Chapter 13

348 27 1
                                    

Malalakas na sigawan at palakpakan ang maririnig mo sa buong court. Kanya kanyang cheer ang bawat tao. May ilan pa ngang nagpustahan kung sinong mananalo.

Namumula na din ang mga palad ko kakapalakpak sa tuwing makaka shoot si Zion sa laro. Tama nga siya may ibubuga nga siya sa larong ito.

"Goooo Kuyaaaa" sigaw ni Kate nang makitang na steal ni Zion ang bola mula sa kalaban.

Matulin ang takbo ni Zion at halos pigil din ang aking paghinga lalo na at nakita kong hinabol siya ng nakuhaan niya ng bola. Tumalon si Zion nang malapit na sa ring para sana mag lay-up pero nagsipagtilian ang mga tao nang itulak siya ng kalaban para magmintis ang tirang gagawin.

Sumalampak si Zion sa mga tao buti na lamang at may mga tao sa gilid ng court na nakasalo sa kanya dahil kung hindi ay sa semento sana ang bagsak niya.

Nagpaikot ikot ang bola sa ring bago ito tuluyang pumasok sa ring dahilan para mas lalong maghiyawan ang mga tao.

"Fooouulllll" malakas na sigaw ko at tinuro ang lalaking tumulak kay Zion na ngayon ay nakatayo di kalayuan sa akin.

Tinignan ako nito dahil sa sinigaw ko.

"Dirty player" dagdag ko bago narinig ang pito ng referee at tawagan ito ng foul.

Binalikan ako ng tingin ng lalaki matapos marinig ang sinabi ng referee.

"Want to play dirty?" tanong nito sa akin at kinindatan ako na ikinagulat ko. Sinuyod nito ng tingin ang buong katawan ko. Inis agad ang naramdaman ko dahil sa paraan nito ng pagtatanong at paninitig.

Pasinghal na sana ako nang makita ang pagbunggo ni Zion sa lalaki dahilan para sundan siya ng tingin nito. Dumiretso si Zion sa harapan ko.

Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Sinubukan ko pang silipin ang lalaking binangga ni Zion.

"Eyes on me" masungit nitong sabi dahilan para magbalik ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko.

"What did he say?" tanong nito bago tanggapin ang hawak na tubig ni Kate. Tinungga nito ang bottled water pero hindi inaalis ang tingin sa akin.

"W-wala" pagsisinungaling ko dahil ayokong mawala si Zion sa focus lalo na at lamang sila.

"Want to play dirty daw Kuya" napayuko agad ako kay Kate dahil sa pagsusumbong nito sa kapatid. Mabilis kong tinakpan ang bibig nito.

"He said that?" mababakas ang pagbabago sa mukha at boses nito.

"Just don't mind him. Baka pikon na kaya badtrip na din" pagdadahilan ko dito. Binalik ni Zion ang tubig sa kapatid.

"Let's see his dirty play" sabi nito at tumalikod sa amin para bumalik sa laro.

Pumito ang referee hudyat na simula na muli ng laro. Mas naging mainit ang laban dahil mapapansin mong namimisikal na ang mga kalaban nila Zion at ang referee ay mukhang kampi pa sa kalaban dahil hindi ito tumatawag ng foul kahit na marami na ang nagrereklamo.

Pero kahit may pisikalan na nagaganap ay hindi pa rin nagpatinag ang grupo nila Zion. Sunod sunod pa rin ang puntos na ginagawa nila.

"Whooooooo" sigaw at palakpak ko nang maka three points si Zion pero nagulat ako nang bigla siyang pasimpleng patirin ng lalaking kanina na tumulak sa kanya.

"Boooooo" pag iingay ng mga nakakita.

Mabilis na nagsipaglapitan ang mga ka grupo ni Zion para paghiwalayin ang dalawang players kahit di pa man sila nagpapang abot. Matatalim na ang mga palitan nila ng tingin.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon