli ang aking mata. Hindi ako nagsalita. Tumango lamang ako bilang tugon.

Ngunit hindi iyon ang sagot na gustong makita ni Zion. Wala itong pasabing hinawakan ang aking baba at marahang inangat para makita ang aking mukha.

Isang malakas na tibok ang sunod sunod kong naramdaman sa aking dibdib lalo na nang nagkasugpong ang aming mga mata. Parang tumatagos hanggang sa aking loob ang paraan ng pagtitig nito. Tila ba nais nitong sabihin na nakikita niya ang tunay kong nararamdaman.

"Are you sure you're okay now?" pag uulit nitong tanong.

"Oo. S-salamat" kinakabahan kong sagot dito. Ngumiti si Zion bago dumampi ang hinlalaki niya sa aking pisngi.

Naramdaman ko ang banayad niyang pagpunas sa luha kong nasa pisngi.

"Do you wanna come with me?" tanong nito at tila excited pa.

"Saan?"

"Sa amin. Kate will be happy to see you"

Saglit akong napaisip kung sasama ba ako o hindi pero wala rin naman akong dahilan para hindi sumama saka magandang rason na rin ito para makaiwas sa mga kakambal ko.

Humawak ako sa braso ni Zion.

"Sige. Sama ako" bumaba ang tingin ni Zion sa kamay kong nakahawak sa braso niya. I saw his shy smile bago tumalikod at maglakad papunta sa parking lot.

Tahimik naman akong nakasunod sa kanya habang nakahawak sa kanyang braso. Buti na lang at wala nang masyadong estudyante at walang nakakita sa amin.

"Wear this" sabi nito at inabot sa akin ang helmet. "Do you want me to wear it to you?" alok nito at akmang kukunin ang helmet.

Iniwas ko naman iyon sa kanya.

"Hindi kaya ko na to. Sanay na ako" sabi ko at tumalikod dito para isuot ang binigay nitong helmet.

Napabuntong hininga ako habang sinusuot ang helmet. Bigla ba naman kasing bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ng binata. Iniisip ko pa lang na malapit ang kanyang mukha sa akin at matititigan ko siya ng malapitan parang hindi ko kaya. Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinilig ang aking ulo kung ano ano na kasing naiisip ko na dapat naman ay hindi.

"Tara na" huminga ako ng malalim bago umangkas sa likuran ni Zion.

Pinaandar na nito ang motor at inayos ang side mirror ng motor. Napatingin ako sa side mirror at hindi namin maiwasang magkatinginan ni Zion mula doon.

Kahit suot ang helmet ay alam kong isang ngiti ang ibinigay ni Zion dahil naningkit ang mga mata nito.

"Kumapit ka baka mahulog ka" paalala nito.

Agad ko namang inihawak ang aking kamay sa kanyang beywang. Nang maramdaman niya ang pagkakahawak ko ay pinaandar na nito ang kanyang motor.

Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa side mirror pero tila may magnet ito dahil kusang tumitigil ang aking mata dito. Malaya ko tuloy na napagmamasdan ang magagandang mata ng binata na ngayon ay naka focus sa pagmamaneho.

Natataranta akong nag iwas ng tingin nang bigla itong tumingin sa side mirror. Ramdam ko ang ilang segundo nitong pagtingin sa salamin na tila ba hinihintay ang muli kong pagtitig.

Isang mahinang tawa ang narinig ko mula kay Zion bago ito napailing at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Hindi ko alam kung nakailang lunok ba ako dahil sa kabang nararamdaman ko. At kahit na kinse minutos lang naman ang byahe mula sa school hanggang kila Zion pakiramdam ko ay isang oras na.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon