Maagang-maaga na nagising si Christine at halos hindi na maialis ang mga ngiti nito sa kaniyang labi habang nakahiga pa siya napag pasyahan niyang pumunta sa isang cafeteria na kakabukas pa lang malapit lang din sa tinitirhan nila kaya't kaagad siyang pumili sa drawer niya ng masusuot.
Habang papasok na siya mas napalaki pa ang ngiti nito ng makitang si Niel ay nasa loob ngunit nakatalikod ito sa kaniya at nag-iisa lang din ito.
Balak niya sanang hindi muna pansinin ng sa ganon ay makita niya ang magiging ekspresyon ng binata kung gagawin niya iyon.Lalagpasan na niya sana ito ng bigla itong nag ehersisyo bigla dahilan ng pag aray ni Christine ng masiko nito ang tagiliran niya.
Napalingon kaagad ang binata at pangiting nilapitan kaagad si Christine upang humingi ng paumanhin dali-dali siyang lumapit rito at niyakap walang nagawa si Christine sa pagkakahigpit ng yakap nito sa kaniya napangiti na lamang siya habang dinadamdam ang bawat sandali.
Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at iniharap ito sa kaniya dahilan ng pagtibok ng malakas ng puso ng dalaga pagkatapos ay kaagad niya itong inalalayan patungo sa upuan na kaharap niya saka umorder.Pagkatapos naman nila sa cafeteria ay inaya ni Niel si Christine na sumama muna sa kaniya siya na raw ang bahala rito.
Pumunta sila sa isang pizzahan at habang kumakain si Christine hindi namalayan nitong may maliit na piraso na pala ng pizza sa gilid ng bibig niya habang siya ay patuloy pa rin sa pagkain si Niel naman nakatitig lang dito habang kumakain ang dalaga at ng mapansin ni Niel na may kaunting piraso ng pizza kay Christine kaagad niya itong kinuha gamit ang daliri niya na ikinatigil naman ni Christine habang kumakain at ibinaling ang tingin kay Niel.
Sa pagkakaalam ni Niel ay isa ito sa paboritong kainin ni Christine naalala niya bigla nung mga bata pa sila at pagkatapos naman nilang mag pizza ay naglakad-lakad sila sa gilid ng kalsada ng may nadaanan na naman silang isang ice cream seller malayo pa lang napansin na ng binata na tingin ng tingin si Christine don kaya binilhan niya ito pagkatapos ay patuloy pa rin sila sa paglakakad hanggang umabot sila sa bahay nila Christine.
Sobrang nasiyahan ang dalawa sa kanilang nagawa ngayong araw.Ito ang unang pagkakataon ding nagkahawak sila ng kamay.
Malapit na silang makalagpas sa love bridge na malapit lang sa bahay nila Christine ng may marinig silang ingay na para bang nang-aaway nagsitinginan silang dalawa at kaagad na lumapit roon ng dahan-dahan upang makinig sa mga pinag-uusapan nito naging pamilyar din kasi sa kanila ang mga boses na naririnig nila at ng makarating na sila nagtago sila sa isang malaking puno at dahan-dahang sumilip upang tignan kung sino ba talaga ito at halos lumabas ang boses ni Niel upang matawa ng makita ang kasambahay nilang nagbabantay sa anak ng ate niya na si Jomarie at ang pinsan naman ni Christine na si Jaymark grabeng bakbakan naman ang ginagawa ng dalawa dito ah sa love bridge pa mismo nag away e ang ibig sabihin nga pagmamahal pero anong ginagawa ng dalawa dito nag-aaway HAHAHAHA.
" Sinabihan kitang ako nalang para lang din naman sa kapakanan mo ito e. " pasigaw ni Jaymark habang nakaturo kay Jomarie.
" Kung gusto mo talagang isipin ang kapakanan ko hanapan mo ako ng iba. " pasigaw naman nitong sagot na halos tumalsik na ang mga lawayHAHAHAHAHA.
Habang kami ni Christine halos mamatay-matay na sa kakapigil ng tawa sa puno na pinag tataguan namin.
" Sinabi mo pang guardian angel kita e kung hindi mo yon maibibigay among klaseng guardian angel ka? " dagdag pa nitong sigaw kay Niel.
" Andito , andito na , ang boyfriend mo! " sigaw naman ni Niel ng malakas na malakas.
" Asan siya? Asan siya? " sabay kunwaring palingon-lingon itong naghahanap.
" Andito! Sa harapan mo , ako! " pasigaw ding sabi nito habang itinuro ang mukha niya.
Walang naging imik si Jomarie dahil sa sinabi ni Jaymark napatitig lamang siya rito at tumahimik ng biglang may lalaking dumating at papunta sa kanila ng mapansin nilang may tao sabay silang lumingon dito at mas lumaki pa ang mga mata ng makitang si Joren ito.
" Umuwi na kayo , bitter ako ngayon. " tamlay nitong salita sa dalawa saka nagpatuloy sa paghakbang habang papalagpas sa kanila.
Walang nagawa ang dalawa tahimik itong nag sipag uwianHAHAHAHAH.
Habang si Christine naman at si Niel ay sumunod ding umuwi ng nagtatawanan sa daan hindi sila makapaniwalang masasaksihan nila ang pag-iibigang iyon.
Christine's P.O.V.
Ang sakit sakit ng tiyan ko siguro sa kakatawa namin to habang pauwi naku ba naman yang pag ibig na yanHAHAHA habang nakahiga ako ngayon sa kama ko biglang tumunog ang selpon ko at ng tignan ko ni Isa itong unknown number kaya't nagdadalawang isip ako kung sasagutin ba ngunit naging curious naman ako baka kakilala ko ito at nakigamit lang ng ibang number Saka baka importante din.
" Hello? " patanong kong bungad rito.
" Pwede bang lumayo ka sa kaniya. " nagulat ako sa sagot ng nasa kabilang linya tinig ito ng isang babae.
" S-sino ka? "
" Nakita mo na ako , wag mong sabihing hindi mo ako nakikilala. "
Ng sinabi niya sakin ang lahat doon ko lang napagtantong siya yung babaeng kasama ni Niel na iniwan lang namin doon sa kalye hindi ko alam kung anong kaugnayan nito sa kaniya dahil sa pagkakaalam ko ay wala pa ni isang nakarelasyon si Niel.
Halos hindi na maiwala sa isip ko ang mga sinabi niya sakin at ngayon lumabas ako ng bahay at may bibilhin sa convenient store habang iniisip ko pa rin iyon ng palabas na ako upang umuwi tatawid na sana ako ng biglang hindi ko napansing may motorsiklo palang papalapit.
Nahagip nito ang braso ko sa side mirror niya dahilan ng pagkatumba ko dahil malakas lakas din ito nabitiwan ko rin ang mga binili ko at mabuti nalang ng sa braso lang hindi sa binti ko baka mapuruhan kasing hindi na ako makalakad sa kabutihang palad hindi naman tumakbo ang driver ng motorsiklo sa halip ay tinulungan niya ako at dinala sa isang hospital upang ipagamot ito bukod sa masakit na masakit ang naramdaman ko may gasgas din ito siguro nakuha ko ito nung natumba ako.
BINABASA MO ANG
NO ONE CAN ESCAPE IN LOVE
Teen FictionSi Christine ay isang normal lamang na babae na nagkagusto sa kaniyang naging childhood friend na si Niel ang lalaking may pagkamahiyain ng konti at mapang-asar din kinahihiligan din nito ang pag ngiti ngunit kabaliktaran naman pagdating sa kapatid...