Christine's P.O.V.
Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya't naisipan kong magpunta sa may bookstore malapit sa grocery store na pinuntahan ko nung nakaraang araw.Habang tinitignan ko ang mga libro ay nagulat ako ng may biglaang dumikit sakin ng tignan ko ang mukha nito bumungad sakin ang ngiting kay tamis ni Niel pagalit lamang akong tumingin dito upang hindi niya mahalatang masaya akong nakikita siya.
" Wag mo sanang mamasamain ha meron man akong mapamatay na mga tingin , pero may purong puso naman ako. "
Hindi ko man alam kong anong pinagdadaanan nito kung nakalog na ba kung ano-ano lang ang sinasabi napapansin ko na din sa kaniyang masyado na siyang mahangin ah e dati sobrang napaka mahiyain niyan e o baka sakin lang siya nagkakaganyan.
" Tumabi ka nga hinaharangan mo ang daanan ko. " malamig na tinig ko rito dahil wala ako sa mood ko ngayon lalo pa't nababagabag na ako kakakita kay Joren nakakainis na ang pagmumukha ng taong yon.
" Wala akong pakialam , sinasabihan lang kita ng katotohanan at kung may gusto kang malaman tungkol sa akin pwedeng-pwede moko tanungin ngayon dahil free ako. "
" Ayan na naman siya. " mahina kong pabulong sa sarili ko.
" Gwapo naman ako , bagay na bagay din sayo at matalino din so bakit hindi ako ang nagustuhan mo? "
" Dahil hindi nga ikaw ang sinisigaw ng puso ko. "
" Pero bakit? Wala ka namang rason para hindi ako magustuhan.Sabihan mo ako ng sampong hindi mo nagustuhan saakin. " habang nagpapacute ito sakin.
" Sige lalapagan kita , nakakainis ka.
1. Hindi kita type
2. Ang boring mo
3. Umalis kana habang pumapangatlo pa lamang ako. " habang ipinapakita ang maliit kong kamao na ginawa kong pangtakot sa kanya." Christine! "
Tatalikod na sana ako ng biglang sumigaw siya ng malakas.
" Okay! Sobrang saya ko nang malamang wala kang nararamdaman para sakin! "
" Talaga lang , dahil wala naman akong nararamdaman para sayo! Yong taong gusto ko ay si Joren! Kung hindi din dahil kay Joren hindi kita makikilala nong mga bata pa. "
" Ah tama ! Yong taong nagustuhan mo ay si kuya Joren.Gusto mo si kuya Joren panghabang buhay! Siguro kailangan ko nang umalis ng bahay ng sa ganon ay bumalik na siyang tumira don! " pagkatapos niyang magsalita ng walang hingahan ay kaagad itong tumalikod at umalis na inis na inis ang mukha HAHAHA habang ako ay naiwan na nakatayo lamang na hindi alam ang gagawin kong matatawa ba o hindi.
BINABASA MO ANG
NO ONE CAN ESCAPE IN LOVE
Teen FictionSi Christine ay isang normal lamang na babae na nagkagusto sa kaniyang naging childhood friend na si Niel ang lalaking may pagkamahiyain ng konti at mapang-asar din kinahihiligan din nito ang pag ngiti ngunit kabaliktaran naman pagdating sa kapatid...