Chapter 1
Haaaaaaayyyy.. Asan ba ako? Oo nga pala, nasa capilla ako ng school naming, ang St. John de Baptiste University.
Bakit?
Maliban sa wala akong payong at naulan, dito ko lang naman binubuhos ang sangkatutak na luhang iniiyak ko.
Ang saya, nakikisama si Aling Weather.
Hay.. Bakit dito?
Wala akong magagawa eh. Wala naman pumapansin sa nadarama ko ngayon. Hala..
Nagpaka-emo na ako. Sa totoo lang, pwede ko naman itong idaing sa kanila. Yung mga kaibigan ko. Kaso hindi naman nila ako naiintindihan.
Hindi nila alam kung gaano kasakit ang masaktan. Lalo na at hindi mo masisi ang taong nanakit sa'yo.
Hindi dahil sa mahal mo sya.
Ito ay dahil sa..
Hindi niya alam na nasaktan ka niya.
Tama kayo. I'm secretly in love. 'Yun nga lang, alam ng iba maliban lang sa kanya..
Manhid kasi siya.
Balik tayo sa usapan. Bakit ko nasabing hindi nila ako naiintindihan?
Simple lang naman, ilang beses nila akong sinasabihan na wala akong kasalanan.
Ang gulo noh? Haha. Kasi alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan.
Hindi na kasi ako nadala. Pangatlo na ito.
Oo, pangatlong beses na akong nagmahal. Ewan ko kung pagmamahal nga ang tawag dito, ang alam ko kasi kapag nasasaktan ako dahil sa kanila, parang nahahati ang puso ko at hindi ako makahinga. Nagmahal ako ng hindi nila nalalaman na minahal ko sila.
Diba dapat sanay na ako? Haha. Kaso hindi eh. Kailan ba nakasanayan ang masaktan?
Ang cheesy ko! Grabe, siguro karma ko na to. Amfufu. Ayoko na. Ayoko nang ikwento ang pagkakaiba nito sa nakaraang dalawa. Mahapdi sa puso at kaluluwa eh. OA? Haha
I'm standin' on the bridge
I'm waitin' in the dark
I thought that you'd be here by now
Amfufu. 'Yun talaga ang kanta noh. Galing naman ni Manong Jeepney driver, gawan ba ako ng parang music video dito? Hahaha! Lalo na tuloy ako napapaiyak.
There's nothing but the rain
No footsteps on the ground
BINABASA MO ANG
Imperfectly in Love (Complete)
Teen FictionFYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before 2015 (so estimated 250,000 x 50 chaps if you want the total read count). From 2009-2014, it is a wh...