CHAPTER 8

0 1 0
                                    

Ngayon ay magkasama si Christine at Niel sa isang cafeteria nag aya kasi si Niel upang mapabatid daw kay Christine ang kaniyang pag-ibig kung gaano niya ito kamahal habang naka-upo silang dalawang magkaharap nagtitinginan lamang sila sa isa't-isa ni wala man lang imikan hanggang sa may dumating na isang lalaki at umupo ito sa gilid ng table na kinauupuan nila biglang nangunot ang noo ni Niel ng mapansing tinitignan ito ni Christine at ng lingunin din niya ang lalaki ay nakatingin din ito.Halos hindi na maipinta ang mukha ni Niel nong mga oras na iyon namumula na ito halatang may galit at inis na nararamdaman at ang pinaka masaklap niya pang nasaksihan ng ngumiti ang lalaki habang nakatingin sa mga mata ni Christine at nginitian din naman ito ng dalaga.Nang tinignan ni Christine ang mukha ni Niel ay gusto niya sanang matawa o huminto na lamang dahil alam niyang madali itong makaramdaman ng selos ngunit gustong-gusto niya din naman itong makitang napipikon ng tignan ni Christine ang mga mata ni Niel ay sobrang liit na nito kunwari galit na galit na at nagtatagis na din ang mga bagang nito panay tingin din ito sa lalaki sa gilidan namin na para bang tutunawin na lang niya sa tingin.

Hindi na makatiis ang lalaki lumapit ito sakin at nagtanong.

Maitanong kulang , boyfriend mo ba siya? " sabay tingin nito kay Niel.

" Hindi , kakilala ko lamang siya. "

" Ah talaga mabuti naman. " pangiting sabi nito na halatang natuwa dahil sa sinabi ko.

" Umupo ka muna. "

" Ah siguro nga'y dapat samahan ko muna kayo dito. "

Umupo ito sa tabi ni Christine habang si Niel naman sa harap na hindi na makatingin ng diretso dahil sa galit nito ni hindi din ito umiimik.

" Alam mo nong mga nakaraang araw bumisita ako sa isang beach ni wala akong nakitang sing ganda mo , gustong-gusto kita maging kaibigan.Kilala mo ako bilang future mo hindi mo lang siguro naaalala pero tignan mo kalaki laki ng mundo pinag tagpo talaga tayo at hindi din ako makapaniwalang dito lang pala kita matatagpuan. "  walang humpay na pangloloko ng lalaki HAHAHA

Habang si Niel sa harapan ay halos lumabas na ang mga mata nito at matulis na matulis na din ang tainga na nakikinig sa mga pinag-uusapan namin.

"  Yan ang tinatawag na tadhana. " pangiting sagot ni Christine dito sabay titig sa mga mata nito at narinig niya pang ginagaya siya ng salita ni Niel.

" Tadhana? " mahinang boses ni Niel dahil sa narinig niyang sinabi ni Christine.

" Ah paumanhin ginoo. " nakaw na pansin ng lalaki kay Niel.

" ano? "

" Patawad ngunit pwede mo ba kaming dalawa kuhanan ng litrato? "

" Oh pwedeng pwede. "  pangiting sagot ni Niel dito kahit halatang halata ang galit nito sa mukha.

Inabot ng lalaki ang selpon niya.

" Pakipindot nalang ng camera. "

Pagkatapos ay tumayo si Niel upang kunan ng litrato ang dalawa ng magbibilang na sana siya upang handa ng kuhanan sila ng litrato napahinto muna siya dahil napansin niya ang kamay ng lalaki na inilagay nito sa balikat ni Christine at hindi siya komportable na tignan ito ayaw na ayaw niyang may ibang humahawak rito.

" Ah yung kamay mo sa bewang ni este sa balikat ni..." pautal-utal na salita ni Niel dito na kasalukuyang huminto muna at binigyan niya ng masamang tingin ang lalaki.

" Ah ibig mong sabihin gusto mong ilagay niya ang kamay niya sa bewang ko?  " pamimikon na sagot ni Christine sa kaniya na ngayo'y malaki na ang hingaHAHAHA

Hinablot ni Christine ang kamay ng lalaki na nasa balikat niya at inilipat ito ng pwesto sa bewang niya sabay ngiti nito kay Niel.

" Ito na , kuhanan mo na kami. "

Walang nagawa si Niel kundi kinuhanan niya na lang ito ng litrato kahit labag na labag iyon sa kaniyang kalooban.Pagkatapos kaagad itong lumapit sa counter para magbayad at wala itong pag aalinlangang iniwan si Christine sa loob kasama ang lalaking kinaiinisan niya.

Maya't-maya lamang ay nagulat nalang si Niel ng may humihingal sa likuran niya ng lingunin niya ito nakita niya ang mukha ni Christine na halos hindi na maipinta dahil sa pagod sa paghabol sa kaniya.

" Grabe ang bait mo naman sa hindi mo kakilala. "  nakapamewang na sabi ni Niel habang ang mukha nito ay nagtatampo.

"  According to him ang ganda ko daw pagmasdan sa tuwing nakangiti ako bagay na bagay din daw sakin maging isang model ng magazine HAHAHA. " pagmamayabang nito kay Niel dahil gusto niya lamang itong inisin at malaman kung gaano kalalim ang nararamdaman ni Niel para sa kaniya.

" Mag focus ka sakin wag sa iba , binigyan mo pa siya ng phone number mo e hindi mo nga yon kakilala. " mahinang sabi nito na may pagtatampong usal habang nakasimangot.

" Wala naman akong magagawa gwapo naman ah. "  pabebe nitong sabi.

"  Gwapo? "  tanong nito sabay bigay ng malalim na hinga.

" Anong problema?  "

" Umuwi ka na may pupuntahan pako. " sabay talikod nito kay Christine.

Bago pa man maka ilang hakbang si Niel ay hinablot ng dali-dali ni Christine ang kamay nito at dahan-dahan itong nilapitan ng may pang aakit na lakad.

" Ikaw ba'y...nagseselos? "  pangiting tanong nito.

" Wag ka ngang pelingera.Mahuhuli nako sa lakad , salamat sayo. " sabay hila nito sa kamay niya na hawak ni Christine at kaagad na tumalikod habang bumubulong sa sarili.

"  Gwapo? E para ngang mukhang pwet. "

Habang naglalakad si Niel patalikod kay Christine ay seryosong seryoso ang mukha nito nagmumukhang baliw na rin itong naglalakad na nagsasalita at inis na inis ang mukha habang si Christine ay nakangiting tinitignan na naglalakad si Niel.



NO ONE CAN ESCAPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon