" Ipikit mo ang mga mata mo. Magtiwala ka , ipikit mo na. " ani ng binatang si Niel sa dalagang kanyang kaibigan na si Christine na gustong kahit ilang minuto man lang ay mahawakan nito ang mukha ng binata na ngayo'y balot ng isang maskara.Matamis na ngumiti ang dalaga ng payagan siya ng binata na mahawakan ang mukha nito at dahan-dahang inilagay ng binata ang panyo sa mga mata ng dalaga na ngayo'y masaya at nakangiti.Kinuha ng binata ang kanyang maskara at inilagay sa mukha ang kamay ng dalaga.
" Kayganda ng mga kilay mo at napakahaba din pala ng mga pilik mata mo. " bulong ng dalaga habang dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay patungo sa ilong ng binata at papunta sa mga labi nito habang ang binata ay nakatitig lamang sa kaniyang mukha na nasisiyahan sa ginagawa nito.Laking gulat ng binata ng huminto ang kamay ng dalaga sa kanyang labi at akmang babawiin na sana ng dalaga ang kanyang mga kamay ng biglang hinila ito pabalik ng binata at hinawakan , dahan-dahang humakbang ang binata palapit sa kinaroroonan ng dalaga at inilapit nito ang kanyang mukha at hinalikan ang dalaga sa mga labi nito.
*****
" Ginoong N-nie... "
" Binibining C-christi..." sabay na nagkatinginan ang dalawa ng nagkasabay sila ng pagtawag ng kanilang mga pangalan na ngayo'y naka upo sa kubo kung saan madalas nilang puntahan kapag nababagot.Laking gulat nalang ng dalaga ng biglang sininok ang binata habang nakatingin sa kanya kaya't agad niya itong inalok ng tubig na maiinom.Ngayon ay hindi sila naging komportable sa kanilang sitwasyon dahil nasanay na siyang palaging nakikita ang binata na naka maskara at ngayong wala na ito at hindi na niya kayang gawin ang kanyang dating ginagawang pang pipikon nito.
" Binibining Christine hindi ito isang tubig na maiinom isa itong alak. " gulat na sambit ng binata sa dalaga , nataranta ang dalaga dahil sa sinabi ng binata na imbes tubig ang kanyang ibigay ay naging inumin agad niyang kinuha ang baso ng malaglag ito at natapon ang kaunting alak na laman nito , mabilis na kumilos ang dalawa upang linisin ito ng aksidenteng nagkahawak sila ng kamay kaya't sabay silang napahinto at dahan-dahang nagkatitigan na di nagtagal ay nagsipag talikod silang dalawa na para bang nahihiya sa isa't-isa.
" A-ayos k-ka lang ba? " tanong ng dalaga sa binata.
" O-oo , alam mo bang ayon sa nakatatanda madalas na sumasakit daw ang tiyan kapag malamig ang panahon kaya't kapag sumakit kinakailangan mo itong lagyan ng efficacient oil sa parte kung saan masakit." mabilis na sabi ng binata na halos mawalan na ng hininga at sobrang ikinagulat naman ito ng dalaga sa pagtatakang saan ito nanggagaling na salita at anong naging konek nito.
" Efficacient oil? ahhh sigurado akong meron kaming efficacient oil... " akmang tatayo na sana ang dalaga upang umuwi para kumuha ng sinasabi nitong efficacient oil ng dahan-dahan itong bumalik sa pagharap sa binata na para bang gulat.
( masakit ang tiyan niya at sigurado akong tatanggalin niya ang suot niyang pang ibabaw kaya't makikita ko ang dibdib niya at... at... hindi...hindi... )
" Ahhh , s-siguro hindi na lang kasi malayo-layo din naman ang bahay namin mula dito. " seryosong sabi ng dalaga sabay balik upo. " Mas mabuting umuwi nalang muna tayo at ng ikaw mismo ang bahalang humanap non. "
Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ni hindi ko na kayang gawin ang mga nakasanayan kong gawin kay Niel may hiya nakong nararamdaman at di mapakali sa twing nakikita ko siya hindi ko na ata kayang makita siyang muli huhuhu.
***
Ngayon ay nandito ako sa bahay nina Niel dahil napag utusan ako ng ate niyang bantayan muna ang mga anak nito at agad naman akong pumayag , isa pa gusto ko din ang mga batang yon at sakto ding wala dun si Niel ang alam ko may lakad daw na pupuntahan kasama ang mga kaklase nito may gagawing role play daw.Habang nakikipaglaro ako sa mga bata laking gulat ko ng may tumawag sakin kaya't agad akong napalingon sa likuran ko iniabot nito ang isang necktie upang magpatulong na ilagay ito sa kanya habang matamis itong ngumiti na para din bang bata kong umasal tinignan ko muna siya ng masama bago tumayo dahil sa ginawang pang iistorbo nito siya si Joren ang kuya ni Niel.Habang tinutulungan ko siya ay may naibangit siyang kung ano-ano tungkol kay Niel kaya't sinagot ko na lamang siya ang daldal kasi nitong taong to." Hindi ko nakalimutan yon.Yun ang unang pagkakataon na nakilala ko siya bilang isang weird na tao tinatago-tago pa ang mukha e ang pogi naman pala. " mahina kong sagot sa kanya na ikinakunot naman naman ng mga kilay niya.
" Pogi? sinasabi mo bang mas pogi pa siya kesa sakin? " seryosong tanong nito na nakababa ang ulo at kung saan-saan inililingon ang mga mata.
" Nahulog nga ako nong una ko siyang makitang walang maskara. " pabiro kong sagot.
" Hindi pwede. " labis akong nagulat sa naging sagot nito at isa din ay itinulak niya ang mga kamay ko na kasalukuyang tinutulungan siyang iniaayos ang necktie niya napansin ko ding biglang umiba ang ekspresyon sa mukha nito. " Pano mo yon nagagawa e ipinakita lang niya yong mukha niya nagkagusto ka agad at gusto mo pang sabihin sakin na mas lamang siya sakin. "
" Ang ibig kong sabihin ay sainyong dalawa kasi ay...si Niel ang mas kakaiba para sakin ibang-iba ang mukha niya kesa sayo. " pabiro kong sagot.
" Ito ang unang pagkakataon na narining kong may nagsabi na mas pogi siya kesa sakin. " nahahalata ko sa mga mata nito na naiinis ito.
" Sa mga mata ko kasi yan ang tingin ko. " mahinang sagot ko na ikinatahimik na niya at ilang minuto kaming walang imik sa isa't-isa na nagsisipag yukuan lang.
" Okay , bagay na bagay naman kayong dalawa. " ikling imik nito.
" Ay bagay na bagay sayo ah. " habang nakangiting tinititigan siya sa pormal niyang suot.Nadismaya ako ni hindi man lang nagpasalamat ha at inirapan pa ako bago ito tumalikod ang kapal naman talaga ng mukha niya.Ilang sandali pa ay dumating na ang ate nila na si ate Rutcil na Ina ng binabantayan kong mga bata ngayon at pagkatapos ay agad na din akong nagpaalam para umuwi kasi may lakad pa akong pupuntuhan.
BINABASA MO ANG
NO ONE CAN ESCAPE IN LOVE
Teen FictionSi Christine ay isang normal lamang na babae na nagkagusto sa kaniyang naging childhood friend na si Niel ang lalaking may pagkamahiyain ng konti at mapang-asar din kinahihiligan din nito ang pag ngiti ngunit kabaliktaran naman pagdating sa kapatid...