Chapter 9

369 24 7
                                    

Marami na ang tao sa loob at sa labas ng community chapel nang makabalik kami. Mukhang kami ang pinakahuling natapos sa cleaning drive.

Humahaba pa ang leeg ko sa kakahanap sa mga kakambal ko nang may umakbay sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap" sabi ni Billy.

"Kanina pa ako nandito kung sino sino kasi yang inaatupag mo" siniko ko siya bilang tugon.

Napahawak siya sa tyan niya dahil sa ginawa ko.

"Ito naman nagseselos agad" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Mangilabot ka nga sa sinasabi mo" malakas na tumawa si Billy nang marinig ang sinagot ko sa kanya.

"Cat, here" nakataas ang kamay ni Laina habang kumakaway sa akin. Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Billy at agad na pinuntahan ang kakambal.

"Change your clothes" inabot nito sa akin ang isang t shirt.

"San pwedeng magpalit?" tanong ko dito.

"Hmm, dito ata sa likod may C.R." at ininguso ang likuran ng community chapel.

Dumiretso ako sa tinuturo nito pero mukhang malabong makakapagpalit ako dahil sa haba ng pila.

"Magpapalit ka?" nakatayo si Nico sa tabi ko at nakatingin sa hawak kong t shirt.

"Sana kaso ang haba ng pila eh baka mamaya na lang"

"Pwede naman sa office namin. Tara samahan kita" alok nito.

Muli kong nilingon ang mahabang pila at aabutin talaga ako ng siyam siyam kung maghihintay pa ako.

"Sige"

Naunang maglakad si Nico para ituro ang daan. Nahirapan pa kaming makalabas dahil sa dami ng tao dahil malapit nang magsimula ang feeding.

"Pasensya ka na ah. Mainit talaga dito sa lugar namin eh" nahihiyang sabi nito

"Wala yun. Mainit naman talaga sa Pilipinas hindi lang dito" mahinang tumawa si Nico dahil sa sinabi ko.

"Ayun lang ang office namin. Wala namang tao dun kaya pwede kang magpalit"

Tumango lamang ako sa tinuran nito at nagpatuloy sa pagsunod sa kanya. Nasa tapat na kami ng office nila nang bumukas ang pintuan.

Mula doon ay nagtatawanang lumabas si Ayesha at Zion. Nakahawak pa si Ayesha sa braso nito. Mukhang masaya ang kanilang pinag uusapan.

"Uy, hi Cat! Hi Nico! San kayo?" bati ni Ayesha. Tipid akong ngumiti sa kanya bago bumaling kay Zion na nakatingin din sa akin.

Ang ngiting kaninang nasa mga labi niya ay naglaho agad. Napalitan agad ito ng masungit niyang mukha habang naglipat lipat ang tingin niya sa amin ni Nico.

"Hi Ayesha!" bati pabalik ni Nico "Sasamahan ko lang magpalit si Catalina. Mahaba kasi ang pila dun sa CR sa chapel"

Napansin ko ang pag angat ng kilay ni Zion nang marinig ang sinabi ni Nico.

"Bakit ikaw ba ang magpapalit sa damit niya?" malamig na tanong nito.

Nagulat ako sa sinabi nito kaya napabaling ako sa kanya maging si Ayesha ay napatingin kay Zion dahil sa tanong nito.

"Ah, hindi naman. Itinuro ko lang kung saan" alanganing napangiti si Nico parang maging ito ay nabigla sa itinanong sa kanya.

"Catalina can change her own shirt" masungit na sabi nito at lumapit sa pintuan. Binuksan niya iyon at hinarap kami.

"Go straight Cat tapos left makikita mo sa dulo nun ang CR" poker face nitong sabi.

Hindi ako nakapag react dahil hindi ko nasundan ang mga nangyari. Lumakad ako papasok at huminto sa harapan niya.

Salvador Series #4: Stillness of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon