Christine's POV.
Ngayon ay papunta ako sa bahay nina Niel inimbitahan niya kasi akong pumunta dahil nga sa kaarawan niya ngayon ngunit habang naglalakad ako ay hindi pa rin maialis sa isip ko ang mga nangyari samin kanina nong time na lumabas yung noodles sa ilong ko nakakahiya kaya yon pano nalang pag ma didiscourage na siya sakin hys wag naman sana at kung hindi lang din naman dumating don ang kuya niyang masungit tiyak akong hindi pa din ako nakakagalaw sa pwesto ko don buti nalang talaga at dumating siya edi nagkalakas bigla ako ng loob na bunutin iyon bago paman niya mapansin at humarap agad na para bang wala lang nangyari e kahit gusto ko na talagang iiyak ang hapdi at init na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Nang makaabot ako sa harap ng pintuan ng bahay nila agad ko itong binuksan at laking gulat ko nalang ng sumalubong sakin ang katulong nilang nagngangalang Jomarie masaya itong sumalubong sakin at kumapit sa balikat ko at panay sunod-sunod ang mga tanong nito saakin.
" Hi ate Christine ! May boypren ka na pala? Bakit naman hindi mo sinabi saakin? Saan kayo nagkakilala ? Taga saan yon , pupunta din ba siya dito ngayon ? Sabihin mo. " pangungulit nito saakin akala mo naman parang sobrang tagal na naming magkaibigan e ilang beses lang naman kaming nagkikita at nag-uusap sa twing may importante lang akong pinupuntahan rito.
" Sinong nagsabi niyan? " gulat kong tanong sa kanya kung saan niya galing napulot ang mga chismiss na yan.
Agad na itinuro ni Jomarie ang pinsan kong si Jaymark na kunwaring nagtatahimik-himikan agad sa gilid na nakaupo na kunwaring wala siyang alam sa mga sinasabi nito.Maya-maya ay sumagot din siya sakin ni wala naman akong nararamdaman na galit rito tinitake ko lang naman yon as a joke syempre alam ko din naman na naghahanap lang yan ng rason upang mas mapalapit kay Jomarie dahil alam ko naman kung gaano kalalim ang pagtingin niya para rito.
" Nakita ko kasi kayo sa harap ng school e kumakain kayong dalawa pero nakatalikod ngalang yong lalaki kaya't hindi ko nakita yung mukha niya siguro sinasadya mo yon para hindi makilala. " daldal nito.
" Hoy! Tumahimik ka nga hindi yon no. "
" Eh ano namang nakakahiya don kung may nakaka date ka , overreacting ka naman siguro isa yong artista no? " patawa nitong biro sakin at sobrang inis na ang naramdaman ko sa niya sa mga oras na to hindi ako nakatiis tinalikuran ko siya at umupo na lamang sa gilid baka ma suntok ko pa yon.
" Sabihin mo na kasi , sino ba yon? " pangungulit na tanong ni Jomarie habang sunod ng sunod kung saan man ako pumwesto.
" E hindi naman ganyan. " sagot ko sa kanya na halatang namumula na sa inis at halatang irita na ang mukha.
" E ano ba talaga? " patuloy na pangungulit na tanong ni Jomarie.
" Tanga naman to oh kaya nga sinabihan na kita diba na hanggang maaga pa ay sabihin mo na ang iyong nararamdaman ang tanga lang talaga." mahinang bulong ni Jaymark kay Niel na sabay sabunot sa buhok nito at si Niel ay tahimik lang din sa tabi niya.
Nang tignan ko ang mukha ni Niel ay halata sa mukha nitong ayos lang at parang ngingiti na magiging seryoso na naman ulit habang sa bandang gilid naman ay nahahalata ko sa mukha ni Joren na naiinis na ito , siguro'y naiingayan ata ito.Habang patuloy ang kulitan namin ay bigla nalang napatahimik ang lahat ng biglang sumigaw si Joren kasabay ng pag tapik nito ng malakas sa maliit na table na kaharap nito.
" Umayos nga kayo ng upo! " maikling salita nito na ikinataranta naman nila at kaagad na umupo ng maayos at tumahimik ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay laking gulat naming tumayo si Niel at nagsalita , ito ang unang pagkakataon na nakita ko itong kumontra sa kuya niya at nakipag-usap.
" Masaya ka bang nabubuhay ng ganyan ? " seryoso at mahina nitong tanong kay Joren.
" Ano? " inis nitong tanong pabalik.
" Siguro ngay nasisiyahan kang ganyan ka.Ganyan ka nalang palagi , yan na lang palagi ang pinapakita mong ugali. "
Nang mapansin kong nag iinit na ang eksenang nangyayari ay napagdesisyonan kong lapitan si Niel at pakalmahin ngunit laking gulat ko na lamang ng lumapit si Joren at itinulak ako pabalik sa pwesto ko habang siya ang nagpatuloy papunta kay Niel na halatang may malaking galit na ang nararamdaman.
" Anong sinasabi mo ? " taas kilay nitong tanong kay Niel habang dahan-dahang lumalapit.
" Gusto mo ba din siya? Bakit kasi ganyan ka nalang maka react e ."seryosong tanong nito.
" Gago ka talagang bata ka. " sabay tulak nito sa dibdib ni Niel.
Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit kay Niel para hilahin muna ito palabas hinawakan ko ang braso niya at laking gulat ko ng ibinaba niya ang kamay ko at hinawakan niya sa mismong mga palad niya talaga ngunit hindi ko ito tinuloy ako mismo ang bumitaw sa kamay niya at bigla na namang lumapit si Joren sa kaniya at kinuwelyuhan siya.
" Sino ka ba sa akala mo ! porket gwapo ka akala mo makukuha mo na lahat ? Sino ka ba talaga sa akala mo ha ! Bakit gusto mo din siya no ? " pasigaw nito.
" Hindi na mahalaga yun kung may gusto ako sa kaniya o wala. "
" Alam mo ang galing mo ring magpakitang tao ha. "
" Bakit naiinis ka ? Okay sige , pagbibigyan kita ng pagkakataong patayin ako."
Hindi na ako nag alinlangang lumabas ng bahay nila upang umuwi na lamang imbes dapat lahat ngayon ay maging masaya ngunit nauwi lamang sa gulo hindi din ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko ngayong gabi na ako naging dahilan ng pag aaway ng magkapatid , nako po jusko! :(
BINABASA MO ANG
NO ONE CAN ESCAPE IN LOVE
Teen FictionSi Christine ay isang normal lamang na babae na nagkagusto sa kaniyang naging childhood friend na si Niel ang lalaking may pagkamahiyain ng konti at mapang-asar din kinahihiligan din nito ang pag ngiti ngunit kabaliktaran naman pagdating sa kapatid...