CHAPTER 9

0 1 0
                                    

Christine's P.O.V.

Pagkatapos akong talikuran ni Niel at iniwang mag-isa naglakad lakad na lamang ako pauwi ng sa ganon ay maenjoy ko naman ang moment na to at sa kalagitnaan ng aking paglalakad ng may nadaanan akong lalaking nakaupo sa isang bench humihikbi ito na nakayuko.Nakaramdam ako ng awa rito kaya nilapitan ko ito baka kailangan niya ng makakausap siguro'y basag ata ang puso nito ngayon.Nang lapitan ko ito agad na iniangat niya ang ulo niya napalaki na lang bigla ang mga mata ko ng makilala kong sino ito , ito ay si Joren na namamaga na ang mga mata sa kaiiyak at napansin ko din sa kaniyang amoy alak siya bigla akong napaigting ng hinawakan niya nalang bigla ang kamay ko sabay angat sa ulo niya at umiyak itong tumingin sakin.

" Gusto kita , ano bang kailangan kong gawin upang tignan mo naman ako hindi lang bilang isang kaibigan , kuya o kaaway. " bigkas nito sabay payuko na umiyak habang ako ay natulala sa sinabi niya nasasaktan din naman ako para sa kaniya dahil wala na akong maibibigay sa kaniyang mas higit pa ron sa pagiging kaibigan saka bago kami nag ka alitan itinuring ko na siya bilang isang nakatatandang kapatid  ni halos mahigit isang buwan na rin nga kaming walang komunikasyon dahil sa away na naganap samin at ngayon ay umiiyak ito habang nagsasabi sakin ng nararamdaman niya pero kung sa alitan naming dalawa ang pag-uusapan tapos na yon sakin kinalimutan ko na iyon simula nung nagkausap kami nung araw na bumili ako sa isang store ewan ko lang sa kaniya malaki nga din kasi ang naging atraso don binasag ko ang phone niya.

" Tine.Nagpapanggap kalang walang alam , diba?  "  seryosong tanong nito sakin.

" Ha? Nagpapanggap na ano? " 

" Alam mong gusto kita.Hindi ko ito ginagawa dahil gusto ko lang , ginagawa ko ito upang gumaan ang pakiramdam ko at masabi ko din ang totoong nararamdaman ko na gusto kita. " pangiting bigkas nito.

Wala akong naging imik sa mga sinabi niya pagkatapos niyang magsalita hinila ko ang kamay ko na hawak niya at kaagad na tumalikod upang magpatuloy na lamang sa paglalakad at kalimutan ang mga nangyari.
( Wala akong nilapitan , wala akong nakausap )

Naka ilang hakbang pa lamang ako ng maramdaman kong tumakbo ito patungo sa akin at hindi nga ako nagkamali ng makalapit na siya sakin hinawakan niya ulit ang kamay ko at lumuluhang tumingin ulit sakin.

" Gusto kita. Kung inaakala mong lasing na lasing ako ngayon at hindi ko alam ang mga sinasabi ko , nagkakamali ka."

Huling bigkas niya na aking narinig bago ko siya tuluyang tinalikuran na walang imik.Totoong nasasaktan din ako dahil wala akong magagawa sa nararamdaman niya isa pa alam naman niyang ang gusto ko ay si Niel ang kapatid niya.

Diretso akong naglakad ni hindi ko alam kung saan ako patungo kahit pa siguro tumawid ako sa kalsada wala akong paki ngunit sa kaingay ingay ng paligid may isang tinig lang ang dumiretso saking pandinig at yon ay tinig ni Niel na tinatawag ako pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad dahil alam ko namang ibang direksyon ang pinuntahan non kitang kita ko sa dalawang mata ko.

NO ONE CAN ESCAPE IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon