Ngayon si Christine ay naka confine sa isang hospital ayos lang din naman ang kalagayan nito ngayon ng naisipan niyang maglakad lakad palabas ng kwarto niya pagkabukas niya ng pinto ay bumungad ang mukha ni Niel na tila bang parang galit.
" Ano to? Pasyente ka na ngayon bakit ano ba kasing ginawa mo ha? Paano kung mas malala pa ang inabot mo rito? Ano bang klaseng pag-iisip yan? " sunod-sunod na sigaw na patanong ni Niel kay Christine habang nakahawak sa damit nito.
Walang imik o naging reaksyon ang dalaga rito sa halip ay tinitigan niya lamang ang binata habang paluhang iniisip ang mga sinabi ng babae sa kaniya na kaklase lang ni Niel labis siyang nasaktan sa mga sinabi nito sa kaniya at ang isang mas nakakapagpabagabag sa kaniya ay ng sinabi ng babae na layuan niya si Niel dahil isa lang daw siyang sagabal sa pag-iibigan nila.
" Ano? Anong meron? Bakit mo ako tinitignan ng ganyan? Anong mali? " tanong nito na tila natatakot sa tingin ng dalaga sa kaniya.
" Niel. "
" Ano? "
" May tanong ako. "
" Ano yon? "
" Hindi ako pasaway at maldita , diba? "
" Ano? " curious na curious nitong tanong habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.
" Mahal mo pa din ba ako? " seryosong tanong ng dalaga sa binata.
" Bakit mo naman naitanong yan? "
" Sagutin mo nalang ako. "
" Syempre naman , walang dahilan para magbago ito. " habang pangiti nitong sabi na nakakamot sa ulo.
" Mabuti naman.Niel , siguro oras na para lakbayin natin ang landas natin ng mag-isa."
" Ano? " bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito habang nagtatanong.
" Matagal ko na din kasing binabalak na doon muna tumira sa bahay ng tiyahin ko sa malayo.Hindi ko lang sinabi dahil alam kong masasaktan ka.Kaya nag-antay ako ng tamang pagkakataon para masabi sa'yo to.Salamat sa lahat.Hinihiling kong maging maayos ka sana palagi.Good luck sa panibagong journey mo , Niel. " halos pumatak na ang mga luha sa mata niya ng sabihin ito kaya't kaagad siyang tumalikod at bumalik ng tingin saglit habang nagpapanggap na masaya habang si Niel naman ay nakatulala lamang na halos hindi makapaniwala at maluluha nadin patungo.
Nang hindi na matiis ni Christine ang pagpipigil ng luha ay kaagad siyang tumalikod papunta sa kama habang ang binata ay papalabas na rin ng kwarto niya.
***
Labis ang pagdadalamhati ang naramdaman ng dalawa pagkatapos magamot ni Christine ng makauwi na ito ay kaagad niyang tinawagan ang Auntie niya upang magpasundo rito ni walang alam ang Auntie niya sa kaniyang rason kung bakit nagst-stay siya roon.Piniling lumayo ni Christine kay Niel ng hindi sinasabi ang totoong dahilan kung bakit niya ginawa yon ngunit sa ginawa niya namang iyon ay siya rin ang nagdurusa habang andon siya sa bahay ng Auntie niya walang araw at gabi ito na hindi umiiyak sa kwarto niya halos hindi nga rin ito lumalabas at ang Auntie niya ay panay pag aalala na ang nararamdaman sa kung ano na ang mangyayari rito habang si Niel naman ay walang araw na hindi rin namimiss makita ang mukha ni Christine palagi na lamang itong nakatitig sa selpon niya habang pinagmamasdan ang litrato ng dalaga ni hindi niya na rin ito makontak dahil naka off ang selpon nito.
BINABASA MO ANG
NO ONE CAN ESCAPE IN LOVE
Teen FictionSi Christine ay isang normal lamang na babae na nagkagusto sa kaniyang naging childhood friend na si Niel ang lalaking may pagkamahiyain ng konti at mapang-asar din kinahihiligan din nito ang pag ngiti ngunit kabaliktaran naman pagdating sa kapatid...