Joren's P.O.V.
Nang gumaan na ang pakiramdam ko kaagad na akong nagsimulang maglakad , uuwi nako sa bahay at matutulog na muna papahingahin ko na muna tong puso ko at kailangan kong gumising na maayos na.Pinapangako kong bukas na bukas ay kakalimutan ko na ang lahat at gagawin ko na ang nararapat.
Nang naglalakad nako sa kalye ay may nadaanan akong isang babae at pamilyar na pamilyar ang mukha nito sigurado talaga akong nakita ko na siya.Lumapit ako rito at tinanong kung ayos lang ba ito nasa gitna kasi siya nakatunganga lang habang pinagmamasdan ang direksyon na pupuntahan ko din.
" Miss ayos ka lang? "
" O-oo. " gulat na sagot nito sakin.
" Kuya baka gusto mo pang uminom. "
" Tumigil ka hindi nakakabuti sa kalusugan mo yan. "
" Kahit ngayon lang. " pagmamakaawa nito.
Hindi ko alam kong anong pinagdadaanan nito ngunit ayos lang pagbibigyan ko nalang ito kesa naman baka sa iba mag aya ito at ano pang mangyari babae pa naman.
Nang pinagbigyan ko siya kaagad niyang hinila ako papunta sa paborito niya rawng tambayan pagkatapos nang makarating na kami doon kaagad kaming umupo sa isang mesa at nagsimula na siyang umorder ng maiinom.
" Kaya mo ba talaga? " seryosong tanong ko rito.
Hindi ito umimik at nilaklak lang ang bote ng alak kaya't ganon na lang din ang ginawa ko.
Nang mapansin kong sobrang napakatahimik naming dalawa ay ako na ang nag isip ng topic at ito ay pinag isipan ko talaga ng maayos bago sabihin sa kaniya.
" Alam mo kailangan ko ng isang advice tungkol sa isang relasyon. "
" Ano? Talaga? " agad itong napahinto sa pag inom at napalaki ang mga mata sabay tanong nito sakin.
" May babae akong nagugustuhan...pero kakalimutan ko na siya. "
" Bakit? Sinabi mo na ba sa kaniya ang nararamdaman mo? " tanong nito.
" Oo . "
" O nasabi mo na naman pala e. " pangiting sabi nito sakin.
" Kaso may mahal siyang iba. " seryosong sabi ko sabay kuha sa bote ng alak na nasa mesa at kaagad itong ininom.
" Hala grabe naman , ang sakit naman din pala ng dinanas mo. " malungkot na sabi nito.
" Gustong-gusto mo ba talaga siya? " dagdag pa nitong tanong.
Tumango muna ako at nginitian siya bago nagsalita " Oo sobra. "
" Agawin mo kaya. " pabiro nitong sabi sakin.
" Talaga ba? " patawa ko ding tanong sa kaniya.
" Ang ganda niya siguro. " bigkas nitong nakangiti bago uminom ng alak.
" Maganda nga siya ang taas din kaya ng standard ko. " pabiro ko namang sabi sa kanya.
" Sana maaga mo pang sinabi sa kanya ng sa ganon ay nagawa mong makuha ang loob niya edi sana girlfriend mo na yun ngayon. " parang si ate lang tong batang to kung magsermon ah HAHAHA
BINABASA MO ANG
NO ONE CAN ESCAPE IN LOVE
Teen FictionSi Christine ay isang normal lamang na babae na nagkagusto sa kaniyang naging childhood friend na si Niel ang lalaking may pagkamahiyain ng konti at mapang-asar din kinahihiligan din nito ang pag ngiti ngunit kabaliktaran naman pagdating sa kapatid...