Matapos ihatid ni Niel si Christine sa bahay nila ay naisipan muna ni Christine na magpahangin sa labas kaagad siyang pumunta doon sa tinatawag nilang love bridge na hindi naman gaanong kalayuan sa bahay nila.Nang papalapit na siya doon ay may naaninag siyang isang lalaki na nakatalikod at natanaw niya ding may usok kaya't agad pumasok sa isip niya na nagyoyosi ito at nang makalapit na siya ay kunwari na lamang siyang nagseselpon katabi nong lalaki at binalewala na lamang niya ito.
" Punyeta! " biglang bulyaw ni Christine dahil sa usok ng sigarilyo na patungo sa kanya hindi na siya makatitiis kakapipigil ng hinga kaya't naisigaw niya ito sabay pagalit na lingon sa lalaki na nasa gilid niya.
Nang lingunin niya ang lalaki ay nagulat na lamang siya ng makita ang mukha ni Joren na tumatawa habang nakatingin sa mukha niyang galit na galit habang patuloy parin ang pagbuga niya ng usok sa mukha nito.
" Gusto mo bang mamatay? " sigaw ni Christine na sobrang galit na galit na dahil tinatawanan lamang siya ni Joren.
Sa sobrang inis na nararamdaman niya ay kaagad na inopen niya ang camera ng selpon niya at tinapat ito kay Joren upang kuhanan ito ng litrato habang gumagamit ng yosi.
" Ano? Magsusumbong ka? " pa tawa-tawa nitong tanong.
" Oo , sa ate mo. " pagkatapos niyang mabigkas na isusumbong niya ito sa ate niya ay kaagad nag iba ang ekspresyon nito sa mukha at dahan-dahang lumapit siya kay Christine upang kunin ang selpon nito habang si Christine naman ay paatras ng paatras habang patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato ng biglang natapilok na lamang siya dahilan ng pagkaupo niya.Habang si Joren naman ay kaagad ding kinuha ang selpon niya at kinukuhanan din si Christine ng litrato na halos mangiyak-ngiyak na ang mukha nito.
" Anong ginagawa mo? "
" E popost koto sa Facebook. "
Kaagad na hinawakan ni Christine ang mga kamay ni Joren at inagaw ang selpon nito ngunit nagpipigil din si Joren upang hindi ito makuha ni Christine.
" Gago ka talaga burahin mo yan! "
" Burahin mo muna yong sakin! "
" Ibigay mo sakin! " pilit pa ring agaw ni Christine sa selpon ni Joren , hindi niya mapantayan ang pwersa nito kaya't mabilis niyang ginamit ang paa niya upang sipain si Joren ng malakas ng sa ganon ay maagaw niya kaagad.
" Ibigay mo sakin! " habang sinusundan sundan ang kamay ni Christine na hawak-hawak ang selpon niya.
Napatigil na lamang si Joren ng isinilid ni Christine ang selpon niya sa loob ng damit nito at pinaipit sa kaniyang bra mabuti na lang at napigilan niya ang mga kamay niyang mahawakan ito.
BINABASA MO ANG
NO ONE CAN ESCAPE IN LOVE
Teen FictionSi Christine ay isang normal lamang na babae na nagkagusto sa kaniyang naging childhood friend na si Niel ang lalaking may pagkamahiyain ng konti at mapang-asar din kinahihiligan din nito ang pag ngiti ngunit kabaliktaran naman pagdating sa kapatid...